Edu Manzano has not asked son Luis about recent breakup with Jennylyn Mercado: “No, and I will never ask. It’s none of my business.”

Edu Manzano on his son Luis’s recent breakup with Jennylyn Mercado: “You know, any relationship gone bad is always a moment of sadness. Nangyayari iyan sa lahat sa atin, e. But I think the best thing you should do is to let them heal and work it out themselves.”


Aminado si Edu Manzano na hindi siya nakikialam sa lovelife ng kanyang mga anak.

Never daw siyang nanghimasok sa pakikipagrelasyon ng mga ito, lalo na sa kanyang panganay na anak sa dating asawang si Vilma Santos—ang actor-TV host-celebrity endorser na si Luis Manzano

Kamakailan ay kinumpirma na mismo ni Luis ang pakikipaghiwalay niya sa girlfriend of two years na si Jennylyn Mercado.

Marami ang boto sa Luis-Jennylyn romance, ngunit wala pang sinasabing dahilan ang dalawa sa kanilang unexpected breakup.

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu ay natanong namin kung nagkuwento si Luis sa kanya tungkol sa breakup nito kay Jennylyn.

“No, and I will never ask. It’s none of my business,” diin ni Edu.

Siyempre raw, bilang ama, nalulungkot siya sa kinahantungan ng relasyon ng anak.

“You know, any relationship gone bad is always a moment of sadness. Nangyayari iyan sa lahat sa atin, e.

"But, I think the best thing you should do is to let them heal and work it out themselves,” dagdag pa niya.

CHANGE OF TIMESLOT. Samantala, bilang matagal na sa showbiz, hindi na raw naaapektuhan si Edu ng anumang pagbabago sa timeslot ng kanyang TV show.

Ang kanya kasing show na hinu-host sa TV5, ang What’s Up Doods? ay napunta na sa 10:30 p.m. timeslot tuwing Sabado mula sa dati nitong timeslot na 9:00 p.m. tuwing Sabado rin.

Dahil ito sa pagpasok ng Pinoy Explorer ni Aga Muhlach at ng bagong show na Juan Direction.

Ang naturang mga palabas ay alinsunod sa "Weekend Do It Better" campaign ng Kapatid network, para pagandahin daw at gawing mas makabuluhan ang kanilang Saturday programming.

“Well, magbabago rin iyan ulit,” natatawang sabi ni Edu.

“Because may mga bagong programa at hindi pa rin maialis yung mga overtime, so natutulak at natutulak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But we’re still hoping na maiaatras pa namin, or do another show on another day also, hindi lang itong What’s Up Doods?"

Madisplomasyang dagdag ng beteranong showbiz personality, “Pero ang TV5 hindi naman iyan nagpapabaya, e. I’m just happy na ibinibigay ng TV5 yung mga gusto kong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN