Marian Rivera denies rejecting Tom Rodriguez as leading man in her next soap

Marian Rivera dismisses the intrigue, saying she rejects no one: “Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yan, pero wala akong tinatanggihan. Okay naman sa akin kahit sino ang i-partner sa akin. Siguro sa susunod na soap, kami na ni Tom, tutal magkakilala naman kami.”


Pinabulaanan ni Marian Rivera ang balitang tinanggihan daw niya si Tom Rodriguez bilang maging leading man sa bagong primetime series niya sa GMA.

Si Tom ay talent ng dating manager ni Marian na si Popoy Caritativo, at noon pa naiintrigang ayaw raw makatrabaho ng aktres ang talents ng dating manager.

“Wala akong tinatanggihan,” mabilis na sa sagot ni Marian nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito ngayong hapon, November 4.

Ayon pa sa aktres, inilatag sa kanya ng GMA ang kabuuan ng seryeng gagawin niya, at naka-focus daw sa kanya ang buong kuwento nito.

“May kasama ako dito, bata.

“Hindi ganun kabata, pero wala talaga yung sinasabi na leading man ko.

“Hindi ko lang makuwento lahat kasi hindi pa puwede, pero walang sinabi sa akin na kasama si Tom.

“Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yan, pero wala akong tinatanggihan.

“Okay naman sa akin kahit sino ang i-partner sa akin.

“Siguro sa susunod na soap, kami na ni Tom, tutal magkakilala naman kami,” saad ng Kapuso Primetime Queen, na kasalukuyang nasa Vietnam.

Ayaw na rin ni Marian patulan pa ang mga ganung intriga dahil mas masaya raw siya ngayon sa mga magagandang blessings na dumarating sa kanya.

Excited na rin siyang simulan na ang bagong drama series niya para sa GMA.



TOM’S REACTION. Kahit si Tom ay nagulat din sa balitang tinanggihan siya ni Marian. Wala nga raw siyang kaalam-alam na may ganung intriga pala sa kanila.

“Sana naman hindi totoo ‘yan.

“Hindi naman po ako nakikialam sa problema ng ibang tao.

“Ako, wala akong problema sa kanya…

"Wala naman akong nasagap na ganung balita kaya hindi ako makapag-comment diyan,” sabi ni Tom nang makausap ng PEP noong Sabado, November 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN