Charice sees prolonged gap between her and mom Raquel Pempengco as issues dividing them remain unresolved

Bagamat hindi nawawalan ng pag-asa si Charice na magkakaayos sila ng inang si Raquel Pempengco, sinabi ng singer na hindi pa ito ang tamang panahon upang wakasan ang kanilang alitan. Pahayag niya, “Hindi naman ganoon kadali, hindi naman ganoon kadali. Basta ang sa akin lang, I know na eventually, everything will be okay. Walang kontrahan.”


Noong nakaraang concert nina Charice at Aiza Seguerra, ang Power of Two, nagpadala ng mensahe si Charice sa kanyang ina na si Raquel Pempengco na sana ay makapanood ito.

Pero hindi nagpunta ang ina ng singer.

Hindi pa rin kasi naaayos ang sigalot sa pagitan ng mag-ina, na nag-ugat dahil sa desisyon ni Charice na aminin sa publiko ang kanyang pagiging tomboy at sa pakikipagrelasyon nito sa kasintahang si Alyssa Quijano.

Saad ni Charice, “It was sad pero, siyempre, it’s expected.

“Hindi naman ganoon kadali, hindi naman ganoon kadali.

“Basta ang sa akin lang, I know na eventually, everything will be okay. Walang kontrahan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charice sa presscon ng benefit concert niyang One Voice, noong Oktubre 29, sa Passion restaurant, sa Resorts World Manila.



REACHING OUT. Ngayong malapit na ang Pasko, may plano ba siyang mag-reach out muli sa ina?

Sagot ni Charice, “Maraming Christmas, ayoko namang ipilit kung hindi pa rin okay. Panibagong isyu na naman.”

Pagkatapos ng nangyaring lindol sa Bohol, sa kanya na rin nanggaling na maikli lang ang buhay, hindi natin alam kung kailan daw tayo kukunin ng Panginoon.

Naisip ba ni Charice ang sitwasyon nila ng ina at kapatid na si Carl?

Sagot niya, “Of course, of course.

“Knowing that they’re just there, not far away from me, and they know how much I love them.

“They know that I’m just here.

“Kumbaga, ang mahirap kasi, alam ko kasi, alam ko ang mangyayari kung ita-try kong i-push na maging okay lahat.

“Pero, hindi talaga siya okay.

"Hindi siya okay with who I am.

"Hindi siya okay with my relationship with Alyssa.”

Ngayon, walang nagri-reach out sa sinuman sa kanila?

“Walang nagri-reach out, pero may balita kami sa isa’t isa. Tahimik lang.”

BEST GIFT. Kung saka-sakali ba, “best gift” na matatanggap niya ngayong Pasko ang pagtanggap ng ina sa kung sino siya at sa babaeng minamahal niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre naman, siyempre,” sagot ni Charice.

“Every day naman, every night, ‘yan ang prayer ko talaga.

“Na, alam mo yun, some day, everything will change and everything will be okay.

“Pero hindi ko naman ini-expect na ngayong Christmas mangyayari yun.”

Wala ba siyang planong dalawin ang ina at kapatid sa Pasko?

“Maybe… we’ll see, we’ll see,” sabi niya.

Ngayon daw ang unang Pasko na hindi maayos ang relasyon nila ng mommy niya. Pero hindi naman daw ito ang unang Pasko na hindi sila magkasama, physically.

“Meron din po akong nag-Christmas ako sa States, kasi may trabaho ako. Pero, okay naman kami.

“Ngayon po ang hindi masyadong okay.”

Papadalhan ba niya ng Christmas gift ang kanyang ina?

“Opo naman, siyempre naman,” nakangiting sabi ni Charice.

May pagkakataon na bang nagpadala siya ng regalo sa ina’t kapatid, sa kabila ng gusot nila?

“Hindi kasi ako yung ganoon na kailangan akong magpadala ng kung anong bagay or financially para lang maging okay.

“Sa akin kasi, if ever na matatanggap nila, gusto ko talaga, bukal sa puso.

“Pero siyempre, occasionally, like ganyan, Christmas or malapit na rin ang birthday ni Mommy, January 10, kapag ganun, without her knowing.”

Yung siya ang personal na mag-aabot ng regalo niya, hindi pa ba niya kaya?

Saad ni Charice, “Kung hindi niya kaya, siyempre tao rin ako. Siyempre, natatakot din ako.

“I’ve been through so much. I don’t think I can handle another rejection.

“Kasi, I felt it once from her and from my family. I don’t want that to happen again.”

Kung may isa mang taong lubos na nakakakilala sa kanyang ina, ito ay walang iba raw kundi si Charice.

Masasabi bang sa mga nakalipas na mga buwan ay lumalambot na rin ang puso ng ina?

“Yung sitwasyon, I think mas better. Dati, mas feel mo ang galit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya nasa sitwasyon sila pareho ng mommy niya na naghihintayan lang sila kung sino ang mauunang lumapit?

Sabi ni Charice, “Siyempre, ‘yan ang naiisip ng mga tao. Bakit hindi ako pumunta dun? Bakit hindi mag-reach out si Mommy?

“It’s hard, kasi hindi nila kilala si Mommy.

“Hindi rin nila kilala yung naging bonding namin.

“Maybe, for some people na tinu-tweet ako, telling me what to do, I know they are my family, and no matter what, eventually, kami pa rin ang magsasama-sama.”



DEPARTED FATHER. Samantala, ngayong araw, October 31, planong bisitahin ni Charice ang puntod ng kanyang yumaong ama na si Ricky Pempengco.

Namatay ang ama ni Charice matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa San Pedro, Laguna, noong October 30, 2011.

Sa kanyang pagdalaw sa puntod ng ama, posibleng magkita sila ng mommy niya. Handa na ba siya?

Ayon kay Charice, “Why not? Maliit lang ang mundo.”

Idinadasal din ba ni Charice sa kanyang yumaong ama ang sitwasyon nila ng ina?

“Siyempre naman, sa lahat ng tao, siya ang nakakakita kay Mommy, siya ang nakakakita sa akin.

“And I do believe, sa mga nagbibigay ng sign, palagi kong sinasabi kay Daddy, siyempre kay God, na bigyan niyo naman po ako ng sign.

"At yung feeling kung magiging okay na ang lahat.

“I do believe in that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN