Jan Manual believes he owes career to his faith: “...dahil sa pag-obey ko kay God siguro"

Jan Manual is with the Victory Christian Fellowship, whose members include Piolo Pascual, Rica Peralejo, Sheena Halili, and Joyce Ching. The latter recently split up with boyfriend Kristoffer Martin, and Jan was talked about as having a hand it it. Jan quickly said: “Ay hindi po. Nabalitaan ko nga rin po yan, e.”


Pabirong pini-playtime ni Jan Manual ang “bromance” nila ni Aljur Abrenica sa Kapuso teleserye na Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Basta every time na magkakaeksena kami ni Aljur, every time na yumayakap ako kay Aljur, parang feeling ko kinikilig din siya e, parang kinilig din si Aljur sa akin e,” pagbibiro niyang bungad sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naganap ang panayam sa Wilcon Mall, kung saan nag-taping ang Prinsesa Ng Buhay Ko noong October 23.

Sa naturang drama series ay gumaganap si Jan bilang si Phil, ang bading na kaibigan ni Princess (Kris Bernal), na love interest ni Nick (Aljur Abrenica).

At dahil ilang beses na siyang gumanap ng gay role, tinanong namin si Jan kung hindi ba siya minsan naku-confuse na baka bading nga siya sa tunay na buhay?

“Ah, hindi naman po,” mabilis niyang pagtanggi.

NO LOVELIFE. Wala raw siyang girlfriend ngayon.

“Dapat po kasi ikakasal na ako last year. E, hindi nagkasundo sa religion, kasi Christian po ako e, yung babae Catholic, so parang hindi nagkasundo,” kuwento ni Jan.

Break na sila ng babae matapos ang halos isang taong relasyon.

Hindi ba nila pinag-usapan ang tungkol sa magkaiba nilang relasyon bago nila pinasok ang isang relasyon?

Tugon niya, “Napag-usapan na po. Kasi ang plano ko is i-convert siya sa Christian life, e ayaw niya. Kasi before kaming mag-engage, ipapasok ko na sana. E, ayaw talaga, so wala na.”

May niligawan ba siyang iba mula noon?

Sagot niya, “Actually, meron po last month lang, kaso parang ginawa niya akong panakip-butas, e.

“Na-feel ko lang na parang, actually parang in-allow ko rin yung babae na, parang in-entertain ko rin, so mali ko rin po.

“Kaka-break lang niya so, parang ako, parang na-enjoy ko yung magkasama kami, tapos iyon.”

Alam niya na kakabreak lang ng babae, so sinamantala rin naman ni Jan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon ang mali ko, na in-allow ko so, parang, okay lang po. Nung naramdaman ko na, sabi ko, ‘Teka lang, parang nagiging panakip-butas yata ako, ah.’

“Nag-decide na rin ako na lumayo.”

Hindi na raw sila nagkikita ngayon.

Going back to his gay roles, hindi ba siya tinutukso ng mga kakilala?

Sagot niya, “Ah, hindi naman po!”

Pangatlong gay role na ni Jan ang Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Una, Gagambino, tapos Daddy Dearest, tapos ito pong Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Yung mga friends ko binibiro nila ako kasi mahinhin po talaga ako, e. So inaasar po nila ako na baka raw bading ako,” at natawa si Jan. “Pero hindi naman po.”

PACQUIAO IMPERSONATION. Kilala rin si Jan bilang si Pacboy sa Startalk TX, kung saan ginagaya niya ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Nag-e-enjoy daw si Jan sa iba’t ibang portrayals niya.

“Lahat naman po e, kasi ako, pag work ine-enjoy ko talaga yung trabaho para hindi nakaka-stress. Kasi pag hindi mo in-enjoy, mas nakakapagod,” sabi pa ni Jan.

Na-meet na raw niya si Congressman Manny Pacquiao.

“Opo, dati pa po. Nung una parang nahihiya ako kasi, parang, Manny Pacquiao yun, baka ma-offend [ng pagpo-portray ko sa kanya], e.

"Tapos kinausap niya ako, sabi niya, ‘Hindi, okay lang yan. Let’s get it on!’

“Tapos iyon, nag-start na ako na gaya-gayahin siya ulit.”

Anim na taon na si Jan sa Startalk.

Produkto si Jan ng Batch 4 ng StarStruck, kung saan ang mga winners ay sina Aljur, Kris, Jewel Mische, at Martin Escudero.

ATTRIBUTES BLESSINGS TO CHRISTIAN FAITH. Hindi nawawalan o nababakante ng trabaho si Jan, at para sa kanya ito ay dahil sa kanyang Christian faith.

“Kasi, dahil sa pag-obey ko kay God siguro, dahil kasi ever since naman po talagang madasalin talaga ako, so alam ko na hindi ako pinabayaan ni Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So itong mga blessings na ito, lahat galing kay God,” paniwala niya.

Bata pa lang daw si Jan ay Christian na siya.

Seventh Day Adventist ang mga magulang ni Jan.

“Parehas po. Pero ako po, nung eto lang po, kasi ang Seventh Day Adventist parang more on Old Testament, e. So kami, nag-Victory Church ako.”

Sino ang humikayat sa kanya?

“Mga friends ko rin po. Non-showbiz po.”

Marami raw siyang kasamahang taga-showbiz din sa Victory Christian Fellowship.

Aniya, “Opo marami rin po, sina Piolo, sina Rica, si Sheena. Tapos ngayon, parang sa Bubble Gang din po, nag-i-start kami na gumawa ng small group.

“Kausap ko si Joyce Ching. Victory rin po si Joyce, e.”

May kinalaman ba siya sa pagkakalabuan umano nina Joyce at Kristoffer Martin?

“Ay hindi po,” bulalas ni Jan. “Nabalitaan ko nga rin po yan, e.”

Nabanggit niya kasi si Joyce.

“Ah kasi, Christian din po si Joyce e,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN