Charice mulls marrying Alyssa Quijano, gives girlfriend a "promise ring"

Isang fundraising concert ang isasagawa ni Charice para sa mga biktima ng lindol sa lalawigan ng Bohol. Ayon sa singer, isang linggo bago maganap ang lindol ay nasa Bohol siya, kasama si Alyssa, dahil doon sila nagdiwang ng kanilang anibersaryo bilang magkasintahan.


Hindi ipinagkaila ng singer na si Charice na sumasagi rin sa isip niyang pakasalan ang kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano.

Lalo na’t tanggap na sa ilang states sa U.S. at ilang bansa ang same-sex marriages.

Pero paglilinaw ng 21-year-old singer, “Siyempre, hindi naman po ngayon… eventually.”

Ano ang hinihintay nila para sa pagkakataong yun?

“Wala pa naman po kami sa stage na to let go, let’s get married.

“I mean, lahat naman tayo, dumadaan doon sa, ’Ano kaya kung someday?’”

Saan magaganap ang kasalan, kung saka-sakali?

“Kung saan po tanggap, kung saan puwede.”

Open din ba si Alyssa sa pagpapakasal nila?

“She’s very open and, siyempre, yun ang part na hindi alam ng mga tao.

“Pero, hindi ko naman maiisip yung ganoong bagay kung hindi siya ganun ka-open.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charice sa presscon ng concert niyang One Voice, kahapon, Oktubre 29, sa Passion restaurant, sa Resorts World Manila, Pasay City.

Napansin namin ang suot na singsing si Charice, pero ayon dito, “promise ring” lang nila iyon ni Alyssa.

Hindi pa raw sila engaged.

Pero aminado naman si Charice na sa isang bahay lang sila ngayon nakatira ni Alyssa.



BENEFIT CONCERT. Ang One Voice benefit concert ni Charice ay gaganapin sa November 5 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Ang concert ay naglalayong makalikom ng pondo para sa mga biktima ng napakalakas na lindol na tumama sa Bohol noong October 15.

Ayon kay Charice, malapit sa puso niya ang Bohol.

Katunayan, kagagaling lang niya ng Bohol, kasama si Alyssa, isang linggo bago maganap ang lindol.

Doon nagdiwang ng kanilang anniversary bilang magkasintahan ang dalawa.

Sabi ni Charice, “Siyempre, when that happened, nai-stress ako para makatulong.

“Siyempre, to give a show, to give a concert, siyempre mahirap ‘yan. You need bunch of people to help you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, thankful talaga ako na tinulungan ako nila Direk to make it happen.”

Ang direktor ng One Voice ay si Jeff Tan, na siya ring nagdirek ng Power of Two concert nina Charice at Aiza Seguerra noong Setyembre.

Patuloy ni Charice, “Idea po nila Direk Jeff, na naisip ko rin po.

“Sabi ko nga, doon ako nai-stress kung paano.

“Kaya pagbalik ko rito, natuwa ako na may way na.

“And it’s something I love doing—singing, concert.”

Ano ang naging impact kay Charice nang makita niya ang pinsalang idinulot ng napakalakas na lindol sa Bohol?

Sabi niya, “Noong una, hindi nag-sink in sa akin. Nag-sink in lang nang makita ko ang pictures.

“Especially yung mga places na napuntahan namin, especially yung simbahan.”



SETTLING DOWN IN BOHOL. Sinabi rin ni Charice na naging malapit sa puso niya ang Bohol, at gusto raw niyang tumira rito.

“Sobrang pumasok na sa isip ko. Sabi ko kay Alyssa, gusto kong tumira rito, as in.

“Yung lugar, parang yun ang perfect para sa amin. Para sa future.

“Siyempre, sabi ko nga, kung gusto mo talagang kumawala sa medyo magulong showbiz and place.”

Nabago ba ang pagnanais niyang tumira sa Bohol pagkatapos ng lindol?

“Hindi siyempre,” sambit niya.

“I know people will gonna survive and yung places, mabi-build ‘yan.

“Pero yung ambience, yung environment, lahat ng nakita ko, siyempre, nandiyan pa rin ‘yan.

“Hindi naman mababago yun.”

Nabanggit niya na gusto niyang tumira sa Bohol. Kung sakali, kasama ba si Alyssa sa plano niyang tumira doon?

Sagot niya, “Siyempre naman. I mean, a lot of people think that I’m too young for that.

“But a lot of people don’t know me as well.

“So, hindi nila alam kung paano ako magmahal. Hindi nila alam kung paano ako… kung ano ako in a relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’ll say, yes, she’s in my future.”



INTERNATIONAL CONNECTION. Babalik daw si Charice sa Bohol pagkatapos ng concert dahil magsasagawa sila ng relief operation doon.

“Yun ang isa sa gusto kong gawin. Yung talagang maging present ako dun.

“Na, yes, nagkaroon ng concert sa Manila, ‘eto ako ngayon, lahat ng naipon natin doon, lahat ng nakuha natin para doon, I wanna make sure na lahat yun, mapupunta sa kanila.”

Maraming kilalang international celebrities si Charice. Kaya naitanong sa kanya kung naiparating ba niya sa mga kakilala niyang international artists ang pangangailangan at ginagawa niyang fundraising para sa mga biktima ng lindol.

Sabi ni Charice, “Tulad nga po ng sabi ni Direk, plano pa rin po yun. Kung paano namin gagawin ang concert internationally.

“Kasi nga po, lahat, biglaan. Hindi naman natin alam na mangyayari pala yun.

“So, for now, ang nabuo pa lang namin, yung concert dito.

“Pero next year, sana. Kasi, hiwalay pa po ang plano namin na may sarili kaming tour.

“Plano pa lang po namin dito sa Bohol at sana, maano rin yung Cebu.”

Bilang ninang din niya ang host na si Oprah Winfrey, at kilala ang pagiging pilantropo nito, wala ba siyang planong iparating dito ang kanyang ginagawang fundraising?

May ilang segundo bago nasagot ni Charice ang tanong.

Sabi niya, “It’s just hard. I’m not gonna lie na feeling close with those people.

“Siyempre, kahit na ninang ko siya, I still have to respect the fact na she’s Oprah.

“Ang sa akin, I can only say that I can try.

“Pero, hindi ko naman maga-guarantee. Siyempre, sa dami naman ng ano…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN