Sunshine Cruz on rumors that Cesar Montano has new girlfriend: "Good for him."

Kung ang nakahiwalayan niyang asawa na si Cesar Montano ay mayroon na raw bagong girlfriend, si Sunshine Cruz naman daw ay hindi naghahanap ng lalaking mamahalin siya. Sabi ng aktres, “Hindi tayo hahanap. Kasi, alam kong darating ‘yan.”


“Good for him.”

Ito ang tugon ni Sunshine Cruz sa balitang may bagong girlfriend na raw ang kanyang estranged husband na si Cesar Montano.

Sabi pa ng aktres, sa panayam sa kanya ng Buzz Ng Bayan kahapon, November 3, “I’m happy for him.

"Of course, he needs an inspiration.

“Kung totoo yun, e, di good.

“Kung hindi, then I hope, sooner or later, he will find someone that will make him happy.”

Naniniwala si Sunshine na maiintindihan ng kanilang tatlong anak na babae kung sakali ngang may bago nang babae sa buhay ng kanilang ama.

Sabi niya, “I’m sure, ang mga anak ko naman, maiintindihin yung mga ‘yan.

“And, of course, whatever will make me and my ex happy, they will be happy for us.”

Kung ang lovelife naman ni Sunshine ang pag-uusapan, sinabi nitong hindi siya nagmamadali na mahanap ang tamang lalaki para sa kanya.

“Hindi tayo hahanap. Kasi, alam kong darating ‘yan,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN