Jeric Teng and Ervic Vijandre tapped to join Rain or Shine in annual rookie draft of the PBA

Kabilang sina Jeric Teng (kasama si Chris Tiu) at ang aktor na si Ervic Vijandre (inset) sa mga aspiring players na napili sa annual PBA draft na ginanap gabi ng Linggo, November 3, sa Robinsons Place Ermita, sa Manila.


Tila magiging “star-studded” ang Rain or Shine Elastopainters sa darating na PBA Philippine Cup, na magbubukas sa November 17.

Ito ay dahil sa pagpasok sa koponann ng dating star player ng University of Sto. Tomas na si Jeric Teng at ng Kapuso actor na si Ervic Vijandre.

Sina Jeric at Ervic ay dalawa lamang sa limang acquisitions ng Rain or Shine sa katatapos na PBA Draft, na ginanap kahapon, November 3, sa Robinson’s Ermita.

Ang tatlo pang players na magiging bahagi ng koponan, na pag-aari ni Mikee Romero, ay sina Raymond Almazan (third overall pick), Alex Nuyles (ninth overall pick), at University of the Visayas standout na si Gayford Rodriguez.

Magiging bahagi ang limang rookies ng team ni Coach Yeng Guiao, na nagtapos sa ika-apat na puwesto nitong nakaraang PBA Governor’s Cup.

JERIC TENG. Hindi man napanalunan ni Jeric Teng ang championship ng UAAP para sa UST Growling Tigers, nakuha naman nito ang simpatiya ng publiko.

Dahil na rin sa rivalry nila ng kapatid na si Jeron Teng, ng De La Salle Green Archers, naging maugong ang mahigpit na pag-aagawan nila sa titulo.

Matapos ang UAAP Men’s Basketball Finals, nagpasya si Jeric na maging bahagi ng PBA Draft ngayong taon.

Marami ang humula na magiging first-round pick si Jeric sa draft dahil sa ganda ng ipinakita nito para sa UST.

Ngunit marami ang nagulat nang umabot sa second round nang piliin siya ng Rain or Shine para sa second pick.

Dumagdag si Jeric sa listahan ng mga Chinoy sa koponan, na kinabibilangan nina Chris Tiu, Jeff Chan, Paul Lee at TY Tang.

Tulad din nina Chris at Tang, galing din si Jeric sa Xavier School noong high school at naglaro para sa varsity team nito.

ERVIC VIJANDRE. Bago pa man pumasok sa showbiz ay naglaro na si Ervic Vijandre para sa Dela Salle Green Archers mula 2004 hanggang 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taong 2010 naman nang sumali siya sa Survivor Philippines, kung saan naging runner-up siya.

Dito ay nagsimula nang gumawa ng TV projects si Ervic sa Kapuso network.

Ngunit kahit pinasok niya ang pag-aartista, patuloy ang paglalaro ni Ervic ng basketball, at madalas siyang kasali sa charity basketball games ng mga kapwa celebrities.

Noong nakaraang taon nga ay bumalik si Ervic sa basketball sa pamamagitan ng PBA D-League, kung saan naging bahagi siya ng Erase Xfoliant Erasers.

Sa pagsali niya sa PBA Draft ngayong taon ay naging 9th pick pa ng 3rd round si Ervic, at tinalo ang ilang draftees na gumradweyt sa UAAP noong nakaraang taon.

TOP DRAFT PICKS. Samantala, inasahan na ang pagkakapili sa former Ateneo Blue Eagles seven-foot center na si Greg Slaughter bilang first overall pick para sa Barangay Ginebra.

Gayundin ang pagkapili kay Ian Sangalang ng San Sebastian Stags para sa San Mig Coffee Mixers, at kay Raymond Almazan ng Letran Knights para sa Rain or Shine.

Ikinagulat naman ng marami nang piliin ng Ginebra para sa 4th overall pick ang 6’2” guard mula sa Arellano University na si James Forrester.

Pinili ng Global Port Batang Pier sa magkakasunod na 4th hanggang 6th picks ang mga FEU star players na sina Terrence Romeo at RR Garcia, at ang Fil-Am na si Isaac Holstein.

Napunta ang UAAP Season 73 Finals MVP na si Ryan Buenafe sa Alaska Aces, at ang Adamson Soaring Falcons standout na si Alex Nuyles ay napunta sa Rain or Shine

Kinuha naman ng San Mig Coffe Mixers si Justin Chua, dating Ateneo Blue Eagle player na gumawa ng pangalan sa PBA D-League.

Para sa kumpletong listahan ng PBA Draftees ngayong taon, basahin ito: Chants of ’Ginebra, Ginebra’ as Slaughter made No. 1 pick in surprise-filled PBA draft


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN