Ariella Arida downplays her chances of winning Miss Universe 2013 crown

Ikinatutuwa ni Ariella Arida ang pagkakasama niya sa listahan ng "top favorites" ng isang UK-based publication, sa isinasagawang Miss Universe 2013 sa Moscow, Russia. Bukod sa kanya, nasa listahan din ang mga kandidata mula sa USA at Russia.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida, mula Moscow, Russia, kaninang hapon, October 29.

Ang sportscaster na si Dyan Castillejo ang naging instrumento para makausap ng press si Ariella, ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2013, na magaganap sa November 9 (November 10 sa Pilipinas), sa Moscow, Russia.

Isa si Ariella sa featured celebrities sa www.dyancastillejo.com, ang health and active lifestyle website ni Dyan.

Sa launch ng website ni Dyan kanina, sa Italianni’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City, naganap ang phone conference ng media kay Ariella.

Magkikita ang dalawa sa Moscow dahil si Dyan ang ipinadala ng ABS-CBN para sa exclusive coverage ng network sa Miss Universe 2013.

Ang tsansa niyang manalo sa Miss Universe ang unang itinanong ng PEP kay Ara (palayaw ni Ariella).

Sagot niya, “Feeling ko, basta ako, I’m doing my best sa lahat.

“At the same time, ini-enjoy ko.

“Hindi ko masyadong tinitingnan who can win or what, baka makaapekto pa siya sa akin.

"Basta ako, ine-enjoy ko."



"ARRIBA WALK." Isa si Ariella sa 27 candidates ng Miss Universe 2013 na napili upang rumampa sa Tony Ward Couture Fashion Show, na ginanap noong October 26, sa Moscow.

Isa itong malaking event na bahagi ng fashion week sa Russia.

Hindi raw alam ng kandidata ng Pilipinas kung makakatulong ang paglahok niya sa fashion show sa tsansa niyang mapanalunan ang korona.

Aniya, “Bahala sila kung ilalagay nila ako sa mga ganitong event… I don’t know kung nagma-matter ‘yon.

“Basta ako, every time I have, like, schedules or events, dapat laging maganda.

“Saka ginagawa ko talaga lahat ng best ko.”

Paulit-ulit ang pasasalamat ni Ariella sa positive feedback sa catwalk niya sa Tony Ward fashion show.

Tinatawag nga ang catwalk ni Ariella na “arriba walk.”

Reaksiyon niya, “Yes. Thank you so much, salamat po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-enjoy ko naman talaga yung show, as in, sobra.

“Ano yun, e, fashion week sa Russia, so sobrang malaking event siya doon.

“Ang ganda ng gowns na suot namin, so thank you so much, na-appreciate po nila.”

Bukod sa kanyang pagrampa sa fashion show, isa rin si Ariella sa anim na Miss Universe 2013 candidates na napiling lumabas sa Mercedes Benz television commercial.

Ang iba pang napili ay ang mga kandidata mula sa Austria, Germany, Mexico, Poland, at Russia.


ONE OF THE TOP FAVORITES. Ikinatuwa rin ni Ariella ang news report ng International Business Times ng United Kingdom, na kabilang siya sa top favorites sa Miss Universe 2013.

Bukod sa kanya, nasa listahan din ang mga kandidata mula sa USA at Russia.

Sabi ng 24-year-old beauty queen, “Yun ang talagang nakapagpa-uplift sa akin, nakakapag-motivate.

“Kasi, every day, we have these schedules.

“In the morning, may schedule. Pagdating sa gabi, may dinner event, cocktail parties… ganoon.

“Sobrang pagod ka na, pero kapag nalalaman mo na part ka ng [top favorites], nakaka-uplift ng spirit.

“Talagang ginaganahan kang gawin yung mga bagay-bagay.”



ERVIC VS. MO. Kahit nasa malayong lugar si Ariella, updated daw siya sa mga nangyayari sa Pilipinas.

Isa na rito ang word war sa pagitan ng kanyang rumored boyfriend na si Ervic Vijandre at ni DJ Mo Twister.

Nabalitaan ni Ariella ang pagtatanggol sa kanya ni Ervic.

(Read: Mo Twister and Ervic Vijandre trade insults on Instagram over Ariella Arida’s Headstart interview)

Sabi ni Ariella tungkol dito, “Thankful, thankful ako. Maraming salamat.

“Na-appreciate ko po yung ginawa niyang suporta sa akin kahit malayo ako.

“Feel ko pa rin na supportive siya. Nandiyan pa rin siya for me.

“So, thankful ako.”

Alam ni Ariella na hindi na matutuloy ang pagpunta ni Ervic sa Moscow para suportahan ang pagsali niya sa Miss Universe 2013.

“Ang alam ko nga po, hindi… Okey lang, at least feel ko po naman yung support.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit pinabulaanan ng dalaga ang balitang may relasyon na sila ni Ervic.

“Sabi ko naman sa kanya, priority ko talaga is this, so let’s see after the competition.

“So, ayun, supportive pa rin naman siya until now.”

Wala raw silang gaanong communication ngayon ni Ervic dahil sa kanyang busy schedule, at sa time difference ng Russia at ng Pilipinas.

Ang Pilipinas ay nauuna ng apat na oras sa Russia. Halimbawa, kapag 12 noon sa Russia, 4 p.m. dito.

Wi-fi lang ang connection ni Ariella, pero hindi raw reliable, kaya nahihirapan siyang makipag-communicate sa mga kamag-anak at kaibigan sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN