Sharon Cuneta to KC Concepcion, jibing: "Anak, penge ng apo. Mag-asawa ka na!”

Sharon Cuneta hopes eldest daughter KC Concepcion will find the right guy for her. "Ultimately, you just want your kids to be happy in the right way. Hindi naman kailangan mayaman na mayaman, pero responsible, yung aalagaan lang siya. That’s all you want. You just make sure that they grow up happy.”


Kung siya raw ang masusunod, gusto ni Sharon Cuneta na mag-asawa na ang panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Sabik na raw siyang magkaroon ng apo, dahil noon pa man ay mahilig na siya sa bata.

“Anytime! Dyusko, kung meron lang ‘yang boyfriend, pipilitin ko ‘yan. ’Anak, penge ng apo. Mag-asawa ka na!’” masayang saad ng Megastar.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sharon sa set ng weekly musical show nila ni Ogie Alcasid sa TV5, ang The Mega and The Songwriter, ngayong araw, October 30.

Kung saka-sakali raw ay handa na si Sharon maging lola, lalo pa’t naniniwala siyang mas maganda kung hindi malayo ang age gap ng magulang sa anak.

“Yeah, I’ve been ready for a long time. She’s the one that’s not.

"’Coz I like babies. I can’t wait!

“I had a baby early. It has its pluses and minuses. But one of the pluses is getting to grow up with your kid.

“I was nineteen when I had her. Para di masyadong malayo yung generation gap.

“And now, I think it’s cool to be a lola before you hit sixty!” natatawang sabi ng 47-year-old actress/singer/TV host.



UPDATED. Pareho mang abala ang mag-ina sa kani-kanilang TV projects at iba pang commitments, updated daw si Sharon pagdating sa lovelife ni KC.

Sa katunayan, nakarating sa kanya ang tungkol sa group date ni KC at ng NBA player na si Chandler Parsons ilang linggo na ang nakakaraan.

“Oo, nakukuwento niya,” maiksing tugon ni Sharon, nang mabanggit sa kanya ang tungkol sa paglabas ni KC kasama ang power forward ng Houston Rockets.

Pati ang balitang si Paulo Avelino ang latest suitor ngayon ng aktres ay tila alam din ng Megastar.

“Talaga? Oo, she said yata they went out once.”

Pero sa pagkakaalam daw ni Sharon, hindi nagmamadali ang anak niyang si KC na pumasok muli sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “She’s just enjoying this time of her life.

"That’s the safest thing to say, and it’s true.

“She’s not aiming for a commitment with anybody soon, because I think she has learned.

“I don’t think she’ll want a complicated set-up in a relationship.

“One of those is—this is just my opinion—kunyari long distance, it’s hard to maintain.

“I don’t know what she’ll decide to do. Whatever it is, I’ll support her.”

SETTLING DOWN. Tulad ng kahit sinong magulang, pangarap ng Megastar na makitang lumagay sa tahimik ang anak.

At kung sino man daw ang piliin ni KC na mapangasawa balang-araw ay susuportahan niya nang buong-puso.

“Ultimately, you just want your kids to be happy in the right way.

“Huwag naman sa adik. At saka sana papakainin siya.

“Hindi naman kailangan mayaman na mayaman, pero responsible, yung aalagaan lang siya.

“That’s all you want. You just make sure that they grow up happy.”

Naisip ba niyang ireto si KC kung mayroon man siyang kakilalang nababagay para sa dalaga?

Sagot ni Sharon, “Wala na, ayoko na. Ako ang nasasaktan, e."

Nang tanungin ng PEP kung mayroon siyang love advice na ibinibigay kay KC, iginiit ng Megastar na malaki ang tiwala niya sa anak.

Naniniwala rin daw siya na kayang harapin ni KC kung ano mang pagsubok ang maranasan nito pagdating sa larangan ng pag-ibig.

“She’s old enough.

"She had her share of emotional battles. So, I trust in her experience.

“Kung ako nga, I was able to overcome all my personal trials, and they were mammoth!

“Huwag nga siyang mag-inarte, wala pa siyang ganung trial!” natatawang sabi ni Sharon.

Dagdag pa ng Megastar, ayaw niyang pangunahan si KC pagdating sa mga desisyon nito sa buhay.

“But I tell her, ‘Anak, you know what, I just have to trust in the way I raised you because you have to take responsibility for your decisions also.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t want to be that person, ‘You said kasi ganyan…’

"Now, I think she has her share of pains, so she would know better.”



NOTHING AGAINST KC’S SEXY IMAGE. Samantala, 100 percent din ang suporta ni Sharon sa pagpapa-sexy ni KC para sa isang magazine shoot.

Kahapon, October 29, ay nag-post sa Twitter si KC ng “Ma, close your eyes” kaugnay ng lumabas na kopya ng Preview magazine, kung saan si KC ang cover girl.

Very seductive ang litrato ni KC sa naturang cover photo. Side view ang kuha, ngunit nakalantad ang kalahating bahagi ng katawan ng 28-year-old actress-TV host.

Kaya’t napa-tweet si Sharon at pabirong sinabi kay KC: “Babalutan kita! Suman!”

Sa panayam ng PEP kay Sharon, nilinaw niya na todo-suporta siya sa anak sa showbiz career nito at iba pang proyekto.

“Balutin ko siya! Ewan ko ba! Yung ibang tao ayaw maghubad, ito namang anak ko…

“Sabagay, kung ganun ang katawan ko, araw-araw naka-bikini ako!

"Kaya ayaw ni Lord ibigay sa akin!

“Sabi siguro [ni Lord], ’Iba ang ugali nito. Pupunta sa grocery, naka-two piece!’ Ang pangit, di ba?

“Kaya sabi niya, ‘Huwag natin ibigay ang sexiness, pahirapan pa natin. Dito muna kay KC, at least pictorial lang!’” natatawang komento pa ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN