Paolo Contis essays first father role, praises young stars of Villa Quintana: "Masarap silang katrabaho... They’re very willing to learn… "

Paolo Contis has ruled out any changes of getting back together with estranged wife Lian Paz. They talking indirectly, but only about their children and through Paolo’s mother. "Kung ano’ng kailangan ng mga bata, alam ko, alam ng mom ko… actually the communication is her to my mom, mom to me," he says.


Balik-telebisyon na naman si Paolo Contis matapos niyang mabakante ng ilang buwan. Matatandaang huli siyang napanood sa Love & Lies, pati na rin sa Magpakailanman episode na “Bayaning Yagit: The Kesz Valdez Story.”

Kabilang si Paolo sa cast ng Villa Quintana, ang remake ng GMA-7 teleserye na pinagbidahan nina Keempee De Leon at Donna Cruz at umere noong 1995.

Mabilis namang napapayag si Paolo Contis na gampanan ang papel bilang ama ni Elmo Magalona (bilang si Isagani Samonte) sa bagong serye. Wala raw problema sa kanya iyon.

“Wala naman. Maganda naman yung project and siyempre pasasaan ba’t pupunta ka din dun sa mga ganung klaseng roles, bakit hindi sa ganitong kalaking proyekto ng GMA, di ba?

“When they told me na ako yung magiging father ni Elmo, it’s a challenge to make myself older, di ba?” umpisang pahayag ni Paolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Villa Quintana noong Biyernes, October 25, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Sa unang bersyon ng Villa Quintana nineteen years ago, si Joel Torre ang gumanap sa papel ngayon ni Paolo bilang si Robert Quintana.

Handa ba siyang maikumpara kay Joel?

Sagot niya, “Ah, huwag naman. Hindi, handa ako pero sana hindi naman. Iba-iba naman ng ano yan, hopefully lang mabigyan ko ng hustisya pero sana hindi ako ikumpara in a bad way, na ginagawa ko naman yung kaya.”

WORKING WITH THE YOUNGER STARS. Bidang babae naman sa Villa Quintana ang very promising Kapuso actress na si Janine Gutierrez bilang si Lynette Quintana. Kaya hiningan namin si Paolo ng opinyon tungkol sa mga kabataang artistang kasama niya.

Ayon kay Paolo, “Masarap silang katrabaho. Si Elmo ilang beses ko nang nakatrabaho, si Janine first time ko nakatrabaho. What’s good about kids, siyempre they’re very willing to learn.

“Dinaanan ko naman yun, di ba? Hindi naman ako bully na co-actor para iparamdam sa kanila na bago sila. Napagdaanan ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng mga nakatrabaho ko sinuportahan ako dati and it’s our turn to support them now. Sabi nga nila, sina Elmo and Janine need a good supporting cast, and that’s what exactly what we’re doing now.”

Gaganap na asawa ni Paolo sa Villa Quintana si Maricar de Mesa bilang si Stella.

Dagdag niya, “Pero kami ni Sunshine [Dizon] yung magkasintahan talaga.”

Maraming beses na raw niyang nakasama sa projects si Sunshine at first time naman nila ni Maricar.

“Si Kyla [as Ruby] first time kong makatrabaho. Si Tito Roy [Alvarez] madalas ko makatrabaho pero dito sa show kumbaga kami yung laging magkasama. Siya si Don Manolo, yung tatay ko na kinatatakutan ng lahat, at kinatatakutan ko rin.

“I believe si Tito Roy is doing a brilliant job,” detalye pa niyang kuwento.

Sa direksyon ni Gina Alajar at mapapanood na sa November 4, kasama rin sa cast ng Villa Quintana sina Sunshine Dizon bilang Lumeng Samonte, Raymart Santiago bilang Felix Samonte, Tanya Garcia bilang Amparing, Marky Lopez bilang Chito, Juancho Trivino bilang Jason at Rita de Guzman bilang Patrice.

Mabait si Paolo sa Villa Quintana. Pero naitanong din namin sa kanya kung alin ang mas gusto niya, kontrabida role o mabait?

“It’s very refreshing na ginagawa ko ngayon mabait. Iba, ang hirap actually.

“Nung first day, ilang beses kaming nag-take two dahil yung noo ko nakakunot, yung kilay ko nakataas. Pag nakatingin ako kay Tito Roy para ko siyang susuntukin.

“Yung, ‘Hindi Pao, soft.’

“I mean it’s a very good thing na si Direk Gina yung direktor, she’s also an actress, na alam niya kung ano dapat ang pag-arte.

“Mahirap pero very refreshing, masaya kasi ngayon... Bubble Gang tapos ito, parehong challenge para sa akin,” pag-amin niya.

WORKING WITH DIREK GINA. First time raw niyang maging direktor si Direk Gina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon na nga, it’s... masaya kasi naiintindihan niya kasi artista siya e, alam niya yung pressure pag nag-aartista, alam niya yung pressure ng kailangang ma-shoot agad, alam mo yun?

“Pero yung first time na kailangan kong umiyak sabi niya sa akin, ‘Hihintayin kita, hihintayin kita. Huwag kang ma-pressure na kailangan marami tayong makunan, hindi... hihintayin kita,’” saad niya.

Hindi ba mahirap na artista rin ang direktor niya?

“Well, hindi ko alam sa iba, pero maybe because it’s Direk Gina, I mean, para akong may libreng workshop, alam mo yun?

“Hindi naman yun part ng job description niya e, to explain to me how to cry and what to do pero she’s there.

“Kumbaga libreng mentoring ba,” masaya niyang pahayag.

LIAN PAZ. Binanggit naman namin kay Paolo na nang nakausap namin si Lian two days ago, sinabi nito na magkaibigan sila.

Ayon kay Lian, “Anything about the kids that’s all we talk about.”

Sa tanong naman kay Lian kung may chance pa ba na magkabalikan sila, sinabi nitong mukhang wala na.

“Ah oo,” pagsang-ayon ni Paolo.

Talagang tapos na ang relasyon nila?

“Oo,” ulit niya.

Bakit?

“Sad to say I am not open to talk about it yet because naka-file na yung... hindi, I don’t wanna call it annulment because it’s not called annulment.

“Basta we’re questioning the validity of everything so I filed a case against that, sadly I cannot talk about it. But the time will come that I will talk about it, especially when it’s over,” tugon niya.

Sa sitwasyon niya ngayon, masasabi ni Paolo na mas magaan ang pakiramdam niya ngayon na may komunikasyon sila ngayon ni Lian?

“As I’ve said our communication is about the kids lang so, kung ano’ng kailangan ng mga bata, alam ko, alam ng mom ko, actually the communication is her to my mom, mom to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta anything about the kids, kailangan alam ko yun. Yun lang,” diin ni Paolo.

Masaya ba ang personal life ni Paolo ngayon?

“I’m okay, I’m very happy, na ito, taking care of myself, at the same time, trabaho, ito nga.”

Sa tanong kung may lovelife siya, maikli lang ang pahayag ni Paolo.

Sabi niya, “That will be answered soon, one day when the right time comes, that will be answered soon.”

Guwapo at maaliwalas ang aura ni Paolo ngayon, na halatang masaya nga siya.

“Salamat! Masaya, masaya ako, I’m very happy, very thankful to GMA,” pasasalamat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN