Jenny Miller on Claudine Barretto-Raymart Santiago split: "Hindi na ako na-shock."

Ipinagtataka ni Jenny Miller (nasa larawan) kung bakit hindi na nakikipag-communicate sa kanya ang malapit na kaibigan na si Claudine Barretto, lalo na ngayong maraming pinagdaraanang problema ang huli. Isa si Jenny sa naging bridesmaids sa kasal ni Claudine at estranged husband nitong si Raymart Santiago, at ninong at ninang naman sa kasal ni Jenny ang dalawa.


Isa sa itinuturing na matalik na kaibigan ng aktres na si Claudine Barretto si Jenny Miller.

Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa nang magkasama sila sa dating fantaserye ng ABS-CBN na Marina (2003).

Mula noon, nagsanga-sanga na ang buhay nilang magkaibigan.

Si Jenny ang isa sa bridesmaids sa engrandeng Christian wedding nina Claudine at Raymart Santiago, noong March 27, 2006, sa exclusive na Tagaytay Highlands, Tagaytay City.

Naging ninong at ninang naman ni Jenny ang mag-asawa nang tahimik na ikinasal siya sa negosyanteng si Cupid Feril, noong October 22, 2010, sa Sanctuario de San Jose, Greenhills, San Juan.

Ninang din si Jenny ng dalawang anak nina Claudine at Raymart—sina Sabina at Santino.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jenny sa taping ng GMA afternoon soap na Pyra, Ang Babaeng Apoy, noong October 30, Miyerkules, sa Quezon City Memorial Circle.

Kinumusta namin sa kanya si Claudine, pero sinabi ni Jenny na mahigit isang taon na raw niyang hindi nakakausap ang kaibigan.

Huli raw silang nagkausap noong birthday ni Claudine nitong nakaraang taon, June 20.

Pagkatapos daw nun ay hindi na nakipag-communicate si Claudine sa kanya.

Ngunit bago iyon, alam daw ni Jenny ang nangyayaring problema sa pagsasama nina Claudine at Raymart.

Sabi niya, “Matagal ko nang alam ang mga problema nila. Naging open naman sa akin si Clau.

"Pero ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit bigla siyang tumigil makipag-communicate sa akin.

“No text messages. Kahit sa Facebook at Twitter, wala talaga.

“Nagtaka talaga ako doon.

"Pero ako, patuloy na nagpapadala ng messages sa kanya.

“Lagi kong sinasabi na kung kailangan niya ng friend na makikinig sa mga problema niya, nandito lang ako.

“Pero it’s been more than a year since huli kaming nagkausap. Ayoko naming ipilit ang sarili ko.

“Basta ako, nandito ako para sa kanya dahil naging magkaibigan kami.”

Ikinalulungkot din ni Jenny na wala siyang alam sa kalagayan ngayon ng dalawang inaanak niyang sina Sabina at Santino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before, laging sinasabi sa akin ni Clau na may ganitong nangyayari sa school ng dalawang bata. Or sa mga pasyal nila, ina-update ako.

“Ngayon, wala talaga.

"Gusto ko sana silang makita, pero paano?

“Dasal ko lang na okey ang mga bata, at hindi sila apektado masyado sa nangyayari sa mga magulang nila,” pahayag ni Jenny.

EXPECTED. Hindi naman na raw ikinagulat ni Jenny nang lumabas sa media ang balitang naghiwalay na sina Claudine at Raymart.

“Hindi na ako na-shock, kasi alam ko na one day ay mangyayari iyon.

“Sa nangyayari sa kanila noon pa, I know na mapupunta sa ganyan ang samahan nila.

“Kaya nga, gusto ko sanang makatulong sa kanila bilang kaibigan. Pero bigla ngang nawala ang communication namin.

“Nakakalungkot lang na kailangang umabot pa sa ganun level ang lahat—na magdemandahan sila.

"E, dati, super in-love sila sa isa’t isa.

“Ngayon, kasama pa ang mga pamilya nila sa gulo. Parang lalong dumarami ang problema nila.

“Sana lang, okey ang mga bata. Sila ang concern ko, e, kasi ninang nila ako.”

Kung sakaling magkasalubong sila ni Raymart, ano ang gagawin niya?

"Siyempre, unang-una, ‘Mano po, Ninong!’" natawang sabi ni Jenny.

Pero dugtong din niya, “Seriously, papakiramdaman ko muna lahat.

“Baka kasi awkward ang situation, e. Matagal kaming hindi nagkausap at nagkikita.

“Kung sa palagay ko ay okey naman, kukumustahin ko naman si Raymart.

"Yun lang, at hindi na ako magtatanong ng kung ano pa.

“Basta parati silang kasama sa mga dasal ko.

"Hindi ko lang sila mga ninong at ninang sa kasal kundi kaibigan ko rin sila.”

STILL WAITING FOR A BABY. Sa personal na buhay naman ni Jenny, tatlong taon na siyang kasal at tatlong taon na ring naghihintay magkaroon sila ng anak ng mister niyang si Cupid Feril.

Nakunan noon si Jenny, kaya nagdesisyon silang mag-asawa na huwag ma-pressure sa pagkakaroon ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Pregnant ako ng seven weeks pa lang noong makunan ako.

“Na-depress ako noon, kasi nga nandiyan na, tapos biglang nawala.

"Feeling ko, naging pabaya ako. Sinisi ko yung sarili ko sa nangyari.

“But my hubby said na huwag kong gawin iyon, dahil baka nga the baby wasn’t meant for us.

“Kaya, we decided na huwag na munang i-pressure ang sarili namin to have a baby.

“Gusto namin na kung ipagkakaloob ni Lord sa amin ang isang baby, mangyayari iyon.

“Pero it doesn’t mean that we’ve stopped trying.

"Nandoon pa rin ang hope namin na makabuo, pero hindi na kami naii-stress about it.

“Who knows, one day ay mabuntis na lang ako.”

Handang-handa na raw si Jenny na maging isang ina. May hinahanda na nga raw silang kuwarto para sa unang supling nila noong makunan niya.

“Room pa lang ang inaayos namin at wala pang mga baby stuff.

“Tapos nga, bigla akong nakunan, so hindi muna namin itinuloy na tapusin yung baby room. Baka lalo lang kasi akong ma-depress.”

Isa pang nakikitang problema ni Jenny, kung bakit hindi pa sila nabibiyayaan ng baby, ay dahil pareho silang busy ng kanyang mister sa kani-kanilang mga trabaho.

“May business kasi ang hubby ko. He has clients na based sa ibang bansa.

"Paiba-iba ang working hours niya, kasi tinutugma niya sa time zone ng bansa kunsaan may client siya.

“Kaya sometimes, he’s up all night, at sa umaga na siya nakakatulog.

“Ako naman, nagkasunud-sunod ang mga tapings ko."

BACK TO GMA. Pagkatapos nga ng dalawang taon ay balik-GMA si Jenny.

Sabi niya, "Two years akong nag-work sa TV5 [Glamorosa, Isang Dakot Na Luha, Third Eye], at sa ABS-CBN [Kahit Puso’y Masugutan].

“Bumalik ako [ng GMA] sa Mundo Mo’y Akin, tapos itong Pyra na ang ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, very unpredictable ang mga oras natin sa taping, di ba?

“Uuwi ako ng umaga, tulog ang mister ko. Pag siya ang magising, ako naman ang tulog.

"Kaya hindi kami nagkakatiyempuhan.

“There was a time na one whole month kaming hindi nagkakausap nang personal ng hubby ko. Hanggang sa text at tawag na lang kami.

"Ang maganda doon ay may communication kaming mag-asawa.

“Ang hirap ng ganitong sitwasyon, pero kapag natiyempo naman na pareho kaming off sa trabaho, we make the most out of it.

“We either go out of town or mag-date kami sa labas.

"Basta kapag may time kami, hindi namin sinasayang ang mga pagkakataon na iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN