Solenn Heussaff, happy with her three-year relationship with non-showbiz boyfriend, gives love advice to friend Lovi Poe

Solenn Heusaff and non-showbiz boyfriend Nico Bolziko are set to leave for a 20-day holiday vacation in Iguazu, his hometown in Argentina, after Christmas. It’s been a tradition with the couple to spend the Christmas season with Nico’s family since they got together three years ago. "Happy ako ngayon," the actress declares.


“Kapag may gusto ako, gagawin ko lahat para makuha ko yung guy.”

Ito ang pahayag ni Solenn Heussaff nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa advance press screening ng Status: It’s Complicated na ginanap sa Platinum Cinema, Gateway Mall, noong November 2.

Tulad ng kanyang ginampanang papel sa naturang sexy-comedy film, aminado ang 28-year-old French-Filipina actress/singer/TV host na medyo agresibo siya pagdating sa napupusuang lalaki.

“Pag single ako, talagang super out there ako.

"Gusto ko mag-meet ng tao, gusto ko mag-date.

“Yun ang side ni Sylvia na meron ako,” pagtukoy ni Solenn sa karakter niya sa pelikula, na hayagang ipinakita ang pagkagusto sa love interest na si Manny, na ginagampanan naman ni Jake Cuenca.

Sa November 6 nakatakdang ipalabas sa sinehan ang Status: It’s Complicated, na pinagbibidahan din nina Eugene Domingo, Maja Salvador, at Paulo Avelino.



HAPPY AND IN LOVE. Sa totoong buhay, smooth-sailing ang relasyon ni Solenn at ng kanyang Argentinian boyfriend na si Nico Bolzico.

Taliwas sa ibang celebrity couples na pulos naghihiwalayan nitong mga nakaraang buwan, halatang masigla ang pagsasama nina Solenn at Nico.

Panay pa ang post ng Kapuso star ng sweet photos nila ng kanyang nobyo sa Instagram.

Ayon kay Solenn, dalawang taon lang ang agwat ng edad nila ni Nico. Hindi tulad sa dalawa niyang ex-boyfriends na mas matanda sa kanya ng pito o walong taon.

Sa kabila nito, napansin niyang mas marunong magdala ng relasyon si Nico.

Sabi ni Solenn, “Yung iba, parang young love, first love, or akala ko in love.

“Ito yung first na totoo talaga, may understanding, at walang jealousy.

“Sobrang mature ng relationship namin. Happy ako ngayon.”

Siya ba yung tipo ng girlfriend na selosa?

“Hindi naman.

"Noong bata ako, may ibang bagay na hindi ko maintindihan.

“Pero natuto naman ako sa past relationships ko kahit seventeen years old lang ako nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, mas settled ako as a person, mas buo ako, mas formed yung personality ko, mas happy.”

Malaking bagay raw na non-showbiz si Nico dahil marami siyang bagong natututunan mula sa pagiging agriculturist nito.

Si Nico ay top executive ng Siembra Directa, isang Argentine-Filipino agri-based enterprise, na ginagamitan ng modern technology ang corn planting, harvesting, at post-harvesting sa Echague, Isabela.

Kuwento pa ni Solenn tungkol sa kanyang nobyo, “Very intelligent siya.

“Iba ang work niya. We only know showbiz world.

"Siya, sa agriculture siya. So, I’m learning a lot from him.

“I don’t know how to explain, pero very advanced siya in thinking, so it’s nice.”

Ikinatuwa ni Solenn nang lumipat si Nico sa naturang kumpanya noong 2012. Madalas daw kasi itong mangibang-bansa sa dati nitong trabaho.

“Marami siyang travels, kasi dati nag-work siya sa Bloomberg [as an economic analyst].

“Every three months yung trabaho niya, ganun, nag-iikot-ikot.

“So, he experienced living in thirty countries for a time.

“Pero hindi kami nag-long-distance relationship. Ayoko ng long-distance.”

Sa kabilang banda, nakatulong daw ang pagiging exposed ni Nico sa iba’t ibang kultura para mas maging mature ito.

“Sobrang mature siya. Iniwan niya yung family niya nung seventeen years old siya.

“He’s used to being independent kaya marami siyang alam.”



VACATION IN ARGENTINA. Ngayon pa lang ay excited na si Solenn na magbakasyon sa hometown ng kanyang nobyo sa Iguazu, Argentina.

Kamakailan ay nag-post pa ang Kapuso star ng larawan nila ni Nico noong huli silang nagpunta doon.

Nang tanungin ng PEP si Solenn tungkol dito, sinabi niya na handa na ang leave of absence niya para sa darating na holiday season.

Espesyal daw ang buwan ng Disyembre para sa kanya, dahil ito lang ang panahon na puwede siyang makapagpahinga pagkatapos magtrabaho buong taon.

Aniya, “Tuwing December, nasa Argentina ako, kasi yung parents niya nandun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bibisitahin namin yung family niya.

“We stay there for twenty days every December.

“But first, I’ll be spending Christmas with my family, kasi babalik yung sister ko.

“Pagkatapos ng Christmas day, aalis ako agad.”



ON MARRIAGE. Ngayong magta-tatlong taon na silang magkasintahan ni Nico, napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa pagpapakasal?

Sagot ni Solenn, “No. Ayoko pag-usapan.

"Kapag mangyayari, dapat surprise.

“Ayoko ng plano dito, ‘After three or four years, magpakasal na tayo.’

“Kasi pag may plano, hindi mangyayari talaga.

“We’re not thinking about it. Pero if it happens, it happens.”



FRIENDSHIP WITH LOVI. Kasama rin ni Solenn sa pelikulang Status: It’s Complicated ang kaibigan niyang si Lovi Poe, na mayroong special participation sa pelikula.

Tila hindi na mapaghiwalay ang dalawa dahil maging sa teleseryeng Akin Pa Rin Ang Bukas ay co-stars sila.

Dati na rin silang nagkatrabaho sa pelikulang Temptation Island at teleseryeng Legacy.

Lahad ni Solenn, “Nung una, hindi ko rin alam na kasama siya.

“Sinabi niya lang sa akin, ‘May shooting ako for Status: It’s Complicated.’

“Madalas talaga kaming magkasama sa movies at teleserye, pero this time, hindi kami nagkaroon ng scene together.”

Bilang malapit na magkaibigan, minsan nang nabanggit ni Lovi na marami siyang natutunan kay Solenn pagdating sa larangan ng pag-ibig.

Ano ba ang madalas niyang ipayo rito?

Sagot ni Solenn, “Mas bata naman si Lovi sa akin.

“Pero minsan, nag-ask siya sa akin ng advice.

"Sabi ko, ‘Hindi ako professional sa mga relationship.’

“Pero ini-explain ko yung side ko, yung stories ko. Kasi alam ko na maraming guys dito ang nagseselos.

“May paraan na okey lang maging seloso. Pero may paraan na hindi ka dapat mag-accept na maging seloso.”

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Lovi ay si Jake Cuenca. Pero pagkatapos ng halos dalawang taong “pagdi-date” nila ay nauwi rin ito sa hiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Jake Cuenca on Lovi Poe: "Whatever we had, pareho kaming nag-enjoy.")

Sa kasalukuyan, nali-link si Lovi kay Rocco Nacino, na leading man ng aktres sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

Umaasa rin ba ni Solenn na tulad niya ay mahanap na rin ni Lovi ang tamang lalaki para rito?

Sagot niya, “Siyempre naman.

"Kung gusto niya magka-relationship, then, sana yung guy na maging boyfriend niya, masaya siya.

“If she’s enjoying her single life, I wish her happiness as well.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN