Alyssa Quijano on tying the knot with Charice: “Parang it’s too soon naman.”

Alyssa Quijano hopes that Charice reconciles with her family soon. “Alam ko na mahal na mahal pa rin niya ang family niya—lagi niyang iniisip ang mga yun. Kahit kaming dalawa, hindi nawawala sa prayers namin na maging okey ang lahat in time,” she says.


Isang linggo bago yanigin ng napakalakas na lindol ang lalawigan ng Bohol, noong October 15, nandoon ang magkasintahang sina Charice at Alyssa Quijano.

Doon nagdiwang ng kanilang anibersaryo ang dalawa.

Sa mga nakaraang panayam kay Charice, nabanggit nito ang kagustuhang pakasalan si Alyssa.

(Read: Charice admits thinking about marrying girlfriend Alyssa Quijano)

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Alyssa tungkol dito, nang makausap namin siya sa presscon ng One Voice fundraising concert ni Charice, na ginanap sa Passion restaurant, sa Resorts World Manila, Pasay City, kahapon, October 29.

Natatawang sagot ng baguhang singer, “Hay, naku po! Siyempre, parang it’s too soon naman, di ba?

“Hindi nawawala sa isip namin na parang we’re both in love, and then, siyempre nandiyan na gusto naming kaming dalawa na kahit sa future.

“Pero siyempre po, hindi pa sa ngayon.

“Wala namang constant dito sa ating buhay kundi change.

"Pero kung mapi-feel mong siya na, siya na.”

Sa punto bang ito, gusto ni Alyssa na silang dalawa na ni Charice ang magkasama habambuhay?

“Siyempre po, siyempre,” mabilis niyang sagot.

Kapag may nababalitaan siyang ikinakasal na pareho ang kasarian, ano ang reaksiyon niya?

“Siyempre, proud ako,” sabi ni Alyssa.

“Nakakatuwa na merong mga tao na nakakaintindi at nakaka-appreciate sa mga ganitong sitwasyon... that we’re very blessed.”



BENEFIT CONCERT. Kasama si Alyssa One Voice benefit concert ni Charice. Guest siya rito kasama ang all-girl singing group na Sassy Girls.

Gaganapin ang concert sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, sa November 5.

Isa raw malaking inspirasyon para kay Alyssa ang kumanta para sa mga taga-Bohol.

Aniya, “Bukod nga sa makakasama ko si Charice, siyempre iba yung feeling at inspiration na ibinibigay nila na ikaw mismo ay makakatulong sa kanila, di ba?

“I feel so blessed and I’m very proud na part ako ng concert na ito ni Charice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, I don’t wanna stop singing naman, kasi yun pa rin naman ang passion ko.

“Nandoon pa rin yung ano ko, na gusto kong kumanta at gusto kong i-share sa kanila ang ibinigay na gift ni God.”

Dagdag pa ng 20-year-old-member ng A.K.A. JAM singing group, “Sobrang natuwa kami ni Charice, kasi iba ang treatment nila sa amin noong nandoon kami.

“Yung sa kanila kasi, you feel like you’re home, parang... basta, very welcoming.

“Friendly sila and, yeah, very memorable nga sa amin ang Bohol.

"Kaya nang mangyari nga ang lindol, na-shock talaga kami.

“Nagulat kami before and after the earthquake, lalo na yung Loboc Church, kasi doon kami pumunta. Grabe talaga... grabe!

“Pumasok talaga kami doon at nagpa-picture pa kami doon kasi, di ba, ang tanda na noong church?”



BAD OMEN. Biro naman namin, hindi kaya ito pangitain sa relasyon nila ni Charice?

Bulalas ni Alyssa, “Ay, hindi naman! Ang saya nga namin noon kasi nalibot namin ang Bohol.

“Napuntahan namin ang Chocolate Hills, tapos nga yung Loboc Church. Basta, ang dami naming napuntahan.

“Kasi naisip namin, para sa anniversary namin, gusto naming mag-out-of town.

“Ayaw naman namin sa Batangas, kasi magkasama na nga kami doon, di ba?

“Kaya may nag-suggest na Bohol ang puntahan namin dahil nakaka-relax daw ang ambience at very friendly ang mga tao.

“Tapos, hindi kami nabigo, kasi yung mga tao, very respectful sa privacy namin.

“Hindi sila yung tipong tatakbo at magpapa-picture. Nakakatuwa talaga.”



FAMILY MATTERS. Sa nakaraang Power of Two concert ni Charice, with Aiza Seguerra, noong September, inimbitahan ni Charice ang kanyang inang si Raquel Pempengco na manood. Pero hindi ito dumalo.

Hiningan namin ng reaksiyon si Alyssa tungkol dito.

Aniya, “Ayaw ko sanang pag-usapan ‘yan, pero sige...

“Alam ko na mahal na mahal pa rin niya ang family niya—lagi niyang iniisip ang mga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit kaming dalawa, hindi nawawala sa prayers namin na maging okey ang lahat in time.

“May times na nalulungkot at nami-miss niya ang family niya.”

Sa mga pagkakataong ito, hindi ba naisip ni Alyssa na gumawa ng paraan para maibsan ang kalungkutang ito ni Charice?

Tugon niya, “Hindi ko na siguro sasagutin yun.

"Medyo ayoko nang... let’s not talk about that po... I’m sorry.”

May gusto ba siyang iparating sa pamilya ng kanyang partner?

“‘Wag na lang po muna siguro ngayon,” pag-iiwas niya. “Kasi medyo sensitive pa rin ang both parties.

“Ang masasabi ko lang po... basta, hindi laging nawawala sa prayers namin ni Cha na...”

Nahihirapan din ba siya?

“Of course, siyempre po,” sabi niya.

“Parang kahit sino naman ang may ganoong pinagdadaanan, mahirap talaga.

“Pero kahit gaano kabigat yung challenge, basta nandiyan si God sa puso mo...”


IN DEFENSE. Ano ang masasabi ni Alysa na talagang ipinaglalaban siya ni Charice?

Aniya, “Sobra-sobra yung paglalaban na inilaan niya sa akin.

“I’m very thankful and very blessed. Lagi ko po yun ipinagpapasalamat sa Diyos.

“Ako naman, hindi ko na lang pinapatulan. Ganoon naman talaga, e.

“Kahit ano, may sasabihin at sasabihin sila [ang mga tao]. Ano lang doon...

“Hindi naman nila alam kung ano ang totoong nangyari, silent na lang po.”

Sabi pa niya tungkol sa mga taong patuloy pa rin silang hinuhusgahan, “Okey lang po, opinyon nila yun.

“Pero yun nga, ang masasabi ko lang, hindi naman nila alam kung ano ang totoong nangyari.

“Lagi naman kapag may nababasa ako sa bashers, kapag may naririnig ako, tahimik na lang ako. Pinagpi-pray ko na lang.”

Paano ba nila pinatitibay ang kanilang pag-iibigan?

Wika ni Alyssa, “Of course, love, trust. Tapos, hindi nawawala yung sweetness namin sa isa’t isa.”

Kung ikukumpara noong nakaraang taon, mas tahimik na ba ang isyu tungkol sa kanilang relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, oo naman po. Of course, it’s a lot, lot better po..

“Kahit paano, medyo lumipas na rin yung isyu, and we’re very happy na ganoon na nga.

"Heto ngayon, puro trabaho na lang.

“It’s all about music—kung ano yung music na ibinibigay ni Charice sa atin.”

Sa isang taon nila bilang mag-partner, kumusta ang estado ng kanilang relasyon ngayon?

Nangingiting tugon ni Alyssa, “Going strong, kasi may mga problemang dumarating. Yun.

“Ang lagi lang number one sa amin ay ang center ng relationship namin ay si God, which is lagi kaming nagpi-pray at yun ang nagpapalakas sa amin.

“Maraming nagawa ang prayers sa pagpapatibay ng aming relasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN