Coleen Garcia reacts to rumors linking her to Billy Crawford

Umalma na si Coleen Garcia sa bintang na siya diumano ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Billy Crawford at Nikki Gil. Sabi ng TV host-actress, “Ako na lang palagi ang third party, e, ano? Yun naman ang palaging akala nila, e, na ahas ako. Pero ang masasabi ko lang, hindi.”


Nabuhay muli ang isyung si Coleen Garcia diumano ang third party at siyang dahilan ng hiwalayan nina Billy Crawford at Nikki Gil.

Ito ay dahil sa kumalat na mga larawan nina Billy at Coleen sa isang event sa Bacolod, kunsaan “sweet” daw ang dalawa sa mga kuhang ito.

Umalma naman si Coleen sa pag-uugnay muli sa kanya sa breakup noon nina Billy at Nikki.

“Ako na lang palagi ang third party, e, ano?

“Yun naman ang palaging akala nila, e, na ahas ako.

“Pero ang masasabi ko lang, hindi,” pahayag ni Coleen sa panayam niya sa Buzz Ng Bayan na ipinalabas kahapon, November 3.

May mensahe rin si Coleen sa mga naninira sa kanya.

Ayon sa It’s Showtime co-host, “I don’t blame you. I just feel misjudged. God bless you.”

Posible ngang mas nagiging malapit sina Billy at Coleen ngayon dahil na rin sa araw-araw na pagsasama nila sa It’s Showtime.

Pero nilinaw ni Coleen kung ano talaga ang estado ng relasyon o samahan meron silang dalawa ni Billy.

“Workmate!” natatawang sabi niya.

“Ayun, araw-araw kaming nagkikita.”

Paano kung magparamdam si Billy sa kanya?

“Well, sasagot na lang ako kapag nagparamdam.

“Pero sa ngayon, wala naman, e. And, I think, it’s too early for that.

“Kakagaling niya lang sa relationship and, ako naman, I just feel that I need to breathe.

“Ang dami kong ginagawa now.

“I just want to better myself always as an artist, as a person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN