Melai Cantiveros reaffirms that union with Jason Francisco is for better or for worse

Bagamat nakilala sila bilang mga komedyante, tiniyak nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na seryoso ang pagpapalitan nila ng "I do" sa kanilang kasal sa Disyembre. Ani Jason, "Oo, siyempre. Alam niyo, kami, mahilig lang kaming magpatawa. Pero kung kami ay tumalikod na sa inyo, talagang seryoso kami... lalo na ako."


Apat na buwan nang buntis ang komedyanang si Melai Cantiveros sa anak nila ng boyfriend na si Jason Francisco.

Plano nilang magpakasal nitong Disyembre sa simbahan, sa General Santos City, South Cotabato, Mindanao.

Ang kuwento ng pag-iibigan ng dalawa ay nagsimula nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother Double Up (2010). Dito rin nabuo ang loveteam nilang "Melason."

Si Melai ang itinanghal na Big Winner, samantalang si Jason ay isang runner-up naman.

Paglabas nila ng Bahay Ni Kuya, nauwi sa totohanan ang relasyon nina Melai at Jason.

Noong 2012 ay nag-break sila, ngunit hindi natinag si Jason at muling niligawan si Melai.

Nagkabalikan ang dalawa ngayong taon, at buntis na nga si Melai sa unang anak nila.

"Ganun nga siguro talaga ang love!" natatawang sabi ni Jason.

STILL WORKING. Magkasama ang dalawa sa upcoming drama series ng ABS-CBN na Honesto.

Sa presscon ng teleserye noong October 24, nakausap sina Jason at Melai ng PEP.ph (Phlippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Sabi ni Jason tungkol sa pagtatrabaho pa rin ni Melai, "Heto ang pinakamadaya sa lahat.

"Sabi ko nga sa kanya, ’Ngayong buntis ka, kung hindi mo kaya, ’wag kang magtrabaho muna.

"’Take care of yourself, kasi buhay mo ’yan, a. Yung trabaho, nandiyan lang ’yan, e.

"’Kung suwerte ka, puwedeng pagbigyan ka uli. Ang importante ay makapahinga ka.’"

Singit naman ni Melai, na katabi lang ni Jason, "Sinabi naman niya na ’wag na akong mag-work, pero sabi ko, kung kaya ko naman, bakit naman hindi?

"Pero kung ano talaga, ayoko na rin munang mag-work habang buntis ako.

"Kasi sobrang blessing na ito sa akin, tsaka, sabi ko, ayaw kong mag-take ng risk.

"Lagi kasi akong nahihilo at nagsusuka.

"Hindi naman sobrang-sobrang hirap. Pero, nung sinabi ng doctor ko na okay naman, di sabi ko, sige, sayang naman.

"Basta sabi ng doctor, kung may nararamdaman akong iba, tawagan ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ng komedyana, "Tsaka yung relationship namin, hindi naman na ito basta-basta. Talagang naisip ko na kailangan itong mag-work.

"Halos one year din kaming naghiwalay.

"Kaya nung magkabalikan kami, naisip ko na para talaga siguro kami sa isa’t isa."

Sa parte naman ni Jason, sinabi niyang handa siyang magtrabaho nang husto, lalo na kapag hindi na kailangang magtrabaho ang kanyang kasintahan dahil sa kalagayan nito.

"Oo naman!" bulalas niya.

"Tsaka noon pa man, ’yan na talaga ang gusto ko.

"Akala nila, kung hindi ako nakikita sa TV in the past days, wala na akong ginagawa.

"May mga raket naman ako."

Marami ang nag-akala na hindi na mapapanood sa TV si Jason dahil sa ginawa nitong pananakit kay John Prats, sa taping ng Banana Split, noong Marso.

(Read: John Prats shocked by Jason Francisco’s "demonic" behavior; wants to teach former PBB housemate a "lesson")

Tanggap na raw ni Jason na hindi na siya mabibigyan uli ng trabaho dahil sa nangyari.

Aniya, "Yung mga nangyari nga noong nakaraang araw, kung hindi ka mabibigyan ng chance na mag-TV uli, di sige.

"Pero hindi ka naman tutunganga at... di ba?

"Yung sa family ko naman, marami na rin akong nagawa para sa kanila kaya siguro maiintindihan naman nila na magkaka-pamilya na ako.

"Pero hangga’t maaari, kung kaya pa naman, tutulong pa rin naman ako sa kanila."

GIRL OR BOY. Sa puntong ito, inalam ng PEP at iba pang press kung ano bang gender ang gusto nila para sa kanilang unang anak.

Si Jason ang unang sumagot: "Siyempre, kung ako, gusto ko ay lalaki.

"Minsan nga, may lumalapit sa akin na parang babae daw ang magiging unang ano ko...

"Siguro nga, feeling ko ay babae."

Sabi naman ni Melai na natatawa: "Ako, kahit ano!"

May naisip na ba silang ipapangalan sa kanilang magiging supling?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jason, "May naiisip, pero hihintayin ko na lang na lumabas na muna.

"Minsan, kapag may naiisip ako o nababasa e naiisip ko, na saka na nga lang pag labas.

"May mga nagsa-suggest kung ano ang pangalan, hindi ko pa rin naiisip."

Naglilihi pa ba si Melai?

"Minsan siya," sabi ng komedyana, sabay turo kay Jason.

Sabi naman ni Jason, "Hindi ko nga alam kung... minsan ako, yung parang may naiibigan kang pagkain.

"May gusto ’yan yung double... ano ba yun? Basta, tinapay siya na....

"Sabi ko, ’Huwag kang mag-ano niyan.’ Buti wala dito niyan sa Maynila.

"Kaya nga dinala ko na dito ’yan, kasi sa probinsiya, mahirap maghanap ng gusto niya.

"Minsan, isda."

Sinusungitan pa rin ba ni Melai si Jason?

"Minsan po!" natatawang sabi ni Jason. "Ang sa akin naman ay acceptable, kasi meron siyang pinagdadaanan."

Naiintindihan niya?

"Oo naman."

Singit naman ni Melai, "Napaka-protective niyan.

"At saka, parang siya nga ang naglilihi, kasi hindi siya kumakain.

"Minsan kasi, sabay kaming kumakain.

"Minsan din, nilalaktawan ko siya."

NO IMMEDIATE PLANS FOR NEXT BABY. Pagkatapos manganak ni Melai, wala raw silang planong sundan ito kaagad.

"Ay, huwag muna!" sabay bungisngis ni Melai.

"Mahirap daw pala na yearly kang mag-aanak.

"Kasi, nag-seminar kami. Sabi nga, kapag yearly daw, numinipis yung ano [matris].

"Mahirap din."

Pagsang-ayon ni Jason, "Oo, e. Kasi nga, nag-seminar kami, ang dami naming natutunan.

"Sabi kasi, yung mga nawalang dugo sa isang babae [dahil sa panganganak] ay hindi kaagad maibabalik yun in a year.

"So, kailangang two to three years daw yun dapat sundan... ngayon ko lang ’yan nalaman."

DECEMBER WEDDING. Dahil malapit na ang kasal nila at kilala silang mahilig magpatawa, inalam ng PEP kung magiging seryoso ba sila sa pagsasabi ng "I do" sa Disyembre.

"Oo naman," seryosong sagot ni Melai.

Sabi naman ni Jason, "Oo, siyempre. Alam niyo, kami, mahilig lang kaming magpatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kung kami ay tumalikod na sa inyo, talagang seryoso kami... lalo na ako."

Kinumusta naman ng press si Jason kay Melai.

Sagot ng 25-year-old comedienne, "Mabait naman ’yan."

Sabat naman ni Jason, 26, "Nangangako naman akong di ko ’yan sasaktan.

"At saka, hindi ko naman ’yan ginanun. Never ko naman ’yang ginawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN