Senator Jinggoy Estrada flies to San Francisco to accompany wife for medical check-up; vows to return to face plunder charges

Senator Jinggoy Estrada, with his wife Precy Ejercito, flew to San Francisco, California, before noon today, November 2. Amid a Department of Justice recommendation to cancel his passport in connection with the pork-barrel scam investigations, Estrada insisted that he was simply accompanying his wife to the United States to get a doctor’s second opinion on the lump in her breast. He said, however, that he would be back in time for the start of the senate session on November 18.&


Nakaalis na ng bansa si Senator Jinggoy Estrada kasama ang kanyang asawang si Precy kaninang mga bandang alas onse ng umaga.

Ayon sa ulat ng InterAksyon, sumakay ang mag-asawa sa Cathay Pacific flight CX 906 patungong Hongkong. Mula roon ay kukuha sila ng connecting flight papuntang San Francisco, California.

Sa panayam ng media sa senador sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, sinabi ng mambabatas na babalik ito bago magsimula ang sesyon ng senado sa November 18.

Gusto rin daw kasi niyang mapanatili ang kanyang perfect attendance record sa mataas na kapulungan ng kongreso.

Matatandaang nitong nakaraang Linggo ay nagsabi si Senator Estrada na sasamahan niya ang asawa sa America, para humiling ng second opinion sa mga duktor roon sa natuklasang bukol sa dibdib ng misis.

Ito ay sa gitna ng pagpapakansela ng pasaporte ni Senador Estrada—kasama sina Senador Juan Ponce Enrile at Bong Revilla, at 34 pang katao—base sa rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA).

(Read: http://www.pep.ph/news/40906/Senator-Jinggoy-Estrada-asks-for-DOJ-blessing-to-fly-to-the-United-States)

Nag-ugat ito sa kasong plunder, malversation of funds, at graft na kinahaharap ni Senador Estrada dahil sa pagkakasangkot diumano nito sa pork-barrel scam.

Noong Oktubre 25, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na tinawagan siya ni Estrada at humingi ng kanyang permiso para makaalis ng bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN