The Voice winner Mitoy Yonting maintains close ties with Eat Bulaga! mainstays

Mitoy Yonting counts among his loyal supporters in The Voice competition the mainstays of Eat Bulaga!, where he was first introduced as a power singer. "Napatunayan ko naman na sinusuportahan nila ako noong ipinagtanggol na ako ni Sir Joey sa Twitter, noong may mga kumakalaban na o may kumukontra. Kaya napatunayan ko na hindi ako pinabayaan ng mga Dabarkads,” he says.


Bukod sa kanyang mga masugid na tagasuporta, lubos din ang pasasalamat ng The Voice of the Philippines grand winner Mitoy Yonting sa mga taga-Eat Bulaga!

Unang nakilala sa telebisyon si Mitoy sa longest-running noontime show sa bansa.

Nakilala ang tambalan nila ni Gladys Guevarra, na binansagang “Chuchay,” sa segment na “Bulagaan.”

Nang tanghalin si Mitoy bilang kauna-unahang The Voice of the Philippines grand winner, isa sa mga unang bumati sa kanya sa Twitter ang Eat Bulaga! host na si Joey de Leon.

Isa itong patunay na kahit hindi na bahagi ng Eat Bulaga! si Mitoy ay maayos pa rin ang relasyon niya sa mga mainstay ng programa.

“Wala naman kaming masamang tinapay,” sabi ni Mitoy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media. sa press launch ng music application ng Smart Music na Spinnr, Martes, October 29.

Kasama ni Mitoy na dumalo sa event ang kapwa niya The Voice PH finalists na sina Myk Perez, Janice Javier, at Klarisse de Guzman.

(Read: Mitoy Yonting of Team Lea wins The Voice PH)

Sa pagpapatuloy ng interbyu ng PEP, nabanggit ni Mitoy na alam niyang suportado siya ng Eat Bulaga! Dabarkads.

Aniya, “Alam ko naman na sinusuportahan nila ako kahit hindi ko nakikita.

“Pero napatunayan ko naman na sinusuportahan nila ako noong ipinagtanggol na ako ni Sir Joey sa Twitter, noong may mga kumakalaban na o may kumukontra.

“Kaya napatunayan ko na hindi ako pinabayaan ng mga Dabarkads.”

Bukod sa Eat Bulaga!, napasama rin si Mitoy sa dating sitcom ng isa pang kilalang EB host, si Vic Sotto, ang Ful Haus, sa GMA.

Nakasama rin siya sa dating gag show ng comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola, ang H3O: Ha Ha Ha Over!, sa dating QTV-11.


MITOY IN IT’S SHOWTIME. Sa kanyang pagkapanalo, isa sa mga natanggap na premyo ni Mitoy ay ang four-year contract sa MCA Universal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunud-sunod din ang TV appearances ng 42-year-old The Draybers vocalist.

Kanina nga sa interbyu, hindi sinasadyang nabanggit ni Mitoy na mapapanood siya sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime simula sa Nobyembre.

Hindi kaya maging problema ito sa Eat Bulaga! Dabarkads?

Magkatapat kasi ng timeslot ang It’s Showtime at Eat Bulaga!

Paglilinaw ni Mitoy, “Personally, kinausap ko si Vic Sotto, nagpaalam.

“Siyempre, respeto ko naman ‘yon. Ang laki naman ng naitulong niya sa akin.

“Sabi ko sa kanya, ‘Bossing, magkakaroon daw ako ng noontime show, yung It’s Showtime.’

"Sa akin, respeto lang.”

Tinanong ng media kung magiging isa siya sa mga hurado ng It’s Showtime.

Pabirong sagot ni Mitoy, “Kahit propsman lang, okay na sa akin, kasi malaki naman ang katawan ko!"

Pero dagdag din niya, “Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin nila sa akin.”

Bukod sa paglabas sa It’s Showtime, magiging bahagi rin si Mitoy ng isang sitcom sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN