Dyan Castillejo surprised by son Matthew’s musical talent: “I didn’t know that he could sing.”

It’s not surprising for sports and fitness television reporter Dyan Castillejo to have an 11-year-old son, Matthew, who shows a penchant for football and tennis. But what surprises Dyan is the recent discovery of her son’s musical and acting talent.

Dyan says, “I discovered he can be a musical talent din pala. He can sing, he can play the piano. Actually, the music, he discovered that in school. Their music program is big in their school. I


Bilang dating sikat na tennis player at ngayon ay ABS-CBN sportscaster at fitness advocate, natutuwa si Dyan Castillejo sa pagka-aktibo sa sports ng anak na si Matthew.

Si Matthew ang anak ni Dyan sa asawang businessman na si Anton Garcia.

Sabi ni Dyan, “I think he can also be an inspiration to kids, e. Kasi one of the things I want to promote, I love to promote, na yung mommies to get their kids involved in sports or active lifestyle.

“Kasi parang everything na nangyari sa akin is because of my sporty-active life, so parang I just wanted to give my son the introduction lang. Pero it’s up to him kung gusto niya.”

“Pero mukhang gusto naman niya. I’ve been bringing him with me sa mga Sports Unlimited adventures ko since baby siya. Then now he loves football, tennis.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dyan sa press launch ng kanyang website na dyancastillejo.com at brand name na DyanFit, na ginanap noong Oktubre 29 sa Italianni’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Present sa launch si Matthew, pati na ang mommy ni Dyan.

Bukod sa sports, sumasali rin sa teatro ang 11-year old na si Matthew. Naging bida na ang bata sa ilang school plays, gaya ng Lion King, kung saan gumanap siya bilang Simba.

Kuwento pa ni Dyan, “I discovered he can be a musical talent din pala. He can sing, he can play the piano.

“Actually, the music, he discovered that in school. Their music program is big in their school. I didn’t know that he could sing.”

SPORTS OR SHOWBIZ. Dahil sumasabak nga sa sports, acting at music si Matthew, natanong tuloy ng PEP si Dyan kung ano ang mas gusto niyang pasukin ng anak—sports o showbiz?

“I really don’t know. It’s all up to him. Well, now he really loves sports. Alam ko ang dream niya is maging professional athlete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Though he’s also into music and a bit of acting. But it’s really up to him and to God, you never really know.

“Ang sa akin lang, ine-expose ko lang siya sa sports kasi yun ang ginawa ng daddy ko sa akin. And then bahala na siya kung gaano kalayo ang marating niya.

“And then I give him love, support, everything. And I told him whatever he’s doing, give it one hundred percent.”

Guwapong bata si Matthew, kaya siguradong may lugar din ito sa showbiz, sakaling mag-decide itong pasukin ang industriya.

Ayos din daw kay Dyan kung mag-showbiz ang anak dahil nasa dugo rin naman daw ng pamilya nila ang pagiging singer at artista.

Ayon kay Dyan, “Meron din kasing artista sa family. You know, my first cousin is Pinky Marquez.

“I got Pinky to train Matthew before he auditioned for the school play. I asked her to give him some projection tips.”

MATTHEW’S SIDE. Nakausap din ng PEP si Matthew at tinanong namin siya kung ano ang mas gusto niyang ginagawa: maglaro ng sports o umarte at kumanta sa school plays?

“Sports, by one hundred [percent] more!” sabi ng bata.

Why?

“Because it’s fun. And it gives me energy.”

Pero gusto rin naman daw niya ang kumanta.

“Oh yeah, I do.”

Gusto niya rin ba maging serious athlete katulad ng mommy niya paglaki niya?

“Yes.”

Sa anong sports?

“I’m not so sure yet between tennis or football. I haven’t decided yet.”

Gusto niya rin bang maging Azkal player?

“Hopefully, more than an Azkal. I just want to be a pro, play in a league,” bibong sagot ni Matthew.

TECHIE STUFF. Ayon kay Dyan, hinahayaan din daw niya si Matthew na maglaro ng video games o Internet games katulad ng ibang mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman daw nagbababad ang anak sa paglalaro sa computer. Mas gusto pa rin daw nito ang maglaro ng sports.

Pag-amin ni Matthew, “I love video games, but I love sports just the same. But I do sports a lot more.”

Paliwanag naman ni Dyan, “For me kasi, like, every day he has a sport. So, he does sports, like, two hours a day. And then when he gets home, I let him play as long as the video games are not violent.

“But I like him also to be exposed in the technical side. So, my husband naman teaches him everything about video, audio. Kasi you have to be Internet-savvy, you have to be computer-savvy.

“So, I’m really happy that he’s interested. Pero, definitely, he’s not one of those, like, staying in the room for hours [playing video games].”

BEING PART OF MOM’S WEBSITE. Dahil madalas ngang kasa-kasama ni Dyan si Matthew sa sports coverage niya, pati sa taping ng Sports Unlimited na sports-and-adventure show nila ni Marc Nelson sa ABS-CBN, binigyan niya ang anak ng sariling section nito sa website niyang dyancastillejo.com.

Tinawag itong Matthew’s Corner.

Makikita rito ang sports activities ni Matthew, ang mga litrato niya with famous sports celebrities, pati na ang pagganap niya sa school plays.

Tanong ng PEP kay Matthew, paano siya na-convince ng mommy niya na magkaroon ng sariling section at lumabas sa website?

Tugon niya, “Not when I saw it. I’m not saying I didn’t want to be, but she’s the one who thought of putting Matthew’s Corner.”

Birong tanong ni Dyan sa kanya, “Do you want me to take it out?”

“No, I don’t want you to take it out,” mabilis na sagot ng anak.

Bukod sa Matthew’s Corner, matatagpuan din sa website ni Dyan ang DyanFit—ang suggested 1-minute and 10-minute workouts niya; Healthy Eats—eating plans and recipes na inihanda ng kapatid niyang chef na si Jackie Castillejo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Champions Talk—celebrity interviews about sports and fitness; Adventures—recommended getaway and adventure places; Dyan Recommends; at Spirit Life—food for the soul stories.

SUPPORTIVE HUSBAND & FATHER. Mahigit 14 taon na ring kasal si Dyan sa asawang si Anton, na soccer player pala noong kabataan nito.

Kaya ganun rin ka-supportive si Anton sa paglalaro ng sports ni Matthew.

“He loves Matthew to be in sports, so he encourages it. When Matthew goes to football tournament, Anton’s the one coaching. But when it’s tennis tournament, it’s me,” sabi ni Dyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN