Ali Sotto on her late son Miko’s coming 10th death anniversary: “My tears are a celebration of my love for Miko.”

Ali Sotto on how time has replaced her grief with a deeper acceptance of son Miko’s death: “Andun na ako sa point na, you know, after ten years, totoo yung kasabihan na time is your friend. You know time heals all wounds. Ahm, na-realize ko, napagtanto ko, na pag umiiyak ako, yung luha ko…my tears are a celebration of my love for Miko. Kasi naiisip ko na hindi ka umiiyak nang ganyan kapag hindi mo mahal e. So sabi ko ganun na, you know, andun na ako dun sa p


Sa December 29, 2013, ang ika-10 anibersaryo ng pagkamatay ng dating young actor na si Miko Sotto.

Twenty-one years old si Miko nang aksidenteng mahulog ito mula sa ika-walong palapag ng condominium unit nito sa Mandaluyong City.

Sa halos sampung taong nagdaan, aminado ang ina nitong si Ali Sotto na may kurot pa rin sa kanyang dibdib ang trahedya, pero habang lumilipas daw ang mga araw, linggo, buwan, at taon ay unti-unti na rin niyang natanggap.

Ang ama ni Miko ay si Maru Sotto, ang nakababatang kapatid ng mga kilalang Eat Bulaga! hosts na sina Tito at Vic Sotto. Noong panahon ng kanyang pagkamatay, si Miko ang nababalitang boyfriend ng aktres na si Angel Locsin.

Kuwento ni Ali, “Yung pain na para kang sinasaksak na ang talim, para kang nalulunod—these days, nandoon pa rin yung pain.

"Pero ano na, constant yung pain pero medyo dull na. Pero andun pa rin.

“Pero, when your defenses are down, bigla na lang may nangyayari na hindi mo inaasahan na tatama sa ’yo, na bigla ka na lang hahagulgol.

“Sa grocery minsan [last week], tinitingnan ko yung mga kandila na pang-undas, na yung pinipili ko yung anong kulay, anong size, di ba?

“Tapos, it just suddenly hit me na bumibili ako ng kandila para sa anak ko, di ba? Sa puntod niya?

"So, sa kalagitanan noon, sa Unimart, humahagulgol ka. Siguro pag makita naman ng mga tao, maiintindihan naman nila.”

Ang Unimart ay grocery sa Greenhills Shopping Complex, sa San Juan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Showbiz Police ng TV5 si Ali sa kanilang tahanan sa Loyola Grand Villas, Quezon City, noong October 24. Bahagi ng panayam na ito ay umere sa Kapatid channel kahapon, November 2.

MY TEARS ARE A CELEBRATION OF MY LOVE FOR MIKO.” Hanggang ngayon ay may sakit pa rin daw siyang naramdaman, ngunit hindi na raw katulad noong mga unang taon ng pagpanaw ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, “Constant yun. Hindi nawawala yung pain, although meron ka nang… kaya nga pag ano…when I counsel mothers or parents who’ve lost a child, I always give them the hope that it will get better.

“And then sabi ko na andun na ako sa point na, you know, after ten years, totoo yung kasabihan na time is your friend. You know time heals all wounds.

“Ahm, na-realize ko, napagtanto ko na pag umiiyak ako, yung luha ko… my tears are a celebration of my love for Miko.

“Kasi naiisip ko na hindi ka umiiyak nang ganyan kapag hindi mo mahal e. So sabi ko, ganun, na you know andun na ako dun sa point na na-accept ko na umiiyak ako kasi mahal na mahal ko.

“Kasi pag hindi mo naman mahal, bakit ka naman iiyak?”

Dagdag pa niya, “Dumating ako dun sa point… buong-buo sa loob ko yung pag binibigkas ko yung ‘Thy will be done.’

“Dati pag sinasabi ko yun, its more to convince myself e, ’Thy will be done…’ it’s more to convince myself na kailangan lang talaga nating isuko ang ating kapalaran, ang ating buhay, ang ating misyon.”

DEALING WITH DEPRESSION. Paano niya hinarap ang depresyon noong mga panahong yun?

Saad ng TV host-actress, “I went back to work, right away. I was grieving but I went back to work.

"I felt that, by being busy, by being occupied you know, most of my time hindi ko masyadong maiisip.

“And, of course, I had a fantastic support system. I’m surrounded by people who loved me, my family, my friends.

"Eventually, I got together with mothers who lost a child, and, of course, my primary way of coping was my faith.

“I am surviving—I am not even saying that I survived, past tense, kasi tuluy-tuloy pa rin yung proseso—I am surviving only by God’s grace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ahm, hindi ako religious, hindi ako, well, you know… hindi ako religious but, you know, I’ve become more spiritual.

"You know, I’d like to think that I’m in a constant state of prayer.”

Hanggang ngayon ba ay nagpaparamdam pa si Miko?

Kuwento pa ni Ali, “You know, dumating yung point, years after I finally told him that ‘You know Miko, okay na ako,’ hindi na masyado. Hindi na… actually, hindi na.

“Unless siguro na dadating dun sa point na, you know, he’ll feel na stressed yung nanay niya, pero so far since he knows… and I’ve told him na, ’Alam mo Miko, I’m okay.’

"Pero dati, yes,” sagot nito patungkoy sa pagpaparamdam ng anak.

Kung buhay pa ngayon ang anak, ano kaya ang nakikita niya dito sa ngayon?

Natatawa niyang kuwento, “Alam mo, pinag-uusapan namin ’yan ng friends ko e. Sabi nila sa akin, ‘Alam mo siguro, kung buhay si Miko, may apo ka na.’

“Tapos sabi ko, ‘Siguro, siyam na yung apo ko.’ Kasi nine years e, di ba, tapos malamang siyam na yung apo ko, tapos sa iba-ibang nanay!

“Hindi, siyam na yung panganay because he’s like that. So, that would have been fun.”

OVERWHELMING TO KNOW THAT PART OF HIM LIVES ON.” Bago pa man mailibing si Miko noon ay nakipag-usap na ang Eye Bank Foundation kay Ali para mai-donate ang mga cornea nito sa mga nangangailang muling makakita.

Ano ang pakiramdam niya tuwing nakikita ang mga recipients ng cornea ng anak?

Dagdag pa ni Ali, “Si Esmi at saka si Jonalyn, because we travelled di ba, wala ako sa Pilipinas nang tatlong taon, at nung time na yun I lost contact with Jonalyn and Esmi, yung bata.

“But, at the time when I was seeing them, alam mo, indescribable yung feeling e. There are no words because, literally, ano yun e, corneas yun ng anak ko—so a part of him lives on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, when you say may legacy, may legacy na iniwan, hindi lamang in the abstract sense, na yung contribution niya sa cornea distribution at sa organ donation, but in the sense na physical, literal, meron talagang bahagi niya na iniwan niya.

“At nabigyan ng mas magandang buhay yung mga naiwanan niya ng kanyang corneas dahil muling nakakita.”

Yung mata pag tiningnan niya, pakiramdam niya nakikita niya ang anak?

Saad ni Ali, “Well, because yung corneas naman, yun yung parang transparent na part ng eyes, just knowing na bahagi yun ni Miko is already phenomenal. Phenomenal na yun.

“Lalo pa mata, di ba? Kasi ang mata windows to the soul, di ba?

"So, pag tinitigan mo talaga, parang iba yung pakiramdam… It’s very overwhelming. It’s overwhelming to know that part of him lives on.”

MIKO: “MA, I PROMISE TO TAKE GOOD CARE OF YOU.” Feeling ba niya’y hanggang ngayon gina-guide pa rin siya ng anak?

Kuwento ni Ali, “Ay, ano siya, pag meron akong mga problema, pag meron akong idinadasal, di ba, you know because… and if you believe… hindi lang siya e, pati yung nanay ko, yung lola ko, sila yung sumbungan, sila yung ‘guide me and be with me.’

“Alam mo kasi, just a few days before he died, nag-guest kami sa isang TV show, and then one of the questions that was asked Miko ay parang, ‘O, ano ang ipapangako mo sa nanay mo?’

“And, of course, very light yung ambiance, sabi niyang ganun, ‘Ma, I promise to take good care of you.’”

Dagdag pa niya, “And then, a few days after, he died. So, ako, pinanghahawakan ko yun kasi pangako e, di ba?

“Ramdam ko naman because kahit nung buhay siya, very protective siya of me.

“Pag meron siyang naramdaman na parang security guard, nabastos ako, hinahawi niya ako sa likod ko, at ilalagay niya sa likod niya, tapos duduro niya yung guwardiya, ‘Nanay ko ’yan ha, nanay ko ’yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit noong buhay siya, masyado siyang protective, so tayo na naniniwala na there is life after death and that we will see each other again in the afterlife, I believe na even beyond death inaalagaan niya ako.”

May maaari kaya siyang mensahe sa anak?

Lahad nito, “Lagi ko naman kinakausap si Miko. You know, I always tell him that I miss him because, siyempre, anak mo yun, e.

“Minsan, pag meron akong kaibigan na may problema o may pinagdadaanan, you know, ang sinasabi ko, ‘You know, I don’t want you to trivialize your pain, hindi ko naman sa minamaliit yung problema mo.

"Pero alam mo, ako, nawalan ako ng anak e. There is no pain, I guess, that is greater than that for a parent, for a mother to lose a child.’”

Dito na tuluyang bumigay at umiyak si Ali.

Pagtatapos niya, “I wish that, and I know na, happy siya dun sa nangyari. Na after his death, because when he was alive he was very generous, nung buhay siya, kahit yung huling-huling pera niya, last money nasa wallet niya...

“Ito, true story. Nasa dentist kami, alam mo hindi ko naisip na pagkatapos nun, lunch time kasi yun e, na inabot kami nang tanghali.

"Nagpabili ng pizza dun sa dentist, para sa assistant, dun sa parang receptionist. Huwag ka, last money niya yun.”

“So, kahit nung buhay siya, yung generosity niya, kahit yung pagreregalo niya sa akin na napakagalante, kaya lagi siyang walang pera, di ba?

“Kasi kung mag-regalo siya, yung todong-todo siya magbigay. So, even in death, I’m sure na nagampanan ko yung hinihiling ng pagkatao niya.

“Because in life, he was like that. Todo-bigay, very generous.

"So, yung naiwan niya, I’m sure happy siya at proud siya sa ginawa namin for him, na kahit wala na siya dito sa mundo, napagpatuloy namin yung kanyang generosity.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN