Sharon Cuneta says husband Kiko Pangilinan not interested in politics right now, enjoying farm life

Masaya si Sharon Cuneta dahil mas marami silang oras na magkasama ng asawang si dating Senador Kiko Pangilinan, ngayong wala itong posisyon sa goberyno. “I don’t know what his plans are for 2016," she says, but as a couple they are finding themselves doing the very normal things a couple with time would do. They take pictures.

“Picture ng kalabaw namin nagswi-swimming, pati yung pini-fertilize niya, kinukunan ng picture. I love it


Sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng ilang pulitiko ngayon, masayang ibinahagi ni Sharon Cuneta na ang kanyang asawa at dating senador na si Francis “Kiko” Pangilinan ay kuntento sa buhay-probinsiya.

Aminado si Sharon na hindi niya forté ang pagtatanim, hindi tulad ni Kiko na hands-on sa pagma-manage ng farm nila sa Alfonso, Cavite.

Halos three hectares ang laki ng property nila doon.

Pero sa ngayon, 6,000 square meters pa lamang daw ang natatamnan ng iba’t ibang klaseng puno, gulay, at halaman.

Sabi ng Megastar, “Right now, politics is not in his mind.

"Honestly, as God as my witness, happy siya sa farming. Inaasikaso niya yung business.

“We have coffee, it grows in our farm. We also have coco, kaya lang pinepeste yung coco lagi.

"Sa coffee namin, it’s not always available kasi the minute the beans are harvested, roast agad yun, tapos dini-distribute.

“We have all kinds of herbs—rosemary, thyme, basil...

"Si Kiko, mahilig sa sili, kaya mayroon din kaming lahat ng klaseng sili.

“And may suka kami. Yung isang suka, ang pangalan, ‘Ka Kiko, may asim ka pa.’

“Mayroon ding ‘pinakurat, sawsawan ng bayan.’

"Funny lang, di ba? Sila-sila lang ang nagpangalan!” masiglang kuwento ni Sharon, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang piling reporters noong October 30.

Sa kasalukuyan, ang kanilang farm—na kilala bilang SweetSpring Country Farm—ang siyang supplier ng iba’t ibang hotels at restaurants sa malapit na lugar.

Bukod sa mga pananim, nag-invest din daw si Kiko sa poultry at piggery.

Sinimulan daw ng dating senador ang naturang negosyo noong Enero ng 2012.

Ani Sharon, “Yes, but he doesn’t like to supply outside of the area, kasi he likes the vegetables to be very fresh.

“Some hotels in the area, or like Tagaytay Highlands, meron siya.

“Even manok, may umu-order sa kanya. Live chickens, gano’n.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



A FAMILY OF FARM LOVERS. Pati ang mga anak daw nilang sina Frankie, 12, Miel, 9, at Miguel, 4, ay natutuwang makita ang mga alaga nilang manok at baboy kapag bumibisita ang mga ito sa farm.

Patuloy na kuwento ni Sharon, “Super organic lahat!

"Even our pigs, they’re not mabaho. We have organic pigs—they’re native, they’re black.

“Kaya lang, yung maliliit daw, lumalapit sa kanya [Kiko], nagpapa-pet.

“Sabi ko, ‘Papangalan ko lahat ‘yan. Hindi na puwedeng ibenta.’

“Tapos yung babies ko pa naman, pag nakita nila yung mga alagang piglets, ganun din, nakyukyutan.

“Kaya ayaw kaming dalhin ni Kiko ngayon doon dahil yung piglets [baka gawin naming pets]!”

Nagugulat daw si Sharon dahil maging ang bunso niyang anak na si Miguel ay nasanay na sa pagkain ng organic produce mula sa kanilang farm.

Sabi niya, “My children know the difference between organic or not.

“Miguel eats two salads, two plates.

“And then once, we didn’t have harvest, kasi bumagyo.

“So, Kiko bought veggies. We weren’t sure if they’re organic or not.

“My son tasted and didn’t want it.

“Our children know how their food comes from the ground—you grow it, you eat it. They love that.”

Tinanong ng PEP si Sharon kung naisip ba niyang gumawa ng isang lifestyle show, na nakasentro sa farm life kasama ang buo niyang pamilya.

Sagot ng 47-year-old actress/singer/host, “Nice, ’no?

"Actually, Kiko and I, we’re pitching ano, parang everyone’s going back to basics.

“It’s like a whole wave of sustainable living now, even in the States.

“Parang self-sustaining na homestead, back to basics, wherein the produce has no pesticides at all.

“That’s a real farmer’s life. You can’t predict the season. Parang going back to the old, old days.

"We have consultants.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HUMBLE ABODE IN CAVITE. Bagamat ngayon hindi madalas makabisita si Sharon sa farm nila sa Cavite, nagpapagawa na raw si Kiko ng bahay na puwede nilang tuluyan kapag nagawi siya roon.

Kuwento ni Sharon, “Right now, he’s building a two-bedroom house. It’s more like a pahingahan.

“He really likes us when we’re in one room, which is how we basically are.

“There are nights talaga that the kids have to sleep with us.

“Yung didikitan pa namin ng maliit na kama yung kabilang king-size bed, kasi nandun sila.

“But, yun talaga, when you go, you just want a place na kapag umulan, nandiyan yung kainan, masarap.

"If it gets too warm, may aircon.

“It’s not big. It’s just a humble two-bedroom house.”



MAIN HOUSE IN LAGUNA. Kuwento pa ni Sharon, naibenta na ang bahay nila sa Wack-Wack, noong Enero nitong taon.

Napagdesisyunan daw nila ni Kiko na manarihan na sa bahay nila sa Laguna, para presko ang hangin at tahimik ang kapaligiran na kalalakihan ng kanilang mga anak.

Uumpisahan na raw ang renovation ng bahay nila doon, na lampas 3,000 square meters ang laki ng kinatatayuang lote.

Sabi ni Sharon, “The one in Sta. Rosa, it’s the same lot.

"I bought that when we came home from Boston. Hindi pa senador si Kiko, mga 1998 or 1999.

“What they’ll do now—because we’re growing as a family and it’s our main house na, ‘coz no more na Wack-Wack, di ba—we’re going to demolish it and then we’re gonna build a new one.

“Because it was built, originally, parang weekend house, vacation house.

“Sabi ko, ‘Ayoko ng mahal, gusto ko very easy to maintain yung materials.’

“Then, as much as possible, we’re gonna use the remaining materials in the farm house.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan, pansamantala silang umuupa ng bahay sa Alabang, hanggang sa matapos ang ipinapagawa nilang main house sa Laguna.

Kakalipat lang daw nila sa Alabang three weeks ago.



MARRIED LIFE. Pagdating naman sa relasyon nilang mag-asawa, masaya si Sharon dahil pagkatapos ng 17 taon ay going strong pa rin sila ni Kiko.

Bagamat hindi maiiwasang may konting away paminsan-minsan, ang mahalaga ay natutunan nilang pakibagayan ang isa’t isa.

Saad ng Megastar, “It’s not easy. It takes a lot of work, but we’re stuck.

“As in anything else, the key is communication.

“You cannot be in a marriage alone.

“If you’re gonna be partners, you need to have open lines of communication.

“And you know, we’ve learned. I have a temper, he has a temper.

“It takes a lot to push us there. Pero yung naiipon kasi, pag nagalit, malaki.”

Ano ang ginagawa nila para maayos ang problema?

“Dati, pataasan lang ng boses. Now, it’s more like pababaan.

“You learn, e. And then you’re happier because you work things out without fighting.

“Like when I talk to him, I have certain issues, whether about myself, our marriage, or him, we talk about it.

“I can cry to him, ’Because this is what upsets me…’

“And then, mamaya we’re stuck na naman,” tugon ni Sharon.

Ngayong walang posisyon sa gobyerno si Kiko, mas marami raw silang time makapag-bonding na mag-asawa.

“I don’t know what his plans are for 2016.

"But at this rate, tuwing bubuksan ko yung laptop, hindi ko nga nakita yung sarili ko, seventeen years of marriage, na ganun karaming picture, e.

“Picture ng kalabaw namin nagswi-swimming, pati yung pini-fertilize niya, kinukunan ng picture.

“I love it! I feel so blessed at this point in my life,” masayang pahayag ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN