Dennis Trillo and Tom Rodriguez play sweet music together

Mula sa phenomenal hit drama series na My Husband’s Lover, may music album na ngayon ang tambalang Dennis Trillo (kaliwa) at Tom Rodriguez—ang TomDen. Mula sa GMA Records, naglalaman ito ng solo at duet songs nina Dennis at Tom.


Pagkatapos ng matagumpay nilang "tambalan" sa hit primetime series na My Husband’s Lover, may music album na rin ngayon sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, na ang titulo ay halaw rin sa kanilang "loveteam"—TomDen.

May duet at solo sina Dennis at Tom sa album.

Ang mga solong inawit ni Tom ay "Ikaw Ang Sagot," "Photograph," at "Hey, It’s Me."

Ang mga inawit naman ni Dennis ay "Kailanman," "It’s Over Now," at "Stay."

Ang mga duet naman nila ay "Forever" at ang theme song ng My Husband’s Lover na "One More Try."

Inilunsad ang TomDen album, na iprinodyus ng GMA Records, noong October 30, Miyerkules, sa CenterStage, Tomas Morato, Quezon City.

FAVORITE SONGS. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Dennis at Tom kung ano ang personal favorites nila sa mga kanta sa kanilang album, at bakit.

Ayon kay Tom, “Ako, pinakapaborito ko talaga yung ’Forever,’ kasi nagagandahan ako sa areglo.

"Dahil never kong na-imagine... Nung sinasabi na nila yung concept kasi, yung may ano pa pala, e...

"Sabi ni Popoy [Caritativo, manager nina Tom at Dennis], may mas original pa pala na version other than the Martin [Nievera] and Regine [Velasquez] na version.

"Pero iyon yung version talaga na tumatak sa ulo ko—yung version nina Regine at Martin.

“Kaya hindi ko ma-imagine na gagawin pa, na iba yung gagawa.

"Lalo na nung sinabi na gagawin namin, ’Paano dalawang lalaki, paano nila gagawin?’

“Kaya nung narinig ko na finally yung areglo, ang galing, ang galing ng nag-arrange!”

Sabi naman ni Dennis, “Ako naman, gusto ko yung ’Photograph,’ e, tsaka yung ’One More Try.’

"Yung ’One More Try,’ dahil siyempre napakaimportante ng kantang yun para sa amin, dahil tumatak siya dun sa importanteng show talaga na yun," pagtukoy niya sa My Husband’s Lover.

Patuloy niya, “Tapos yung ’Photograph’ naman, pag naririnig ko yung kanta na yun, parang maraming alaalang bumabalik nung hindi pa ako artista, kaya nagustuhan ko din siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO TURNING BACK. Tinanong si Dennis kung kanino sa dating girlfriends niya puwedeng ialay ang kantang "One More Try."

Ang mga showbiz personality na nakarelasyon ni Dennis ay sina Carlene Aguilar, Cristine Reyes, Jennylyn Mercado at Bianca King.

"Wala!" mabilis niyang tugon.

"Wala talaga akong mapili, kasi wala na akong gustong balikan sa kanila—wala na talaga.

"So, parang hindi bagay yung kanta.

"Siguro sa susunod na album, magkakaroon ako ng mga bagong kanta para maialay ko sa isang tao talaga na importante.

“Sa ngayon, wala, e.”

Wala raw binabalikan si Dennis na nakarelasyon niya.

Sabi ng Kapuso actor, “Hindi na, hindi na.

"Kaibigan siguro, pero yung babalik sa dating sitwasyon, sa dating relasyon, hindi na.

"Masaya na ako ngayon sa mga nangyayari sa akin, so wala akong planong balikan yung mga masasaklap na pangyayari sa buhay ko.”

Masaklap lahat?

“Hindi naman masaklap... ibig sabihin, yung hindi lang ganito kasaya, hindi ganito kasaya.

“Mas masaya pag single ka, pag mahal ka ulit ng mga tao, masaya,” pahayag niya.

Anong kantang ni-record nila ni Tom naka-relate talaga si Dennis?

Sagot niya, “Bukod nga dun sa ’Photograph,’ dahil gusto ko talaga ’yan.

"Kinakanta pa lang ni Ariel Rivera dati ’yan, gusto ko na.”

Sa personal life niya, saan siya nakaka-relate?

“Siguro yung ’Forever’ din siguro, tsaka yung ’It’s Over Now.’

"Yung ’It’s Over Now,’ dahil yun na nga, bagay siya dun sa mga nakaraan.

"Tapos yung ’Forever’ naman, napakagandang love song kasi niya, e, ang ganda pa ng pagkaka-areglo.

"Tsaka iyon yung kantang tipong kahit na remake siya, gumana pa rin siya, nagustuhan pa rin siya ng mga tao.

"Kahit na meron na siyang version na maganda, meron pa rin mga nakaka-appreciate ng version ko, kaya nakakatuwa naman.”

TOM’S LOVELIFE. Si Tom naman, bilang napakaingat tungkol sa detalye o estado ng kanyang lovelife, ano sa mga kinanta niya ang puwede niyang mai-relate sa kanyang personal na buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng Kapuso heartthrob, “Kasi ako, masaya ako kung ano, kaya yung ’One More Try,’ hindi rin gagana.

"Although maingat ako sa pagsabi, wala naman akong dini-deny.

"It’s just something I want to keep personal to myself out of respect.

“Pero wala naman akong dini-deny.

"Pero wala rin, kasi halos lahat, puro mga regret at heartbreak songs yung nasa [album].

"Ako ngayon, happy ako with what’s happening in my life right now—lahat.

“Kaya wala ’atang ano, e... kung may ano man, ’Forever’ siguro, pero hindi rin pasok lahat ng lyrics, e."

Pero bigla siyang may naaala, at sinabing, "A... yung ’Ikaw Ang Sagot,’ iyon.”

Ito ang kanta niya sa espesyal na tao sa buhay niya ngayon?

“Oo,” sagot ni Tom.



U.S. TOUR. Samantala, excited naman sina Dennis at Tom sa U.S. tour ng My Husband’s Lover.

Lalo na si Tom, dahil unang beses ito na mapapanood siya ng kanyang pamilya na mag-perform ngayong sikat na siya.

Kuwento niya, “Susubukan ko, kasi San Diego, two hours lang pauwi sa amin, e, so at least puwede nilang i-drive lang.

"Dalawang oras, makita ko naman sila, makita naman nila ako mag-perform.

"Kasi dati, hindi naman ako kumakanta, kahit sa bahay.

"Pinaka-most na kakanta ako, karaoke-karaoke, ganun.

“Although naririnig nila yung mga nangyayari dito sa akin, napapanood nila sa TV, hindi pa talaga nila na-experience na mapanood ako live sa isang show, maliban sa ate ko, kaya excited ako para dun.”

Ito ang mga petsa at lugar na pupuntahan ng My Husband’s Lover U.S. Tour: November 22 - San Mateo Performing Arts (San Mateo, California); November 24 - Thunder Valley Casino (Sacramento, California); November 30 - Lindale Middle School Auditorium (Maryland); December 1 - Amazura Concert Hall (New York); December 7 - Centinella Performing Arts (Glendale, California); at December 8 - San Diego, California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN