The PEP List 2013: Tom Rodriguez, TomDen loveteam, Ryzza Mae Dizon win in PEPsters’ Choice 2nd Quarter

Ang pangunguna ni Tom Rodriguez at ang tambalang Tom at Dennis Trillo sa 2nd Quarter ng PEPsters’ Choice 2013 ay patunay ng tagumpay ng pinakahuli nilang teleserye, ang My Husband’s Lover. Para sa kabuuang resulta ng 2nd quarter, pumunta lamang sa www.pep.ph/pep-list.


Fresh from the success of their toprating teleserye My Husband’s Lover, Tom Rodriguez and the Tom-Dennis Trillo loveteam scored big in the conclusion of 2nd quarter of PEPsters’ Choice 2013.

Nanguna si Tom sa Breakout Star of the Year category na sinundan nina Ritz Azul (2nd place), Julia Barretto (3rd place), Kim Rodriguez (4th), at Alex Medina (5th).

Noong 1st quarter ay si Daniel Padilla ang nanalo.

Ang PEPsters’ Choice ay component ng The PEP List 2013 kung saan ang resulta ay nasa kamay ng mga online voters.

Ang botohan ng PEPsters’ Choice 2nd Quarter ay ginanap mula August 17 hanggang September 30 ng taong kasalukuyan.

Bunsod na rin ng kasikatan ng My Husband’s Lover, tinaob ng loveteam ng TomDen (Tom at Dennis) ang iba pang nominadong loveteams.

Ito ay ang mga sumusunod: Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz (2nd), Maja Salvador-Gerald Anderson (3rd), Bea Alonzo-Zanjoe Marudo (4th), at Jessy Mendiola-Matteo Guidicelli (5th).

Sina Xian Lim at Kim Chiu ang itinanghal na Celebrity Pair of the Year noong 1st Quarter.

Nabigo naman si Dennis Trillo na manguna sa Male TV Star of the Year, at nasa pangalawang puwesto lamang ito.

Nasungkit ni Vic Sotto ang unang pwesto.

Nasa 3rd place si Coco Martin, 4th si Vice Ganda, at 5th si Sam Milby.

Nanguna naman si Ryzza Mae Dizon sa Female Child Star of the Year, at ang first placer noong 1st quarter na si Xyriel Manabat ay bumaba sa ikalawang puwesto.

Sumunod sina Andrea Brillantes (3rd), Jillian Ward (4th), at Mona Louise Rey (5th).

Sa Male Child Star of the Year naman, nanguna si Renz Valerio, na sinundan nina Izzy Canillo (2), Mark Justin Alvarez (4), at James Carlos “Bimby” Aquino Yap, Jr. (5)

Nasa ikatlong puwesto naman si Zaijian Jaranilla, na nanguna noong 1st quarter.

Si Martin Escudero ang nanguna sa Male Newsmaker of the Year category.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang umingay ang pangalan ni Martin nang kumalas ito sa dati nitong manager na si Popoy Caritativo, gaya ng ginawa ni Marian Rivera.

Sinundan si Martin nina Vice Ganda (2nd), Jed Salang (3rd), Benjo Benaldo (4th), at J.J. Barretto (5th).

Si James Yap ang nanalo noong 1st quarter ng PEPsters’ Choice Male Newsmaker of the Year.

Samantala, magbubukas naman ang botohan para sa 3rd quarter sa darating na November 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN