Singer Kyla on playing a villain in Villa Quintana: “Yun ang challenge sa akin.”

Kyla is thankful that her domestic life is in order, as her career as RnB princes and as teleserye actress goes in full spin. She and her husband, pro cager Rich Alvarez, have worked out a schedule for the hands-on care of their five-month-old son, Toby Elsiah, whom she still breast-feeds. “Ayaw muna naming magkaroon ng yaya si Toby. Gusto kong masanay siya sa amin ni Rich or sa mga lolo’t lola niya," she says.


Sa unang pagkakataon ay gaganap ang RnB Princess na si Kyla sa isang teleserye bilang kontrabida sa Villa Quintana ng GMA Network.

Ang naturang afternoon drama series ay remake ng dating soap opera na pinagbidahan nina Keempee de Leon at Donna Cruz at ipinalabas noong 1995.

Isang bagong character ang gagampanan ni Kyla bilang Ruby, na wala sa original ‘90s series. Dahil dito ay wala raw siyang pagbabasehan ng kanyang iaarte sa serye.

“Kaya pala wala akong ma-research kasi new character siya. Kaya I have to really create the character.

“Isang bagong challenge sa akin ito kasi never talaga ako tumatanggap ng teleserye. Nagge-guest lang ako, like noon sa Narito Ang Puso Ko noong 2003.

“Gano’n lang ang kaya ko kasi I feel na hindi naman ako artista. Hindi naman ako umaarte.

“Pero this time, parang natsa-challenge ako.

"Kasi nga si Direk Gina Alajar ang director namin, and she motivates me very well.

“Kaya sige gawin na natin ’to. Let’s see where it will take me,” masayang bungad ni Kyla sa press launch ng Villa Quintana sa 17th floor ng GMA Network Center noong October 25.

Marami ang mag-aabang kung paano gaganap nang mataray si Kyla dahil, in real life, mukhang napakabait nito at malumanay pa kung magsalita.

Paano niya mapapaniwala ang televiewers na kaya rin niyang magtaray?

“Yun ang challenge sa akin.

“Kasi nga itong speaking voice ko, very malambing daw at minsan mahina. E, ang role ko, kailangan nagtataray ako, masungit, at maingay.

“Wala naman akong gustong kopyahin or gayahin. I want to play the character in the way na sinulat siya, at bahala na akong makinig kay Direk Gina kung paano niya ako gustong umarte.

“Doon ako masusubukan talaga, and I really want to see myself act that.

"Sana magawa ko nang tama para hindi naman ako mapahiya,” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW ALBUM. Bukod sa kanyang teleserye ay busy rin si Kyla sa Sunday All Stars, kunsaan kabilang siya sa grupong Ligang iLike.

May sisimulan din daw siyang bagong album, at marami na raw siyang nakahandang mga bagong kanta para rito.

“Iniisip lang namin kung ano ang magandang concept for my new album. Gusto na naming i-release ito next year.

“Marami na akong songs na nasulat and yung concept na lang ang gusto naming ayusin,” saad niya.

Inamin ni Kyla na may kahirapan maglabas ng bagong album sa ngayon.

“Sa totoo lang, ang hirap kasing maglabas ng bagong album these days kasi, bukod nga sa piracy, yung paiba-ibang gusto na klase ng music ng mga tao ngayon.

“Mahirap maglabas ng all-original album kasi mas bumebenta pa rin yung mga revivals.

“E, nagawa ko na kasi iyon before, at gusto ko naman na magsimula ulit with original songs.

“Kailangan lang talaga ay perfect timing.

“Kasi sayang naman ang mga sinulat natin na songs kung hindi naman mapapakinggan, di ba?”

BALANCING FAMILY LIFE AND CAREER. Kahit naging mas busy ngayon si Kyla, wala naman daw problema sa kanyang mister na si Rich Alvarez.

Maayos naman daw kasi ang arrangement nila sa pag-alaga sa kanilang baby na si Toby Elsiah.

“Rich is very supportive. Masaya nga siya noong malaman niyang I accepted a teleserye. Kinukonsulta ko naman sa kanya ang lahat.

“He wants me to get busy again kasi he knows how much I love my career before we got married.

“Nag-usap naman kami in regards sa pag-alaga sa baby.

“Five months na ang baby namin and nagpapa-breastfeed pa rin naman ako.

“Medyo nami-miss ko nga si Toby kapag nasa taping ako. Nagkakaroon ako ng separation anxiety. Kailangan makita ko agad ang baby namin.

“Kaya nga lagi kaming naka-Facetime ni Toby kapag break namin sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want to see yung mga bagong ginagawa niya at ayokong ma-miss ang mga ’yon.”

Hands-on nga raw sila Kyla at Rich sa pag-alaga kay Toby. Kapag busy si Kyla, si Rich ang nag-aalaga at vice-versa.

Kapag pareho silang busy, iniiwan daw muna sa mga parents nila ang kanilang baby.

Wala silang yaya.

“Ayaw muna naming magkaroon ng yaya si Toby. Gusto kong masanay siya sa amin ni Rich or sa mga lolo’t lola niya.

“Siguro, kapag medyo malaki na siya, doon na kami mag-hire ng nanny.

“For now, kahit puyat kami we make sure na we are there for his needs,” pagmamalaki niya bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN