Gardo Versoza thrilled to welcome son with partner Ivy Vicencio

Isa na namang ama ang aktor na si Gardo Versoza matapos isilang ng kanyang partner na si Ivy Vicencio ang una nilang anak na si Deity Uziel, kahapon, October 28.


"Ecstatic!"

Ito ang paglalarawan ng aktor na si Gardo Versoza sa kanyang naramdaman nang makita ang kanyang partner of seven years, si Marybeth "Ivy" Vicencio, na isilang ang una nilang anak na si Deity Uziel.

Nanganak si Ivy, via caesarean section, kahapon, October 28, 12:19 p.m., sa Cardinal Santos Medical Center, sa San Juan City.

"May baby Machete na!" nagbibiro pang dagdag ni Gardo, bilang pagtukoy sa popular movie character na ginampanan niya noon.

Ang attending physician ni Ivy ay si Dr. Dana Santos, katulong sina Dr. F. Legaspi, anaesthesiologist, at Dr. Teldy Chua, pediatrician.

Dakong ika-walo ng umaga nang magsimulang mag-labor si Ivy, at ika-11 ng umaga nang ipasok siya sa delivery room.

Wala pang dalawang oras ay matagumpay nang naisagawa ang operasyon at nailabas na si Baby Uziel, na panay agad ang pag-iyak habang isinasaayos ng kanilang doktor.

Mismong si Gardo—Peter Mennen Torres Polintan sa totoong buhay—ang nag-cut ng umbilical cord ni Uziel.

Kung tutuusin, hindi pa talagang due ni Ivy, pero she’s already on full-term pregnancy (38th week noong October 20), kaya malaki ang baby nang lumabas—weighing 8 lbs. (367.5 g.), at 52 cm. (20.4 inches) ang body length.

Nabanggit ni Gardo ang ibig sabihin ng pangalang Deity Uziel. Isa raw itong Biblical name na ang ibig sabihin ay "God is my strength.”

"Happy ako para sa mag-ina ko," sambit pa ni Gardo, nang makausap ng PEP matapos maisaayos ang lahat sa hospital room nina Ivy at Baby Uziel.

"Although hindi normal [ang delivery], nasaksihan natin ang buong procedure.

"Sana nga lang, nandito pa si Mommy," pagtukoy ng aktor sa kanyang yumaong ina na si Purisima Polintan.

“Although, pareho naman sila ni Daddy [Felix Polintan] na nakamasid, watching over their little boy.”

Kuwento naman ni Ivy, "Feeling ko, magpa-pass out ako kanina.

“Nahirapan akong huminga, na parang walang nakakarinig, until makatulog na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mahalaga, safe at healthy ang baby namin.”



NUMBER 8. Naniniwala ang mag-partner na masuwerte ang number 8, kaya hindi man nila pinili ang petsa ng kapanganakan, ani Gardo, "All answered prayer ‘yon, na mayroong number 8 sa date of birth niya [October 28].

“Tulad din sa akin [July 8], at sa birth month ni Ivy na August, which is the 8th month.”

Na-amuse din si Gardo at the thought na noong isinilang siya, in 1969, yun ang taon na unang nanalong Miss Universe ang isang kandidatang Pilipina—si Gloria Diaz.

This time, in 2013, taon ng kapanganakan ng first baby nila ni Ivy, ito naman ang taon na unang nanalong Miss World ang Pinay candidate—si Megan Young.

Biro uli ni Gardo, "Ibig kayang sabihin, magiging mahilig din sa chicks si Uziel?"



HIS FLESH AND BLOOD. Sa isang recent episode ng magazine show na Follow That Star, na naisahimpapawid sa GMA News TV, si Gardo ang nai-feature.

Dito’y naging bukas ang mag-partner hinggil sa pareho nilang pribadong buhay.

Public knowledge ang sinasabing may mga naging anak si Gardo, out of wedlock.

Si Ivy naman ay mayroon na ring mga anak from a previous marriage.

Mga teenager na ang dalawang anak na lalaki ni Ivy, who is also Gardo’s professional manager.

Sa nasabing magazine show episode, ipinakilala ng aktor ang dalawang lalaki bilang "my stepsons,” na nakakasama niya sa pagba-biking.

Higit ngayong meaningful ang samahan ng dalawa sa pagdating ni Baby Uziel, na pareho silang may kakaibang excitement habang ipinagbubuntis ni Ivy.

Sabi ni Gardo tungkol sa bagong-silang na anak, "Ito lang naman yung, kumbaga, all the way natutukan ko [hanggang sa panganganak].

“At saka, feeling ko, she [Ivy] deserves it naman. Iba kasi yung pinagdaanan niya."

Sa nasabing FTS episode, naipahayag din ni Gardo ang pagtanggap niya sa mga sinasabing anak niya out of wedlock.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung totoong flesh and blood ko naman, e, sino naman ako para tumanggi?

"I will welcome them... with open arms and open legs!" biro pa niya.

"At saka, may kasabihan naman, ’In God’s time,’ di ba?

“Like si Uziel, he was really meant to be..."



MACHETE’ HEIR. Hindi matapus-tapos ang pag-refer ngayon ni Gardo sa isa sa pinakapaborito niyang ginampanang papel sa pelikula, bilang si Machete, na iniuugnay niya sa kanyang bagong-silang na anak na lalaki.

"Kumbaga, sa heirs ni Machete, feeling ko, si Uziel ang heir to the throne!" masaya niyang sambit.

Unang nag-assume ng role ni Machete si Cesar Montano, followed by Gardo. Parehong noong early ’90s yun, na mga hit movies ng Seiko Films.

In recent years, sa panahon ng mga drama-fantasy series, si Aljur Abrenica ang "nagmana" at gumanap sa famous wooden-sculptured life-sized character, sa Machete (2011) ng GMA.

"So, Machete IV na si Uziel!" sabi pa ni Gardo.

"Parang mga kings ‘yan, e. Merong first, second, and third.”



DREAMS FOR UZIEL. But, seriously, pareho sina Gardo at ang mommy ni Uziel na hindi sigurado kung pag-aartista rin ang magiging kapalaran ng kanilang anak.

Sabi ni Gardo, "As much as possible, sa aming dalawa, kung wala sa makakahiligan niya [ang pag-aartista], gusto namin na sa ibang fields siya mapunta.

"Kung sakali man na makahiligan niya, or nasa genes na rin niya, siguro after school…

"Yun kasi ang naging frustration ko, e.

“Hanggang third year college lang ako," sabi pa ni Gardo, na kumuha ng kursong Engineering.

Dagdag niya, "Iba pa rin siyempre yung sa academics.

“Yun nga yung sinasabi nila, na isa ‘yon sa mga kayamanan na hindi mananakaw sa iyo—yung kaalaman.

"Sana rin, lumaki si Uziel na God-loving.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN