Janelle Manahan admits to having more sex videos with late boyfriend Ramgen Revilla: “Siguro naman hindi na nila ilalabas yun. Pero, kung meron pa, meron pa.”

Janelle Manahan on her feelings for late boyfriend Ramgen Revilla: “Ganun pa rin, kasi siyempre kahit na wala na siya ngayon, forever naman siyang part ng buhay ko. So, every night ko siyang ipinagdadasal kasi, as much as possible, tina-try ko na talagang completely mag-let go. Kasi, minsan napapanaginipan ko pa rin, so feeling ko hindi na healthy na hanggang ngayon, ganun pa din.”


Noong Lunes, ika-28 ng Oktubre, ang ikalawang anibersaryo ng karumaldumal na pagpaslang kay Ramgen Revilla.

Ito ay nangyari sa loob mismo ng pamamahay nito sa BF Homes, Parañaque, at kasama niya nang gabing iyon ang girlfriend na si Janelle Manahan, na pinagtangkaan ding patayin pero nakaligtas.

November 2 ng gabi, sa panayam ni Cristy Fermin kay Janelle, para sa segment nitong Cornered By Cristy ng Showbiz Police ng TV5, inamin ni Janelle na kahit mahal pa rin niya ang namayapang kasintahan, kinailangan na niyang mag-let go para na rin sa sariling kapakanan.



TWO YEARS AFTER. Kumusta na ang puso niya ngayon?

Saad ni Janelle, “Ahm, towards him? Ganun pa rin, kasi siyempre kahit na wala na siya ngayon, forever naman siyang part ng buhay ko.

“So every night ko siyang ipinagdarasal kasi, as much as possible, tina-try ko na talagang completely mag-let go.

“Kasi minsan napapanaginipan ko pa rin, so feeling ko hindi na healthy na hanggang ngayon, ganun pa rin.”

Ang mga nakababatang kapatid ni Ramgen na sina Ramon Joseph (RJ) at Ramona Revilla ang itinuturong utak sa pamamaslang kay Ramgen.

Kasalukuyang nakakulong si RJ sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, samantalang si Ramona ay pinaghihinalaang nasa bansang Turkey, ang bansa ng kanyang asawa.

Si Ramgen ang panganay na anak nina former Senator Ramon Revilla Sr. at ang kanyang mistress na si Genelyn Magsaysay.

Sinundan si Ramgen ni Ramona, samantalang si RJ naman ang pang-anim sa siyam na magkakapatid.

Si Ramgen ay kapatid din sa ama ni Senator Bong Revilla Jr.

Nitong nakaraang buwan, sa kauna-unahang pagkakataon mula nang nangyari ang sigalot sa pamilya, naglabas ng statement si Ramon Revilla Sr., na nagsasabing alam niyang walang kasalanan ang anak na si RJ sa sinapit ng isa pang anak na si Ramgen.

Umapela ito sa korte na makalaya si RJ sa kanyang kaarawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: http://www.pep.ph/news/40791/ramon-revilla-sr-on-son-rj39s-involvement-in-ramgen-revilla-murder-case-ldquoinosente-po-ang-aking-anakrdquo)

Matapos ang dalawang taon, ano na ang nagaganap sa paglilitis?

Tugon ni Janelle, “Ahm, nag-petition for bail sila, para kay RJ, pero hindi po siya napagbigyan. So in-inform ako ng lawyers ko two weeks ago.”

Anong naramdaman niya na hindi makakalaya si RJ?

Pag-amin ni Janelle, “Ah, masaya, kasi kahit siyempre naawa ako, kasi yung future niya, yung buhay niya, wala na, kasi nakakulong nga siya, pero I think hindi niya deserve na lumaya.

"Kasi, confident naman ako sa sarili ko na may kinalaman siya and, yun nga, kung makalaya siya matatakot ako kasi, for sure, babalikan nila ako.

“So natakot din ako. So nung nalaman ko, sobrang nakampante ako ulit na, ’Ay wala pala talaga silang chance na makaalis.’”

FEELING KO, KAHAPON LANG.” Aminado si Janelle na, hanggang ngayon, ay buo pa rin sa isip niya ang mga pangyayari noong gabi ng October 28, 2011.

Lahad pa niya, “Opo, yung feeling ko, na pag binabalikan ko yung scenario na yun, feeling ko, kahapon lang. Parang ganun.

“Ganun siya ka-clear pa... Although nag-move on na ako, siyempre hindi ko pa rin completely nakakalimutan yung exact scenario na nangyari dun.

"So, kung papakuwento niyo sa akin, any time, kahit bali-baliktarin, kaya ko pa rin, kasi sobrang fresh pa rin niya talaga sa ’kin.”

Gustuhin man daw niyang dalawin ang puntod ni Ramgen noong second death anniversary nito, hindi na raw siya nagtangka dahil sa pakiramdam niya’y ayaw ng mga kapamilya nito.

Paliwanag ni Janelle, “Hindi po, kahit kasi gustuhin ko… Gusto ko po, pero hindi puwede.

"Nung huling dumalaw po kasi ako dun, nagalit yung side niya kasi hindi raw po ako nagpaalam, kasi parang dinis-respect ko sila.”

Kung magpapaalam siya sa pamilya ni Ramgen, sa tingin ba niya’y papayag ang mga ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Janelle, “Siguro papayag, pero yung family ko naman ang hindi papayag, since territory nila yun, tapos alam nila na darating ako.

"So, ayoko na lang i-risk yung safety ko.”

May maari ba siyang mensahe ngayon kay Ramgen, tanong ni Cristy.

Aniya, “A, siguro alam niyo naman siguro yun e, na lagi ko pa rin naman siyang ’pinagdarasal.

"So I will keep my promise na hindi ako titigil na hindi ko nakukuha yung justice na deserve niya, kasi yun na lang yung last thing na puwede kong gawin for him.”

JANELLE’S NEWFOUND LOVE. Ilang buwan na ang nakaraan mula nang inamin ni Janelle na may bago nang nagpapatibok ng puso niya.

Inamin din nito na, noong una, walang alam ang kanyang bagong nobyo sa kanyang nakaraan, pati raw sa naging relasyon nila ni Ramgen.

Pero, sa ngayon ay unti-unti na raw niyang naikukuwento ang tungkol sa pinaslang na kasintahan.

Sabi pa niya, “Opo, wala po. Opo, kasi siyempre nakukuwentuhan ko din siya sa mga nangyayari, pero tanggap niya sa sarili niya na meron akong minahal dati, so okay sa kanya yun.

“Hindi naman siya insecure kasi, to me, magkaiba naman yung level nila sa akin ngayon.

“So, ginagawa ko na lang, di ba may levels of love, so merong true love, may puppy love, at saka may eternal love, ganyan.

“So hindi ko alam kung ’asan siya dun pero alam ko isa dun si Ramgen. Natuto na ako dun.”

Tinanong siya ni Cristy kung nasaang level si Ramgen sa puso niya sa ngayon.

Lahad nito, “Noong mga panahon na yun, siyempre, bata, akala ko yun na yung eternal love, pero siguro I can place him dun sa… siya kasi yung unang boyfriend ko talaga na seryoso, e.

“So, siyempre, pag unang boyfriend mo, wala kang alam. Feeling forever and ever, medyo immature, so ilalagay ko siguro siya dun sa gitna ng puppy love, kasi bata pa ako, and true love, kasi minahal ko naman din talaga siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang mensahe niya sa kasalukuyang boyfriend?

Aniya, “Thank you for accepting me for who I am from my past and who I am now.”

ON SEX VIDEOS. Matatandaang ilang linggo pa lang mula noong mailibing si Ramgen ay may kumalat na sex video nito at ni Janelle, na pinaghihinalaang galing sa kampo nina RJ.

Sabi ni Cristy kay Janelle, “Tinangka ng mga kalaban mo na wasakin ang kredibilidad mo sa paglalabas ng isang panuorin na ginawa ninyo ni Ramgen nung kayo’y magkarelasyon pa.

“Doon sa inilabas na yun, na hindi naman sila nagtagumpay na wasakin ang kredibilidad mo, may mga naiwan pa ba na puwedeng ilabas?”

Pag-amin ni Janelle, “Sinabi ko din naman yun before, nasagot ko na ’yan. Meron pa.

"Pero, I think, siguro naman hindi na nila ilalabas yun. Pero, kung meron pa, meron pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN