Taxi driver claims physical assault in complaint versus Mark Herras

Salvador Ogdiman (inset), the taxi driver who got involved in an altercation with actor Mark Herras last October 26, filed a complaint against the Kapuso talent.


Iginiit ng taxi driver na si Salvador Ogdiman na mabilis ang takbo ng sasakyan ni Mark Heras nang muntik na silang magkabanggaan noong Sabado ng hapon, October 26, sa panulukan ng Scout Torillo at Timog Avenue, sa Quezon City.

Nakapaghain na ng reklamo si Ogdiman laban sa aktor, sa Quezon City Police District Station 10, noong Linggo, October 27.

“Nong umiwas ako, humabol sila ngayon sa ’kin," sabi ni Ogdiman sa ulat ng GMA News kahapon, October 28.

Sinabi ni Ogdiman na kung hindi pa raw niya iniwas ang kanyang minamanehong taxi ay posibleng nagkabanggaan ito at ang Toyota Rav 4, na minamaneho naman ng kapatid ni Mark.

Ayon kay Ogdiman, hinabol siya ng grupo ng aktor, kinuwelyuhan, at sinuntok ng isa sa mga kasama nito.

"Pagkahabol nila sa ’kin, nagmumura sila, ’Ayusin mo pagda-drive, a!’ sabi sa ’kin.

"Sabi ko, ’Sir, kayo naman po ang may kasalanan, hindi naman po ako, e.’

"Kasi nga, kung hindi ko iniwas, babanggain niyo ako.”

Samantala, handa naman daw harapin ni Mark ang reklamo no Ogdiman, ayon sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 28.

(Read: Mark Herras airs his side on averted brawl with a taxi driver in Quezon City)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN