Miriam Quiambao on “no pre-marital sex” vow with fiancé Ardy Roberto: “We’ll do our best, by God’s grace, to stick to it.”

Ipinaliwanag ng dating beauty queen na si Miriam Quiambao na ang purity pledge nila ng fiancé niyang si Ardy Roberto ay bahagi ng preparasyon para sa kanilang kasal. Aniya, hindi madaling iwasan ang temptasyon kaya’t humihingi rin sila ng suporta mula sa kanilang spiritual mentors. Saad niya, "Siyempre, ang magkasintahan, parang may desire to become physically close. Lalo na ngayon, mas nagiging seryoso yung relationship namin, may tendency to fall into sin or f


Nagbigay ng pahayag si Miriam Quiambao tungkol sa “purity pledge” nila ng fiancé na si Ardy Roberto.

Kaugnay ito ng Instagram post ni Miriam, kung saan ipinakita niya ang kasunduan nilang magkasintahan na iwasan ang pre-marital sex, o iwasan ang sex habang wala pang basbas ng officiating pastor ang kanilang pagsasama.

Malinaw ring nakasaad sa kasunduan nina Miriam at Ardy na hanggang halik sa pisngi, pag-akbay, at paghahawak-kamay ang puwede pa lang nilang gawin upang maiparamdam ang pagmamahal para sa isa’t isa.

Ang kasulutan na naglalaman ng kanilang purity pledge ay nakalagay pa sa picture frame na may katabing fresh flowers at card.

Ito ang nilalaman ng kanilang purity pledge:

“Let it be known that I, Ardy Roberto a.k.a. ’Mr. Pogi’, and I, Miriam Quiambao, a.k.a. ’Ms. U’, vow before God to protect each other’s purity from this day onwards until the day, by God’s grace that we are wed.

“Therefore, we shall not engage in any act that shall ignite sexual desires or passions prematurely, such as passionate kissing (lips-to-lips), pheromone sniffing or foreplay.

“The only expressions of affection allowed are: kissing on the cheek, holding hands and hugging or ‘akbay.’

“I, Ardy Roberto, promise to take the lead in this purity pledge and protect you, Miriam Quiambao, and your testimony. So help us God! In Jesus’ name.”



A SIGN OF RESPECT AND ACCOUNTABILITY. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Miriam sa thanksgiving press conference ng “Celebrities for Children: Race for Hope” para sa World Vision, ngayong araw, October 29.

Dito ay ibinahagi ng 38-year-old beauty queen turned actress na ang kasunduan nila ni Ardy, na umiwas sa pre-marital sex, ay tanda ng kanilang respeto at commitment sa isa’t isa.

Parte rin daw ito ng kanilang paghahanda para sa nakatakda nilang pagpapakasal sa susunod na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Miriam, “Oo, si Ardy nagregalo sa akin nun para lang may accountability kami, at saka mas maprotektahan namin yung purity ng isa’t isa.

“Meron siyang isinulat na purity pledge, and we’ll do our best, by God’s grace, to stick to it.

“Siyempre, ang magkasintahan, parang may desire to become physically close.

“Lalo na ngayon, mas nagiging seryoso yung relationship namin, may tendency to fall into sin or fall into challenges in the relationship.

“Kaya kami ngayon, humihingi ng counselling, mas maraming prayers, at saka support from our elders in church, para mas lalo kaming masuportahan sa period na ito.”

Sa kabila ng magandang intensiyon nila, hindi pa rin nakaligtas ang dalawa mula sa pambabatikos, dala ng pagsasapubliko ni Miriam ng kanilang personal na kasunduan.

Ano ang reaksiyon niya sa negatibong kritisismo, at may iba pa umanong “naplaplastikan” sa naturang Instagram post niya?

Depensa ni Miriam: “Hindi ko naman intensiyon na isapubliko yun, e.

“Kasi ang Instagram account ko, akin lang naman yun, e, di ba?

“Nasa tao yun kung gusto nila pick-up-in.

"Hindi naman namin akalain na pipik-apin ng tao yun, kasi hindi naman lahat ng pinu-post ko dun, kinukuha ng news.

“Para sa akin, para siyang diary.”

Aminado rin si Miriam na hindi ganoon kadaling sundin ang “purity pledge” para sa mga magkasintahang tulad nila ni Ardy.

Sabi niya, “Naa-appreciate ko yun kay Ardy.

"It really goes to show his pure intentions for me.

“Yung purity pledge na yun, hihingi kami sa mga disciples and elders namin sa church na sign nun as witnesses, para may support and accountability kami.

“Hindi naman ibig sabihin nun na sobrang galing namin na kaya namin mag-stick dun.

“Kaya nga kami humihingi ng tulong sa church namin at saka mga pastor, para tulungan kami sa period na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para hindi masira yung purity na ni-restore ng Panginoong Hesus para sa amin at para sa ating lahat,” giit niya.



HOPING FOR A LASTING MARRIAGE. Matatandaang naganap ang proposal ni Ardy kay Miriam noong October 6.

READ: Miriam Quiambao engaged to Ardy Roberto

Nang kamustahin ng PEP ang kanilang wedding preparations, ibinahagi ng 1999 Miss Universe 1st runner-up na plano nilang sumailalim sa pre-marriage seminars, upang emotionally, spiritually, at mentally ay prepared daw sila bago lumagay sa tahimik.

Naniniwala raw si Miriam na mas importante ito kaysa sa anumang panlabas o materyal na paghahanda sa isang kasal.

Dala na rin marahil ito nang pareho nilang pagpasok sa isang lifetime commitment sa ikalawang pagkakataon.

Si Ardy ay isang biyudo. Ang kanyang asawang si Margot Roberto ay pumanaw noong January 2013 dahil sa sakit na lupus.

Si Miriam ay ikinasal noong 2004 sa Italian businessman na si Claudio Rondinelli, ngunit pagkatapos ng dalawang taon ay naghiwalay sila.

Patuloy na kuwento ni Miriam, “Actually, ang ginagawa namin ngayon, marriage preparation.

"Kasi ang wedding, isang araw lang. Marriage is for a lifetime.

“Dati kasi, mas pinaghandaan ko yung wedding kaysa sa marriage.

“Of course, the wedding also means preparation, but the marriage would take longer.

“I want this marriage to last a longer time and so does he.

"Lifetime na ‘to, e, kaya kailangan talagang paghandaan."

Sa ngayon, wala pa raw eksaktong petsa ang araw ng kanilang kasal.

Ani Miriam, “Most likely next year. If it’s Gods will.

"Kaya nga itong period na ito, ginagamit namin to see if it is really God’s will for us to marry."



KIDS. Bilang isa sa mga celebrity ambassador ng World Vision, ang pangunahing layunin ni Miriam ay makahikayat ng iba pang nais mag-sponsor ng mga batang pinag-aaral ng naturang organisasyon.

Kaugnay nito, mas lalo bang tumitindi ang kagustuhan niyang magkaroon ng sariling anak balang-araw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Miriam, “Matagal ko na talagang gustong magkaroon ng mga bata, ng mga anak.

“Kaya nga ako continuously tumutulong sa World Vision, kasi hindi ako nagkaroon ng mga sarili kong anak sa first marriage ko.

“So, parang ito yung nagiging outlet ko, na tumutulong ako sa mga ibang bata.”

Sa kasalukuyan, sampung batang beneficiaries na ng World Vision ang napag-aral ni Miriam. Tatlo sa mga ito ay graduate na ng high school.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN