Kristoffer Martin won’t talk about rumored breakup with Joyce Ching, maintains they’re "okey."

Sa lahat ng pagsisikap na ginagawa ngayon ni Kristoffer Martin sa trabaho, masaya na raw siyang malamang masaya rin ang kanyang pamilya sa kung ano ang ginagawa niya. Dagdag pa niya, "At saka yung nakakatulong ako sa kanila. Yun, priceless na yun, e. Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong ako sa pamilya ko, financially. Iyon na yun."


Nitong mga nakaraang buwan ay sunud-sunod ang balita tungkol sa hiwalayan ng celebrity couples.

Una sina Billy Crawford at Nikki Gil, sumunod sina Cristine Reyes at Derek Ramsay.

Ngayong buwan naman ay magkasunod na nabalita ang breakup nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano, at nina Angel Locsin at Phil Younghusband.

Bukod sa kanila, may isa bang celebrity couple ang napapabalitang break na—ang Kapuso tween stars na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer tungkol dito, sa Sunday All Stars, noong Linggo, October 27, ay umiwas itong pag-usapan ang estado ng relasyon nila ni Joyce.

“Basta kung may problema man kami ni Joyce ngayon, sa amin na lang yun.

“Ayoko na kasing palakihin yung mga ganitong bagay.

“Ibang topic na lang tayo!” pakiusap pa niya.



NO TIME FOR LOVE. Pero binanggit pa rin ng PEP ang balitang nagkakaroon daw sila ng problema ni Joyce dahil sa pagiging sobrang busy ngayon ni Kristoffer.

“A, wala yun, wala yun,” pagsisiguro ng 18-year-old actor.

“Kung anuman yung mga ganoon, sa amin na lang yun.

"Mahirap na kasing ilabas, e.”

Pero totoo bang shaky o on the rocks na ang relasyon nila ni Joyce ngayon?

“Hindi naman, hindi naman.

“Ayoko na lang munang magsalita about sa mga ganyan, kasi sa amin ni Joyce, personal yung mga ganito.

“Pero okey naman kami, e. Okey naman kami.

“Kung may misunderstanding man kami, sa amin na lang yun, sa aming dalawa na lang yun,” nakangiting iwas pa rin ni Kristoffer.



HECTIC SCHEDULE. Halos araw-araw ang taping ni Kristoffer para sa primetime series ng GMA na Kahit Nasaan Ka Man, kung saan katambal niya si Julie Anne San Jose.

Pag-amin ng binata, may mga pagkakataong talagang nasasagad na siya sa trabaho.

“Nakakapagod. Pero happy ako kasi may trabaho, plus nasasanay na yung katawan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro noong una lang, kasi hindi ako sanay ng araw-araw.

"Pero masaya ako, kasi yung soap namin, maganda ang kinalalabasan.

“At saka kapag napapagod ako, lalo akong naha-hyper.

"Ganoon naman kapag gusto mo ang trabahong ginagawa mo, di ba?”



COMFORTABLE LOVETEAM. Kapansin-pansin naman na habang nagtatagal, nagiging very close sila ni Julie Anne.

Matapos ang airing ng Sunday All Stars, lalapit sila sa isa’t isa para magpaalam na may kasunod pang kiss sa pisngi.

“Gawa na rin kasi ng trabaho, nagiging kumportable na kami sa isa’t isa,” pagtukoy ni Kristoffer sa pagiging magka-loveteam nila sa Kahit Nasaan Ka Man.

Hindi kaya mangyari na madala nila sa totoong buhay yung love angle ng ginagampanan nilang characters?

Sabi ni Kristoffer, “A, hindi, malabo!

“Masaya lang kami sa nagaganap na trabaho... lahat naman kami sa cast noong soap.”



PERSONAL REWARDS. Sobrang dedicated si Kristoffer ngayon sa kanyang career at trabaho.

Paano niya reregaluhan ang sarili sa lahat ng pagsisikap na ginagawa niya ngayon?

Sagot niya, “Siguro, makita ko lang na yung family ko, happy sa ginagawa ko.

"At saka yung nakakatulong ako sa kanila. Yun, priceless na yun, e.

“Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong ako sa pamilya ko, financially. Iyon na yun.

“Plus, before, parang ang hirap kumita ng pera, ganyan-ganyan.

"Pero, nagtatrabaho naman si Daddy, e.

“But siyempre, may mga bagay pa rin na mahirap solusyunan, so masaya ako na nakakatulong sa family ko.”

Ano naman yung pinakagusto niyang bagay na ngayon ay nabili na niya mula sa kanyang sariling kita?

“Kotse—yung Honda City na top of the line.”

Almost one million din ang halaga nito, di ba?

“Almost, oo,” pag-amin niya.

“Pero kung sa dream car, gusto ko ng Toyota RAV 4. Yun ang wish kong mapag-ipunan ulit at mabili.

“Gusto ko rin na makapagpundar ng sarili kong condo unit—gusto kong maging independent na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto kong matutunan ang lahat ng bagay, na kung magkamali man ako, yung natututo ako sa sarili kong mga pagkakamali. Iyon ang gusto ko.

“Pero hindi papayag ang parents ko na bumukod ako at mamuhay independently. Ayaw nila!” sabay tawa niya.

Dagdag ni Kristoffer, “Magna-nineteen pa lang ako next month.

"Siguro kapag nag-twenty-one na ako, papayagan na nila ako na maging independent.

“Pero masaya naman ako kung ano yung nasa akin na ngayon.

"Yun nga lang, natural din na you aim for more.

“Hindi naman masama ang mangarap, lalo’t parang napi-feel mo naman na kakayanin mong maabot o makuha yung mga pinapangarap mo.”



BEST GIFT. Kung kotse ang pinakamalaking nairegalo niya para sa kanyang sarili, ano naman ang best gift na naibigay niya kay Joyce na talagang pinag-ipunan din niya?

“Hindi kasi ako material na bagay, more on memories kasi ang ginagawa ko,” sabi ni Kristoffer.

Ano ba yung sa tingin niya pinaka-memorable na kanyang nagawa para kay Joyce?

Pagmamalaking sabi ni Kristoffer, “Yung sa debut niya, sinorpresa ko siya.

“Mula sa debut, nag-EK [Enchanted Kingdom] kami.

"Tapos, ginawan ko siya ng kanta for her debut.

“Ang title nung song, ’A Girl.’

"Nasa YouTube siya. I-type mo lang, ’Kristoffer’s composition to Achi.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN