Angelu de Leon recounts how she renewed her faith and turned her life around after hitting rock bottom

Angelu de Leon narrates how a personal crisis in the past strengthened her faith in God and enabled her to turn her life around: “I literally hit rock bottom. As in, dapang-dapa na ako noon. I had Nicole and Lois that time. Maraming kailangan ang mga bata, plus the bills are piling up. Umabot pa sa point na muntik na kaming maputulan ng kuryente. Ganoon katindi ang problema ko noon financially. I remember pa nga na nag-crave ako for dinner rolls. Kinailangan kong magbilang ng


Busog sa mga pangaral ni Angelu de Leon ang kanyang mga anak na babae, na sina Nicole (15 anyos) at Lois (12 anyos).

Nasa adolescent stage na raw ang kanyang mga dalagita, kaya maaga pa lang ay paulit-ulit niyang pinapaalala sa mga ito na pag-ingatan nila ang kanilang sarili.

“Siyempre, alam ko ang ganyang stage dahil napagdaanan ko ‘yan.

“Yan ang stage na nagiging curious na tayong mga babae sa mga boys.

“Hindi pa ako masyadong worried kay Lois kasi she’s turning thirteen pa lang. Iba pa ang mga hilig niya.

“Itong si Nicole ang tinututukan ko kasi she’s already fifteen, at ‘yan ang edad kunsaan nagsimula ang lahat!

“As in, alam n’yo naman ang ibig kong sabihin, di ba?

“After ng debut, yun na!” sabay tawa ni Angelu nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Pyra: Ang Babaeng Apoy, sa Circle of Fun, sa loob ng Quezon Memorial Circle, noong October 30.

Hindi naman itinatago ni Angelu sa kanyang mga anak ang mga nangyari sa kanya noong kadalagahan niya. Noon pa man ay naging open na siya sa mga anak tungkol sa mga napagdaanan niya.

“Ang buhay ko naman, open book, di ba?

“Alam ng lahat ‘yan, at malalaman ‘yan ng mga anak ko balang-araw.

“Kaya walang point para itago ko ang nakaraan ko, di ba?

“I would rather have them know everything mula sa akin kesa sa mabasa pa nila over the Internet. Alam n’yo na, marunong mag-Google ang mga bagets!” tawa pa niya ulit.

Pero natutuwa naman si Angelu dahil ramdam daw niya sa mga anak na hindi sila magiging pasaway na tulad niya noon.

“Pinapasalamat ko na ang babait ng mga anak ko.

“Nakikinig sila at sinasabi naman nila sa akin kung may mga crushes sila.

“Hindi naman ako yung tipo na nakikialam sa mga cellphones nila. Gusto ko yung maging open sila sa akin,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Angelu, ayaw niyang mangyari na ang kanyang mga anak na babae ay maglihim o magsikreto sa kanya.

Ganun daw kasi siya dati sa kanyang ina kaya hindi nga naging maganda ang relasyon nila noon bilang mag-ina.

“Naku, huwag nilang gawin ang tumakas, di ba?

“Kasi ako noon, may pagka-stuntwoman yata ako! Lahat ng madadaanan ko, kesehodang may harang, nalulusutan ko!” tawa pa niya ulit.

“I want my kids to be open with me, at maiintindihan ko sila.

“Iba ang panahon ko noon, e. Nagagawa ko pang isikreto noon ang ibang mga naging escapades ko. Ngayon kasi, sa age ng social media, lahat ng kilos ng tao ay nalalaman ng kung sinu-sino sa buong mundo.

“Nandiyan ang Facebook, Twitter, and Instagram. Wala ka nang kawala kapag may nag-post ng comment or photo about you.

“Kaya, I want them to be careful kasi ayoko silang masaktan at gawing katatawanan ng ibang tao.

“It’s the same thing na ginagawa ko sa mga bagong young stars ngayon na nakakatrabaho ko.

“Like si Thea [Tolentino, Pyra lead star], she’s 17-years old now, at bet ‘yan ng kung sinong mga boylets, di ba?

“Para akong mother niya na sinasabihan siya na mag-ingat and use their head and not always their heart.

“Kasi nga gano’n ako noon, and I don’t want it happening to people na malalapit sa akin ngayon,” paliwanag pa niya.

DAUGHTERS NOT INTERESTED IN JOINING SHOWBIZ. Masaya naman si Angelu na hindi nagpapakita ng interes sa showbiz ang kanyang dalawang dalagita.

Mas mabuti raw iyon para sa kanya para hindi siya gaanong mag-alala at para hindi rin masyadong ma-expose ang mga anak niya sa mga sari-saring impluwensya ng showbiz.

“They love going to school, and they both make me proud kasi ang tataas ng mga grades nila parati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun naman ang gusto ko talaga sa kanilang dalawa. Kasi ako, hindi ko natapos ang high school. Nag-artista kasi ako, at noong ma-enjoy ko, dedma na ako sa school.

“Mali pala iyon, kaya I want my two girls to really study hard. Ilang years na lang ay college na si Nicole at next year ay high school na si Lois.

“Yung bunso ko na si Rafa, he just turned one last August. Wala pa akong problema sa baby boy ko. Ang gusto lang niya ay ang maglaro, kumain, at sumama sa akin sa taping,” masaya pa rin niyang kuwento.

Sobrang nagpapasalamat nga si Angelu dahil sa sunud-sunod na trabahong ginagawa niya. Every year ay parati siyang may teleseryeng ginagawa.

“I feel good kasi tuluy-tuloy ang blessing para sa pamilya ko. Lalo na noong ipinanganak ko si Rafa, ang daming work na dumating, and I thank God for all of that.

“Malaking tulong din ang pagiging active natin sa church.

“Noong time na walang-wala ako at dumating sa point na gusto ko nang ihabilin ang mga anak ko sa ibang tao, God has saved me from doing that.

“I have renewed my faith in Him, kaya heto, the blessings are coming in na sunud-sunod.”

HITTING ROCK BOTTOM. Hindi na nahihiyang magkuwento ngayon ni Angelu, na dumating sa point ng kanyang buhay na bagsak na bagsak siya at halos wala na siyang pera.

Pagbabalik-tanaw niya, “I literally hit rock bottom. As in, dapang-dapa na ako noon.

“I had Nicole and Lois that time. Maraming kailangan ang mga bata, plus the bills are piling up. Umabot pa sa point na muntik na kaming maputulan ng kuryente.

“Ganoon katindi ang problema ko noon financially.

“Though I had my dad’s inheritance, it wasn’t liquid. It’s not like I can just sell it right away para magkaroon ng pera. Marami pang mga taong pagdadaanan iyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Angelu ay great granddaughter ni Doña Narcisa "Sisang" de Leon, na may-ari ng LVN Productions.

Dagdag ni Angelu, “I remember pa nga na nag-crave ako for dinner rolls. Kinailangan kong magbilang ng barya para lang makabili ako ng isang dinner roll.

“It was a miserable time in my life, and I almost gave up.

“Hindi ko kayang humarap sa tao and make-believe na everything was okay. Ayoko nang itago ang mga tunay naming problema.”

RENEWING HER FAITH. Dahil sa matinding problema, doon daw muli natagpuan ni Angelu ang Panginoon.

“A friend of mine introduced me to River of God Church. Noong una, tumanggi pa ako. Kasi nagdadasal naman ako. Kilala ko naman kung sino si God. Kailangan ko pa bang sumali sa ganyan?

“But I gave it a try and I felt something different. Parang ito ang kailangan ko.

“Doon na ako naging active, and soon things became a lot easier to handle.

“Hindi naman naging immediate ang pagbabago sa buhay namin—slowly but surely naayos ang buhay namin.

“Isa nga ito sa gusto kong matutunan ng mga anak ko. Yung always pray to God, hindi lang dahil sa may gusto tayo, but because we know na nandiyan siya para bantayan tayo.

“It’s not enough na kilala natin ang Diyos through books and from the people who talk about Him. Iba kung nakikilala mo siya from within your heart,” pagmamalaki niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN