Angel Aquino wishes both ex-boyfriend Lui Villaruz and Ai-Ai delas Alas “happy hearts and happy life together.”

Angel Aquino at present is not into any relationship, explaining: “Hindi naman sa umiiwas, pero wala. Nagtatrabaho lang ako. Yung mga katrabaho ko, busy rin sila or may mga relationships sila. So, walang ganoong window of opportunity.”


Ikinagulat ni Angel Aquino ang balitang malapit sa isa’t isa ngayon ang kanyang ex-boyfriend na si Lui Villaruz at ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Sa hiwalay kasing interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai, inamin nitong si Lui ang isa sa mga nagmungkahi sa kanyang magbiyahe nang mag-isa.

Naging close ang dalawa nang magkasama sila sa weekly fantasy series ng ABS-CBN na Wansapanataym.

(Read: Ai-Ai delas Alas not "emotionally ready" for another relationship)

Agad namang nagpaabot ng “good luck” si Angel kay Ai-Ai, nang makausap ng PEP ang una sa presscon ng Honesto, noong Huwebes, October 24, sa 9501 restaurant, sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Paglilinaw ni Angel sa kanyang sinabi, “Good luck sa kanya if she wants to enter into a relationship with Lui, then I wish them both good luck.

“Happy hearts and happy life together.”



EX-BOYFRIEND. Umabot ng apat na taon ang relasyon nina Angel at Lui. Ito ay sa kabila ng limang taon ang tanda ng aktres sa TV host-actor.

Naghiwalay sila noong 2011.

Mayroon ba siyang advice kay Ai-Ai, kung sakaling mauwi nga sa seryosong relasyon ang closeness nito kay Lui?

Nag-isip muna si Angel na parang tinitimbang ang susunod niyang sasabihin.

Sabi ng 40-year-old actress, “Teka, honest ‘to, ha? Wait…”

Nang mabuo na niya ang kanyang sasabihin ay saka siya nagsalita uli.

Aniya, “Just enjoy—enjoy his company.

"Ano kasi siya [Lui], e, he enjoys… parang…

“He’ll make you feel na parang there’s so much about life, not just work.

"So yun, enjoy life lang.”



ENJOYING LIFE. Sa interview ng PEP kay Ai-Ai, naikuwento nitong tinuruan siya ni Lui na i-enjoy ang pagta-travel mag-isa at ang pagkakaroon ng kalayaan sa buhay.

Ito ay dahil na rin sa mga pinagdaanan ni Ai-Ai sa kanyang buhay nitong mga nakalipas na buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-sang-ayon naman ni Angel, “Yun! Yun ang trait ni Lui.

“He’ll make you feel that the world is so big, and you have to explore and to live life vicariously, parang ganoon.

“And that’s a beautiful trait about Lui.”

Sa naranasan ni Angel, hindi ba mahirap din ang sobrang freedom?

“Kaya rin sigurong ano…

“Kasi ako, I cannot enjoy that much freedom, kasi I have two kids to take care of.

“During that time, yun ang mga important years in their lives.

“So, I had to be there for them, to support them... until now pa rin naman. Kaya ayun.

“Ngayong medyo malalaki na sila, in a few more years, puwede ko nang… ‘Oh, I can explore!’”

Ever since ba, hindi ready for commitment si Angel?

“Oo, at alam ni Lui yun noong time na yun.

"So, doon sa bagay na yun, we both agreed on.”



OVERWHELMED. Sa isang interview kay Angel, noong sila pa ni Lui, sinabi niyang pinaplano na nilang bumili ng bahay para sa buhay nilang magkasama. Hindi na ito natuloy dahil naghiwalay na nga sila.

Nalula ba si Angel sa mga plano nila noon ni Lui?

Sagot niya, “Medyo, medyo nalula ako, oo.

"Nakakalula yung ganoong commitment, lalo na pag marami ka pang obligasyon na iba.”

Sa pinakahuli niyang relationship, hindi pa rin ba siya handan noong makipag-commit na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay?

“Uhm, no. I think I felt I’ve wanted to, pero wala lang...

"Things went wrong along the way, ganoon.”



FEELERS. Sinasabi naman ni Angel na hindi pa siya handang pumasok sa bagong relasyon ngayon.

Wala bang nagpaparamdam o nanliligaw sa kanya?

“Wala kaya!” pagpapatunay pa niya.

Umiiwas ba siya?

“Oo, umiiwas...

“Hindi naman sa umiiwas, pero wala. Nagtatrabaho lang ako.

“Yung mga katrabaho ko, busy rin sila, or may mga relationships sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, walang ganoong window of opportunity.”

Dalawa ang anak ni Angel sa dati niyang asawa. Hindi ba niya nami-miss na magkaroon uli ng bagong baby?

Natawa ang aktres sa narinig at sinabing, “Huwag naman na!

"Ayoko nang mag-alaga, free’ng-free na ako ngayon.

“Alam mo yung napi-feel ko na yung independence ko, yung freedom ko uli.

“Bakit ko pa tatalian yung sarili ko?”

At 40 years old, ano pa ang nae-enjoy niya, maliban sa freedom o independence na kanyang sinasabi?

“Yun, a little bit of independence.

"Yung mga bata, hindi ka na hinahanap, ‘O, Mommy, hindi ka na umuuwi.’

“Kasi they have their own lives also, so they have their own set of friends.

“Naiintindihan nila na merong life si Mommy outside of them, outside of the family.

"Yun, nai-enjoy ko yun, sobra!”

Sa edad na 40 ay napakaganda at fresh pa rin ang hitsura ni Angel. Paano niya inaalagaan ang sarili?

“Umiinom ako ng moisturizer!" natatawang biro ng aktres.

Pero dugtong din niya, “Ano lang, tubig. Maraming tubig, maraming tulog.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN