Yam Concepcion names Piolo, Coco, and Dingdong as her favorite actors

Yam Concepcion on lessons learned while doing Rigodon: “I showed skin, there was nudity, there’s touching and everything else. So, actually, it tested my limitations in terms sa trabahong ito… Na-realize ko, dahil sa pelikula na yun, nalaman ko na talagang mahal ko talaga yung ginagawa ko.”


Sa una niyang pelikula na Rigodon, halos itinodo na ng sexy actress na si Yam Concepcion ang pagpapakita ng katawan.

Ano pa ang mae-expect sa kanya ng publiko pagkatapos nito?

Sabi ni Yam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi yung sa Rigodon, di ba, I showed skin, there was nudity, there’s touching and everything else?

“So, actually, it tested my limitations in terms sa trabahong ito.

“And ang conclusion ko, ang na-realize ko, dahil sa pelikula na yun, nalaman ko na talagang mahal ko talaga yung ginagawa ko.

“Kasi, for me, to risk yung ganoong klase ng pelikula, e, talagang iba.

“Kumbaga, iba yung pagmamahal ko sa ginagawa ko, and I’ve no regrets noong after ng Rigodon, ’coz it made me stronger…

“It gave me more confidence and I gained experience and I’ve learned a lot from a very good director, si Erik Matti.

“And of course, kung hindi dahil sa Rigodon, wala ako ngayon dito.

"Dahil, after noong Rigodon, napansin po ako ng ABS-CBN.

“And I got like a year contract, exclusive.

"And then right after, I auditioned for Dugong Buhay, and I got the role of Sandy de Guzman.”

Ayon pa kay Yam, “I realized and I learned na talagang matututo ka through experience, e, in terms of acting.

“Hindi siya overnight na natututunan mo. It’s more of like an everyday routine.

“Every day na natututunan mo sa mga taong nakikilala mo, sa mga staff, sa crew, sa director, sa co-actors mo—sa lahat, matututo ka.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yam sa launch ng isang magazine kamakailan.


TRANSITION. Hindi ba siya nahirapan sa transition niya from a sexy star to a teleserye star?

Sagot ni Yam, “Hindi naman ako sa nahirapan. Kumbaga naman, lahat mahirap.

“Yung ginawa kong Rigodon, nahirapan ako doon, because there’s nudity and I felt so uncomfortable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I had to pretend that I was comfortable, and siyempre paninindigan ko yung desisyon ko na gumawa ng isang pelikulang ganoon.

"So, I gave my all.

“And bago naman ako pumasok sa isang bagay, inaaral ko muna, and I weigh the pros and the cons.

“And once I’ve decided, I’ll do my one hundred percent sa project na ganoon.

“And doon sa kung anong maipapakita ko after Rigodon, I think, more ngayon, is more of the depth and more of acting. So, iyon.

“Ngayon, acting naman… sexy pa din, pero may acting naman na kasama.”



FAVORITE STARS. Sino ang mga hinahangaan niyang aktres?

“I like Angel Locsin, I like Bea Alonzo, tsaka si Angel Aquino.”

Sa pagiging sexy naman?

“Jennifer Lawrence ako.

“Local? Physically, I’d say the sexiest for me is Marian Rivera—maganda yung mukha niya talaga, kahit anong anggulo. Ang sexy niya talaga, e.”

Marami naman ang nagsasabi na may hawig si Yam sa dating aktres at beauty queen na si Anjanette Abayari.

Kuwento niya, “Kanina nga, I was at Viva office, and I saw a movie of Anjanette with Cesar Montano.

"And sabi ko, ‘Iyan pala si Anjanette Abayari!’

“She’s really hot, ang sex appeal niya is really oozing.

“It’s an honor for me para maikumpara sa kanya dahil I think maganda siya.”

Sa mga artistang lalaki naman, sino ang mga gusto ni Yam?

“Number three, si Dingdong Dantes.

"Para siyang matalino, e, magaling siyang sumagot. And until now, he’s physically fit, and he’s guwapo—guwapo, maganda yung mukha.

“Number two si Coco Martin, kasi magaling siyang aktor at daring din siya—very daring siya.

“Nag-start siya sa sexy, nakapag-transition siya. Magaling siya, humble siya.

“Hindi ko pa siya nami-meet, gusto ko siyang makatrabaho.

“Number one si Piolo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko, ever since talaga, guwapung-guwapo ako sa kanya.

“Like, I dunno, he’s like a Hollywood actor, yung mukha niya.

“He’s so mature, he’s so clean. Pero at the same time, parang malakas talaga yung dating.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN