PEPtalk. Enzo Pineda, Joyce Ching, and Ruru Madrid share scariest experiences on the set of Dormitoryo

Dormitoryo stars Enzo Pineda, Joyce Ching, and Ruru Madrid give updates on their GMA afternoon mystery-drama series, Dormitoryo.


Malayo sa ginagampanan nilang papel sa afternoon mystery-drama series na Dormitoryo ang personalidad nina Enzo Pineda, Ruru Madrid, at Joyce Ching.

Sa #DormitoryoonPEPtalk, kung saan host si PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Associate Editor Rommel Llanes, ipinakita ng tatlong stars ang kanilang kakulitan.

Nagsimula ang kuwentuhan sa pagbibigay nila ng ilang update tungkol sa kanilang series.

Kuwento ni Joyce, “Nakakatuwa po yung takbo ng story. Kasi usually sa script, yung unang parts lang yung talagang maganda.

"’Tapos pagdating sa gitna, medyo lumalaylay, ’tapos sa ending, doon lang gaganda.

"Yung sa amin kasi, ang ganda ng development ng story ng bawat characters. Naipapakita na yung buhay nila noon, yung past life nila, at kung bakit ganito na sila ngayon.

Dagdag ni Enzo, “Lahat ng characters sa Dormitoryo ay complex. So hindi lang yung nakikita niyo yung first impression. Lahat sila, may ’tinatagong sikreto.

"Kailangan nila abangan talaga kung sino ang pumatay kay Maika."

Ang karakter ni Maika Benitez ay ginagampanan ni Wyn Marquez.

Sa parte naman ni Ruru, “Even kami, hindi namin alam kung sino ang pumatay kasi ayaw po sabihin sa amin ng director. So maski kami, na-excite."

Nadako ang usapan sa ghost stories. May multo raw sa set ng Dormitoryo?

Sagot ni Enzo, “Ako, ayokong batiin, e. Pero wala pa."

Patuloy niya, “Sabi, may multo daw sa dorm na pinagte-tapingan namin. May maliit daw na bata."

Ano naman kaya ang mga nakakatakot na experiences nina Ruru at Joyce? Happy Halloween, PEPsters! Watch #DormitoryoonPEPtalk! At sa mga aabangan pa sa next episodes, view the gallery.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN