Billy Crawford on being linked with Coleen Garcia: "Hindi ako nanliligaw."

Ngayong pareho na silang single muli ng matalik niyang kaibigan na si Luis Manzano, nagbiro si Billy Crawford (nasa larawan) na: "Matakot na lang kayo na baka kami ni Luis ang magka-end up together. Single na, e!"


Nagsalita na rin si Billy Crawford kaugnay ng mga lumabas na larawan nila ng It’s Showtime co-host niyang si Coleen Garcia habang magkaakbay.

Kuha ang naturang mga larawan sa isang event na ginanap noong October 12, sa Dugout Sportsbar, sa Bacolod.

Dahil sa nasabing larawan ay nabuhay muli ang isyung nag-uugnay kina Billy at Coleen.

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Coleen sa breakup nina Billy at Nikki Gil noon lamang September.

Sabi ni Billy, “Alam mo, people in general can say whatever they want to say.

"It’s just a picture, hindi naman scandal yung lumabas.

"At hindi lang kami ang dalawa ang nasa Bacolod for no particular reason.

"Being there with bunch of people... nandun sila Vice [Ganda], nandun sila Teddy [Corpuz].

"So, nandun kami sa event. Yun lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Billy noong Huwebes, October 24, sa ABS-CBN compound.

SWEET? Hindi rin daw maintindihan ni Billy kung bakit sinasabi ng iba na "sweet" daw sila ni Coleen sa mga larawang kumalat sa social networking sites.

Sabi niya, “Siyempre, kausap ko siya, nasa club ka, malakas yung sound.

"Kakausapin kita nang ganito, alangan namang pasigaw, di ba?

"People can be such hypocrite and they can say whatever they want to say.

"You know what, wala nang makakababa sa akin.

"I’m in a much better state right now."

Iginiit din ni Billy na hindi niya nililigawan si Coleen.

“Hindi ako nanliligaw.

“Not right now, huwag muna tayong magmadali sa mga ganyan.

"Siguro, I just have to enjoy being myself.

"Hindi ko naman maiwasan kung ano sinasabi ng ibang tao, hindi ko mapipilit, hindi ko sila mapipigil.

"People can judge anyone.

"It’s really simple to judge, but it’s really hard to look at the mirror dahil nanghusga ka ng tao.

“Yun lang sa akin, guys, just breathe, relax, buhay ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga sinasabi ni Kuya Kim [Atienza], ’Ang buhay ay weather-weather lang.’"

LUIS MANZANO. Katulad ni Billy ay single na rin ulit ang kaibigan niyang si Luis Manzano, na kabi-break din lamang sa ex-girlfriend nitong si Jennylyn Mercado.

Buo raw ang suporta ni Billy sa kaibigan.

Saad niya, “Matalik ko na kaibigan ‘yan, at sa halos sa lahat ng pinagdadaanan niya, nandun ako.

"Alam mo si Luis din, I’m happy kung anuman ang desisyon niya, kasi as what they wanted, as what they agreed upon.

"Basta kung saan siya masaya, nandun ako."

Kaya nga biro ni Billy, baka sila pala ni Luis ang magkatuluyan sa huli.

“Wala, yung mga sinasabi nila, confused kuno, ganito, ganyan...

"Matakot na lang kayo na baka kami ni Luis ang magka-end up together. Single na, e!" tawa niya.

KIM ATIENZA. Samantala, bilib naman si Billy sa katatagang ipinapakita ng kasamahan niya sa It’s Showtime na si Kim Atienza.

Kamakailan ay na-diagnose si Kuya Kim na may Guillain-Barre disease, isang uri ng autoimmune disorder na bigla na lang umaatake sa nervous system sanhi ng viral o bacterial infection.

(Read: Kim Atienza remains unfazed by rare disease afflicting him)

Sabi ni Billy, “Si Kuya Kim, isa sa pinakamalakas ‘yan, ang dami na niyang pinagdaanan sa buhay niya.

"Alam ninyo, nung bumisita kami dun [sa hospital], nakakataba ng puso dahil nakita namin, gusto niyang tumayo, gusto niyang maki-join sa amin sa anniversary ng Showtime.


"Pero alam namin kung ano ang pinagdaanan niya. Sobrang hirap ng pinagdaanan ni Kuya Kim.

"And, kaya sinasabihan namin siya ng kaunti, hinay-hinay lang sa mga training niya, sa triathlon niya.

"Medyo bugbog na bugbog siya, e.

“Iba-iba ang katawan natin, ang kakayahan ng katawan natin.

"Nagkataon na si Kuya Kim, ang inatake ng immune system niya. Yung immune system ang umatake sa kanya, sa nerve niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But he’s feeling and doing much better nung bumisita kami.

“Siya na rin ang naging doctor, in-explain niya.

"Actually, tinext niya kami kung ano yung sakit niya before, bago nga lumabas yung sakit niya.

"Ayun, ginoogle ko, I looked it up. Ayun ang lumabas, nakakatakot."

Pero dagdag ni Billy, “Malakas siya sa Diyos.

"He has a wonderful family, friends, sa lahat ng sumusuporta sa kanya, nagpapalakas sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN