Cristalle Henares brushes off rumors linking her to Derek Ramsay; says there is nothing going on between them

Cristalle Henares says there’s nothing wrong with being romantically linked to Derek Ramsay since they’re both single at the moment. "The good thing is nung time na nali-link kami ay single siya. Ngayon, single na naman siya. So, para sa amin, wala talagang masyadong apektado, so okay lang," the stylish businesswoman states.


Muling namataang magkasama sina Derek Ramsay at Cristalle Henares sa isang fund-raising fashion show noong nakaraang linggo.

Matatandaang naging maugong ang balita na nagkakamabutihan diumano ang dalawa, matapos kumalat sa Internet ang litrato nilang magkasama sa Boracay noong Mayo.

Pagkalipas ng ilang buwan, naging karelasyon ni Derek si Cristine Reyes, kaya’t namatay ang isyu sa pagitan ng aktor at anak ni Dra. Vicki Belo.

Tumagal lamang ng halos isang buwan ang relasyon nina Derek at Cristine.

Pero ngayong pareho pa rin silang single, hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyon kung may posibilidad na magkagustuhan ang dalawa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cristalle ngayong araw, October 29, iginiit niyang kaibigan lang ang turing nila ni Derek sa isa’t isa.

Bukod sa magkakilala ang kanilang pamilya, madalas daw silang magkasama dahil pareho silang aktibo sa iba’t ibang charity organizations.

Paliwanag ni Cristalle, “Wala yun. Derek and I are very, very good friends.

"As a matter of fact, sabay kami dito sa World Vision na naging ambassador at child sponsor.

“He’s also with me when we go on outreach or when we have projects.

"Last year, we went to Iligan [for typhoon Sendong relief operation].

“This year, nagkita kami nung Sabado, unang-unang sinabi niya sa akin, ’Cristalle, kailan tayo pupunta ng Bohol?’

“So, yun ang bonding namin. And yung families kasi namin, very close.”

Ang lalawigan ng Bohol ay tinamaan ng malakas na lindol kamakailan lamang.

JUST LIKE A SISTER. Sa kabila nito, walang nakikitang masama si Cristalle kung sakali mang ma-misinterpret ng ibang tao ang pagiging malapit nila ni Derek.

Ang importante ay alam daw nila ang totoo at wala silang natatapakang ibang tao.

Sabi ng tagapagmana ng multi-million beauty business ni Dra. Vicki, “The good thing is nung time na nali-link kami ay single siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, single na naman siya.

"So, para sa amin, wala talagang masyadong apektado, so okay lang.

“But, of course, when he’s in a relationship, that’s when I’ll mind.

"Sasabihin ko sa tao, ‘wag na talaga, kasi we have to respect the relationship he has.

“Now, pinagtatawanan na lang namin.”

Sadyang magkasundo lang daw talaga sila ng aktor, na ilang beses na rin niyang nakasama kahit sa Belo family out-of-town trips.

“Right now, Derek and I are super-super friends.

"Nothing more than that, just for the record.

“Walang nangyayari sa amin ni Derek.

"We’re very close and we have a lot of fun together,” pag-ulit niya.

Dagdag pa ni Cristalle, parang kapatid na rin ang turing sa kanya ni Derek.

“Actually, sinasabi niya sa akin na para akong isang sister.

“I’m very close to Derek’s sister also.

"And the funny thing is, yung isang sister niya, more or less, pareho kami ng name.

“Kasi yung nickname nila sa akin is Tal. Yung name ng sister niya is Tala.

"So, very, very close.”

WAITING FOR THE RIGHT PERSON. Halos isang taon nang walang karelasyon si Cristalle.

Nobyembre noong nakaraang taon ay nakipaghiwalay siya sa boyfriend niyang si Jason Sabio—miyembro ng Philippine Azkals football team—dahil ipinagpatuloy ng huli ang pag-aaral sa Amerika.

Sa ngayon, hindi raw nagmamadali si Cristalle na magkarelasyon dahil lang 30 years old na siya, at sinasabi ng iba na panahon na para siya’y mag-asawa.

Aniya, “I believe in God and I believe in God’s timing. So, hindi ko talaga nira-rush.

“I’m sure He’ll bring it to me when he knows na ready na ako and ready na yung guy para sa akin.

“So, I’m not forcing anything at this time.”



“300 at 30.” Bukod sa pagiging entrepreneur, isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Cristalle ay ang pagkalap ng mas maraming sponsors para sa tuition ng mga batang pinag-aaral ng World Vision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron akong project. Thirty na ako this year... ayan na, ibinigay ko na yung age ko!

"Pero yung personal project ko ay magkaroon ng three hundred sponsored kids as I reach thirty.

“Hindi naman necessarily na ako ang mag-sponsor ng three hundred na bata.

"Pero gusto kong i-influence lahat ng mga kaibigan ko na magbigay din."

Sa kasalukuyan, may tatlumpu’t apat na bata na ang pinag-aaral ni Cristalle at ng kanyang mga kaibigan.

Umaasa siya na maaabot niya ang kanyang target number of child sponsors sa mga susunod na buwan.

“Yung deadline ko, until April 2014 pa, to get three hundred sponsors.

"Feeling ko, kaya talaga.

“Yung fulfillment, hindi lang yung sa pagtulong—it’s the future na mabibigay para sa Philippines.

“Kasi ang ginagawa natin, binibigyan ng edukasyon yung mga bata na walang pamamaraan pumunta sa school.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN