LJ Reyes values her "mature" relationship with ex-boyfriend Paulo Avelino

LJ Reyes on son Aki: “He brings joy to my life. And siyempre, yung kapit mo sa Diyos… iyon talaga ang magbibigay sa iyo ng strength. You know, I’ve learned to see the good side on things. Kapag malakas kasi yung faith mo sa Kanya, matututunan mo iyon, e.”


Sa mga showbiz couple na nagkakahiwalay, bibihira ang nagkakasundong muli at nagkakabalikan.

Pero kung may mga anak, karamihan ay nagiging magkaibigan at maayos pa rin ang pakikitungo sa isa’t isa para sa kapakanan ng bata.

Sa kaso ni LJ Reyes, maganda naman daw ang samahan nila ngayon ng ex- boyfriend niyang si Paulo Avelino, kung saan mayroon siyang isang anak.

Naka-focus daw kasi silang dalawa sa kanilang anak at hindi sila naghiwalay na parang bitter o may ill feelings sa isa’t isa.

“Ganoon talaga kapag mature people!” pagmamalaki ni LJ nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kahapon, November 3.

Ano ba ang ibig niyang sabihin sa “mature people”?

Subok niyang ipaliwanag, “Mahirap pong i-explain ‘yan.

"I mean, hindi siya yung ituturo ko sa inyo kung paano.

“Mahirap pong i-explain ‘yan, malalaman ‘yan kung mature people kayo.

“Kumbaga, understanding and respect. Yung ganoon?”



CENTER OF ATTENTION. Ayon pa rin kay LJ, ang sentro talaga ng lahat para sa kanya ngayon ay ang kanyang anak na si Aki, three years old.

Sabi ng aktres, “He brings joy to my life.

"And siyempre, yung kapit mo sa Diyos, iyon talaga ang magbibigay sa iyo ng strength.

“You know, I’ve learned to see the good side on things.

"Kapag malakas kasi yung faith mo sa Kanya, matututunan mo iyon, e."

Kahit busy raw siya sa trabaho, tinitiyak ni LJ na may bonding moment pa rin silang mag-ina.

“Kapag sunud-sunod ang schedule ko, usually isinasama ko siya. Like, kahapon, sa rehearsal sa SAS.”

NOT OPEN FOR NEW RELATIONSHIP. Kailangang bang gusto rin ng anak niya ang susunod niyang makakarelasyon, kung sakaling handa na siyang ma-in love uli?

“I don’t think it’s time to talk about that… no,” iwas ni LJ.

So, matagal pa bago siya muling maging open for a new relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes,” diin ni LJ.

Kahit ba manliligaw, ayaw niyang mag-entertain sa ngayon?

Diin pa rin niya, “Yes. It’s not the right time.

“Sa anak ko muna ibubuhos ang atensiyon ko, at saka sa trabaho,” pahayag ni LJ.

Lately, nagsalita at naging vocal na rin si Paulo sa mga nangyari sa kanilang dalawa. Napag-usapan ba nila ito?

“Hindi," sagot ni LJ.

Dagdag pa niyang pag-iwas, "Tama na! Tama na. Wala na."

Pagkatapos nito ay tumalikod na si LJ bilang senyales na hindi na siya sasagot sa iba pang mga katanungan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN