John Prats says girlfriend Isabel Oli is the one, but clarifies he has not proposed

John Prats is excited about the reaction he has been getting on his relationship with girlfriend Isabel Oli. He says he is often asked when he is getting married, unlike in his previous liaisons: "Parang may something different this time... parang everyone’s asking, ’kailan ba ang kasal? Pakasalan mo na. Naku, excited na kami.’ Lahat ganun. Parang weird. First time kong na-experience at nae-excite ako.”


Kung titingnan sila ngayon, parang si John Prats ang puwede na yatang ikonsider ni Isabel Oli na pinaka-“best” na naging boyfriend nito. At kung si John naman ang tatanungin, si Isabel na nga ba?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman, wala na akong hihilingin pa at hindi ko naman nire-regret, e. Kapag sinasabi ng mga tao na ang dami kong naka-relasyon, hindi ko nire-regret kasi siguro, hindi ko siya maa-appreciate kung hindi ko napagdaanan yun.

Pahayag pa ni John sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Blessed din ako kasi, hindi ako magiging ganito kung hindi ko napagdaanan dati.”

Masasabi ba niyang boto na ang pamilya niya kay Isabel?

“Oo, parang pressured na nga ako na sobrang boto nila,” natawang sabi niya.

Sa lahat ng naging girlfriends niya, ngayon lang ba niya nakitang boto ang pamilya niya?

“Hindi, actually, ngayon ko lang naramdaman. Ngayon lang yung parang halos lahat ng makasalubong ko, ’kailan ka ikakasal?’

“Bakit nararamdaman yung side na yun. Parang may something different this time. Parang sa past relationships ko naman, wala namang nagsabi na ’kailan ang kasal?’

“But this time, parang everyone’s asking, ’kailan ba ang kasal? Pakasalan mo na. Naku, excited na kami.’ Lahat ganun. Parang weird. First time kong na-experience at nae-excite ako.”

Nakausap ng PEP.ph si John sa taping ng ika-5 anniversary ng Banana Split noong Martes, October 22, sa Music Museum, kunsaan magpapalabas ang programa ng dalawang Banana Split anniversary concert sa November 2 at November 9.

Aminado si John na katulad ng iba niyang co-stars sa Banana Split, naging malaking bahagi na ng pagkatao niya ang kanilang comedy/gag show.

Ayon nga kay John, “Fourth year ko sa show, pero yung show, fifth year na ng Banana Split. Sobrang dami kasing pinagdaanan ng show.

“Yung huli lang, yung nangyari sa Bohol, yun lang, hindi ko nga malaman kung magiging masaya o malungkot ako na hindi ako nakasama nung Day 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BOHOL EARTHQUAKE EXPERIENCE. Ang tinutukoy ni John ay ang unang araw ng taping sa Bohol ng Banana Split crew bilang bahagi pa rin ng kanilang ika-5 anniversary.

Sa kinasamaang palad, noong araw ding iyon nangyari ang 7.2 magnitude na lindol na nagdulot ng grabeng pinsala sa lalawigan.

Malungkot niyang saad, “Hindi ko na-experience with them ang ganoong pangyayari.”

Hindi raw siya nakasama dahil nagsu-shooting pa siya ng indie film niya sa Cinema One kaya yung ikalawang araw ng taping pa lang daw sana siya susunod sa Bohol.

Kuwento niya, “Pinakiusap kasi ng movie na baka puwede akong mahiram ng [October]15. Susunod na lang ako ng 16.

“Kaya noong time na nasa Nueva Vizacaya ako, si Angelica [Panganiban] ang nag-text sa akin noong afternoon na, ’tumawag ka kaya sa akin.’

“Sabi ko, bakit ganun ang text nito? Tapos yun nga, nabalitaan ko na lumindol. Hindi pa nagsi-sink-in sa akin ang nangyari. Ang concern ko pa noon, tuloy ba ang taping o pack-up? Hindi ko pa ma-imagine.

“Kaya nga kanina, noong pinapanood ko ang VTR ng pasasalamat, parang doon ako naiiyak. Parang doon nag-sink-in sa akin at doon ko lang nakita yung saya nila.

“Tapos, noong kinuwento nila sa akin na noong kumakain sila sa restaurant, pagsakay nila ng bus, gumuho yung restaurant.

“Yung mga nag-serve sa kanilang waiters, namatay. Naiwan sa pantry.”

Ang tinutukoy ni John na restaurant kung saan nag-almusal ang mga kasamahan niya sa Banana Split ay sa Bohol Tropics sa Tagbilaran.

Dagdag pa ni John, “So, noong nakita ko yun, hitsura na sobrang usok na. Doon ako tinamaan.”

ISABEL’S SURPRISE BIRTHDAY PARTY. Noong October 20 ang kaarawan ni Isabel.

Lingid sa kaalaman ng nobya, mayroon na palang pinaplano si John na surprise party kahit nakapagbigay na ito ng kanyang “advance birthday gifts” para kay Isabel.

Sa post ni Isabel sa kanyang Instagram, ipinakita na nag-regalo muna si John sa kanya ng iPhone 5S at iba pa. Saka pa lang nito nalaman na may sorpresang birthday party pa pala si John para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano naman yun, parang one month, yung mga gift ko sa kanya, inisa-isa ko sa isang buwan. Parang random lang. Hindi naman everyday.

“Parang today, one month before, nabili ko na yung gift ko sa kanyang bag.

“Sabi ko, ’sige, sa ‘yo na muna ‘yan. Baka mawala ko pa ‘yan.’

“Excited din naman ako. Sabi niya, ’advanced naman.’

“Tapos, three days before, binigay ko sa kanya ang phone.

“Pero, malungkot na siya one week before.

“Parang walang nangyayari sa birthday niya,” nakangiting kuwento ni John.

Gusto ba talaga ni Isabel na mag-party?

“Parang gusto niya na parang ayaw niya. Parang gusto niya, family na lang. Tapos yung mga friends niya, iti-treat na lang niya ng paisa-isa.

“So, ang tagal. Habang nasa Nueva Vizcaya ako, doon lang din ako naka-plano kasi, wala siya, e.

“Kasi, hindi ko talaga kilala lahat ng friends niya. Wala akong number, wala talaga.

“Tinulungan na lang ako ni Mavic [Tagbo], friend niya sa GMA. Si Mama Shey [Sherilyn Reyes], yung mga friends niya na common friends.

“Tapos, si Sam Milby kasi, kasama kong nag-ayos. Sa Prost namin ginawa, sa bar niya. Tapos yun, kumain muna kami sa The Fort, sa area.

“Alam niya [Isabel], sa bahay lang. May konting kainan. Tapos sabi niya, ’umuwi na kaya tayo. Yung Mommy ko, nandoon na sa bahay niyo.’

“E, hindi pa ready.

“Si Camille nandoon na sa Prost, wala pa raw tao. So, ako, ’ano ba ‘yan?’ Nag-jamba juice ako. Kahit busog na busog na ’ko. Mapa-delay lang. Bili ako ng T-shirt kahit hindi naman kailangan.

“Tapos, siya, nabubuwisit na. Sabi niya, ’seryoso ka ba? Sa birthday ko, magsa-shopping ka?’

“Sabi ko, ’hindi, kung may gusto ka, bili ka.’ E, siyempre, bwisit na siya, birthday niya. Tapos, sabi ko, ’daan muna tayo sa Prost, bibili ako ng red wine.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ’sige, ikaw na lang ang bumaba.’

“Sabi ko, ’hindi, apat ang bibilhin ko, e. Baka mabasag yun. Tulungan mo kaya akong magdala?’

“So, lakad kami hanggang pagdating namin, nagulat ako kasi, nakumpleto. Parang yung last na tawag ko kay Camille, dumating lahat. Tapos yun, iyak siya nang iyak. Sabi niya, ang pangit ko.

“’Hindi, nandiyan ang make-up artist mo, ininvite ko,’” natatawang kuwento pa rin ni John.

“Tapos sabi niya, ’uuwi na ko.’

“’Huwag, bayad na ‘to. Ituloy na natin ang birthday mo,’” nakangiti pa ring kuwento ni John.

Naka-red dress na si Isabel sa picture na kinunan sa surprise birthday party nito.

Itinanong namin kay John kung bakit tila napaghandaan ni Isabel ang nasabing okasyon.

Paliwanag niya, “Kasi, ang sabi ko, ’mag-ready ka, ide-date kita.’

“Sabi niya, ’mag-dinner na tayo with family.’ Tapos pinakain ko lang sa restaurant na common. Tapos pagbukas ng menu, sinigang!

“Sabi niya, ’seryoso ka ba? Pinag-dress mo ’ko tapos, dito pala tayo kakain?!’

“Pero yun, masaya siya. Masaya ako na masaya siya noong gabing yun, na hindi siya prepared. Okay na ’ko na after nun, ako yung okay na.”



IS HE THE ONE? Parang si John na yata ang best boyfriend ni Isabel, ano ang pakiramdam niya dito?

Pagpapakumbaba niyang pahayag, “Hindi, ako naman, sinasabi niya na the next day or three days after nun, hindi nagsi-sink-in sa kanya na nag-birthday party siya. Sabi niya, ano raw ba ang ginawa niya para i-deserve niya yun?

“Sabi ko, alam mo, sobra-sobra nga. Hindi mo lang alam. Hindi mo lang nanu-notice. Hindi mo lang napapansin ang ginagawa mo sa akin, ang pag-aasikaso mo sa akin.

“Actually, yung mga small things na iniintindi mo ang trabaho ko. Alam ko na suportado mo ’ko, bihira kaming nag-aaway.

“Na kung mag-away kami, dahil lang tulog ako nang tulog. Ang babaw lang. Ito yung best relationship ko na nagagawa ko yung gusto kong gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit niya naisip na isang surprise birthday party ang ibigay kay Isabel?

“Kasi, iba… at saka, sa family kasi, mahilig kaming magpa-party. Tapos ang Daddy ko, mahilig mag-surprise kaya yun ang natutunan ko.

“And noong umiiyak siya, pati nanay niya, umiiyak. Tapos sabi niya, kaya raw pala red dress din ang nanay niya. Sabi niya, sa bahay lang naka-red dress.

“Tapos, yun naging emotional sila. Sabi niya, sana raw nakita ng papa niya na ganoon siya kasaya noong gabing yun. Very fulfilling and happy.”

CAMILLE PRATS’ "SPECIAL SOMEONE." Kinumusta rin namin kay John ang kanyang kapatid na si Camille Prats na sa surprise party din ni Isabel ay unang inilabas ni Camille na tila may bago na itong “special someone” sa kanyang Instagram account.

Ayon naman kay John, “Oo naman, ako naman, happy ako.

“Siyempre, noong mangyari sa kanya yung medyo malulungkot na nangyari sa kanya, we were really hoping na—ayaw naman namin siyang tumanda alone.”

Matatandaang matagal ding nagluksa si Camille mula noong pumanaw ang kanyang asawang si Anthony Linsangan dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer noong September 23, 2011 sa edad na 32.

Kilala na nila ang non-showbiz guy dati pa?

“Nakilala ni Cams kasi, kaklase niya yun noong elementary. So, ang tagal na nilang hindi magkakilala. Pero, istorya naman nila yun. Ayokong [ako ang magkuwento]... siya na lang.

“Pero ako, happy ako, sa side namin, the whole family is happy and si Camille naman kasi, very private. Kung pansinin niyo, parang si Francis [Ricafort] lang yata ang naging boyfriend niya na showbiz. Other than that, hindi naman.

“So, hindi siya mahilig sa showbiz na relasyon.”

Boto naman siya sa guy?

“Mabait, e. Inaalagaan niya ang kapatid ko, pati ang pamangkin ko.”

Medyo matagal-tagal na rin daw sina Camille at ang non-showbiz guy.

SCARED OF BREAKUP? Tinanong din namin si John kung hindi ba siya natatakot dahil usong-uso ngayon ang mga break-up lalo na sa mga couples na masasabing intense din ang ipinapakitang pagmamahalan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni John, “Actually, ito nga ang difference. Dati, palagi akong may fear, na ’baka mag-break tayo. Huwag mo kong iiwan.’ Palagi akong ganun.

“May mga moments ako na sinasabi ko sa ex ko, ’huwag mo ’kong iiwan ha.’ Palaging ganoon. But this time, we never talked about it. Walang praning. Hindi ako napa-praning. Paano ba siya with her friends, okay lang.

“Ang luwag ng relationship, ang mature.

“Although, sige, immature kami kapag magkasama, baby talk. Pero, other than that, palaging positive ang relasyon namin. Ayaw naming mag-isip ng mga negative na bagay. Hindi siya option this time.”

Pero, nilinaw ni John na hindi pa raw siya nagpu-propose kay Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN