Forty-something Eula Valdes on her two sexy pictorials for FHM: “Meron na akong ipapakita sa mga apo ko, tama na yun.”

Ayon kay Eula Valdes, mas kumportable na ngayon si Kristoffer Martin sa mga eksena nila sa Nasaan Ka Man. Hindi gaya noong una na kinakabahan pa ang young actor tuwing magkaeksena sila.


Dalawang beses nang naging cover girl ng FHM si Eula Valdes.

Papayag ba siyang muli kapag inalok ng naturang men’s magazine para sa isa pang seksing pictorial?

“Hindi na siguro. Nakadalawa na ako, e. Ayoko na.

"Meron na akong ipapakita sa mga apo ko, tama na yun!” natawang sabi ng 44-year-old actress.

Iyon pala ang gagawin niya kapag may apo na siya balang-araw?

“Oo! Ang joke nga dun ano, e, ‘Lola, ano ’yan, may tattoo ka pala dito?’

“Tapos, sasabihin ko, ‘Oo, hatakin mo yung balat ko nang makita mo kung ano ’yan!’ Kasi lukut-lukot na [ang balat]!" natatawang sabi ni Eula.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula sa taping ng GMA primetime series na Kahit Nasaan Ka Man, sa Sampaloc, Manila, noong October 18



KRISTOFFER MARTIN. May balitang maaaring ma-extend ang airing ng Kahit Nasaan Ka Man dahil sa magandang ratings nito.

“Sabi. May posibilidad daw bilang maganda ang istorya ng show,” pagkumpirma ni Eula.

Gumaganap dito si Eula bilang si Teresa, na umampon kay Kristoffer Martin (bilang Leandro).

Nakakasabay na ba si Kristoffer sa kanya sa mga eksena nila?

Mabilis na sagot ni Eula, “Oo naman, at saka kumportable yung bata umarte, tsaka malambing na bata, na ano, very rare sa mga panahon ngayon.”

Dati, sa umpisa ng taping nila, inamin ni Kristoffer sa isang panayam na hirap itong makipagsabayan ng acting kay Eula. Kinakabahan at pinagpapawisan daw ito.

Pero ngayon ay hindi na hirap ang young actor.

Pagsang-ayon ni Eula, “Oo nga, kailangan naman kasi muna maging kumportable ka, e.

"Kapag at ease ka na, siyempre susunod na rin yung kampante ka nang umarte, kasi... di ba?

"Kesa yung nanginginig ka pa, nangangapa ka pa, ganyan-ganyan.

“’Tsaka nakakaaliw nga, kasi malambing na bata, e.”

Ano ang ginagawa niya kapag may kaeksena siyang hindi makaarte o makaiyak nang tama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doble effort!” bulalas niya.

Hindi ba niya "sinasaktan" ang kaeksena niya para mapaiyak?

“Hindi! Naku, inutusan nga ako isang beses ng direktor na kurutin ko para umiyak!

"Sabi ko talaga, ‘E, ikaw Direk ang kumurot kung gusto mo!’

“Ayokong ma-trauma sa akin. Di ba, matatandaan ka paglaki nun? Na, ‘Eto yung kumurot sa akin.’”

Ano ang eksena ni Eula sa Kahit Nasaan Ka Man na pinakagusto niya?

“Yung pinapayagan ko na si Leandro doon sa kursong gusto niya. Kasi, di ba, ano siya, into music? Ayun.

“Kasi ang gusto ko, Political Science ang kunin niya dahil may bahid ng paghihiganti yung character ko, hindi maka-move on.”



DOESN’T WANT HER LIFE STORY SENSATIONALIZED. Naitanong naman kay Eula kung papayag siyang ipalabas sa Wagas ang love story nila ng boyfriend niyang model at aktor na si Rocky Salumbides.

Nagpi-feature ang Wagas ng GMA News TV ng tunay na kuwento ng mga magkarelasyon.

“Ayoko!” mariin niyang sagot.

Kahit daw sa Magpakailanman o Maalaala Mo Kaya ay hindi papayag si Eula na ipalabas ang kuwento ng buhay niya.

“Ayoko naman, hello! Ayoko.

“Hindi nga ako bumabalandra kung saan-saan e ibibigay ko pa yung istorya ko,” sabi niya.

Kahit nga raw ang love story nila ni Rocky ay ayaw niyang ibandera sa kahit na anong programa.

Paano kung pumayag si Rocky?

“Hindi rin niya gusto,” giit niya.

ADDAMS FAMILY. Wala pang nakalinyang pelikulang gagawin si Eula pagkatapos ng indie movie na Bingoleras.

Ang pagkakaabalahan niya, bukod sa Kahit Nasaan Ka Man, ay ang musical comedy na The Addams Family, na gaganapin simula November 15 hanggang December 1 sa Meralco Theater sa Ortigas.

Gaganap si Eula bilang si Morticia Addams, ang maybahay ni Gomez Addams, na gagampanan naman ng komedyanteng si Arnell Ignacio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN