Bangs Garcia brings back “Valerie” to her screen name; reveals bolder and funnier Bangs in new FHM cover pictorial

Valerie Bangs Garcia on maintaining her figure: “Kasi mahilig ako sa kids, e, and I think it’s gonna be a challenge for me to maintain my figure. Not just for me, but for my husband, para naman hindi tumingin sa ibang babae.”


Si Bangs Garcia ang featured cover girl sa FHM magazine ngayong buwan ng Oktubre.

Sa ikatlong pagku-cover niya sa nangungunang men’s magazine ng bansa, kapuna-punang may dagdag na “Valerie” sa dating Bangs Garcia na screen name ng Kapamilya actress.

Magbabago na ba siya ng screen name, at tuluyan na niyang ilalaglag ang “Bangs”?

Paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Not really drop it.

"Pero gusto ko nakadikit na sa akin yung ‘Valerie,’ as my real name.

“Kasi one time, napag-usapan na namin ‘yan sa ABS-CBN.

“They wanted to take out ‘Bangs’ and give me a different name.

“Sabi ko, ‘Why not ano na lang, gamitin pa rin yung real name ko, pero ’andiyan pa rin yung Bangs?’

“Kasi, inisip nila, if magtatagal ako sa showbiz until I’m forty or fifty, parang hindi na daw masyadong bagay yung Bangs—kung tawagin akong ‘Bangs.’

"So, mas maganda kung may ‘Valerie.’”

Naikabit ang pangalang "Bangs" sa aktres dahil sa role na ginampanan niya sa defunct youth-oriented show ng ABS-CBN na Gokada Go!

Pero ang original screen name niya talaga ay Valerie Garcia.



VALERIE, THE FUN GIRL. Bukod sa pagpapalit ng kanyang pangalan, mayroon ding mga pagbabagong makikita sa pictorial ni Valerie sa FHM.

Kuwento niya sa autograph-signing ng magazine, “Sa ngayon, I think ‘yan na ang pinakatodo, and I think it’s my best cover.

“Siyempre, sobrang flattered, di ba? Kasi bihira lang yung mag-three-time cover.

“So, noong in-offer sa akin, in-accept ko kaagad.

“I just didn’t expect na ganito, as early as now, na magko-cover ako ulit ng pangatlo.

"Yung panghuli ko was 2010.”

Sa pagkakataong ito, gusto lang daw ni Valerie na maging fun at maipakita ang totoong Bangs sa mga layout.

Sabi niya, “Wala naman akong sinuggest, but I told them, I just want it to be more fun this time, mas youthful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If you have observed my pictures inside, a lot of smiling.

"Kasi yun ang totoong ako, e. Bubbly ako, e—ako yung totoong bubbly na babae.”

Hindi na rin daw siya nate-tense sa pagsabak niya sa sexy pictorials.

Aniya, “Ngayon, hindi na. I’m having fun na.

"Before, I had a lot of inhibitions, so marami pa akong hesitations.

“So ngayon, mas bolder Bangs Garcia now, mas fun!”

Dahil pangatlo na niya ito, may posibilidad ba na may fourth or fifth cover pa?

Aniya, “Siguro pag magpu-fourth [pictorial] ako, I wanna be a mom by then.

"I want to be a mom kasi when I’m thirty [years old].”



VALERIE, THE MOM. Ngayon ay 26 years old na si Valerie, at nakikita niya ang sarili na sa edad na trenta na may sarili ng pamilya.

“Gusto ko by then, kasi mahilig ako sa kids, e.

"And I think it’s gonna be a challenge for me to maintain my figure.

“Not just for me, but for my husband, para naman hindi tumingin sa ibang babae.

“Siyempre, I’m not getting any younger.”

Dahil sa balak niyang maging isang asawa at ina pagdating ng 30, may nagpapatibok na ba ng kanyang puso ngayon?

Natatawang tugon ni Valerie, “Wala pa!

"But I’m seeing someone right now. But I’m totally single—ang sarap kasi maging single."

Isang athlete daw ang kasalukuyang nanliligaw sa sexy actress, pero ayaw pa niyang tukuyin ang katauhan nito.

“I had two boyfriends. I had two serious boyfriends.

"One lasted for four years, the other one lasted for a year and four months.

“After that, I dated someone for three months, but it didn’t work out, unfortunately.

“So ngayon, ano lang ako, just having fun, getting to know guys.”



VALERIE, THE ARTIST. Balak ba niyang tumagal sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “For me kasi, hindi ko plano na mag-forever sa showbiz.

“Pero kung ibinigay, e, di okay, thank you.

"Pero kung hindi, hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko na mag-stay.”

Noong nakausap ng PEP si Valerie, paalis na siya papuntang Macau kinabukasan para sa isang painting exhibit sa MGM Grand Hotel.

Sabi niya, “Kasi I’m also a painter, and I want also to be a businesswoman, and I love cooking.

"So I’m planning to put up my own art café in the future.

“So, gusto ko i-combine yung dalawang passion ko na cooking and painting.”

Ano ang medium niya sa pagpipinta?

“Acrylic on canvass.

“So, I’m really planning to be an international painter one day, and I think Macau is a good start.”

Pagdating sa hobby niyang pagpipinta, marami pang nakaplano si Valerie Bangs tungkol dito.

Kuwento niya, “Marami pa talaga akong plans.

"Plano ko na mag-teach sa mga special kids how to paint.

“Kasi I have a brother na may Down syndrome.”

Nakabenta na raw siya ng isang painting sa halagang P150,000.

“So, plano ko magkaroon ng painting exhibit for a cause.

"Tapos yung proceeds, mapupunta sa mga special kids, para sa mga art materials nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN