Miss World Megan Young sustains minor injury in accident in Haiti

“It was such a scary situation for me. It makes you realise there is so much more that should be done for these kids,” pahayag ni Miss World Megan Young tungkol sa aksidenteng nangyari nang bumisita siya sa isang orphanage sa Haiti.


Isang aksidente ang kinasangkutan ni Miss World Megan Young habang nagsasagawa ng charity event sa Port Au Prince, Haiti, noong Huwebes, October 31.

Ayon sa artikulong lumabas sa official website ng Miss World kahapon, November 4, isang orphanage ang binisita ni Megan, kasama si Miss World Chairman Julia Morley.

Nagkaklase sa ikalawang palapag ang may 78 na bata ng bahay-ampunan nang dumating sina Megan at Ms. Morley.

Pagkakita kay Megan, agad na lumapit sa kanya ang mga bata.

Dito na bumagsak ang kanilang kinatatayuang sahig.

Ayon sa ulat, “cuts and bruises” ang tinamo ni Megan.

Subalit lubhang nasugatan si Ms. Morley at isang estudyanteng nagngangalang Jonathan, nang bumagsak ang ikalawang palapag, na may taas na halos sampung talampakan.

Agad na isinugod sa ospital sina Ms. Morley at Jonathan, na parehong nagtamo ng matinding fracture.

Nagdesisyon ang doktor na tumingin kay Ms. Morley na ilipad siya sa Miami, Florida, upang sumailalim sa operasyon.

Kasalukuyang nasa Jackson Memorial Hospital sa Miami ang beauty-pageant organizer, pagkapatos sumailalim sa lima at kalahating oras na operasyon upang maibalik sa tamang ayos ang kanyang balakang.

Samantala, nakabalik na rin sa Amerika si Megan, na hanggang ngayon ay gulantang pa rin sa pangyayari.



“IT WAS SUCH A SHOCK.” Inilahad ni Megan ang mga pangyayari sa isang panayam sa kanya, na lumabas din sa Miss World website.

Aniya, “We went into the orphanage hoping for a good day.

“I was happy that day and the children we were with seemed so full of energy and joy.

“We get onto this second floor platform, and we aren’t even there for a minute and we hear a crack and everybody falls through.

“Nothing like that has really happened to me before. It was such a shock. I felt like a deer in the headlights.

“I didn’t really know what had happened or what to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We had all fallen down, but I was still on my feet.

“I had the crown in one hand and the other hand instinctively holding up one of the decks in place with two people.

“There were lots of kids under the decks still and we just instinctively held on.

“It was such a scary situation for me.

“It makes you realise there is so much more that should be done for these kids.

“It’s not the only orphanage out here in Port au Prince, and I am sure others are in a similar state.”

Umaasa rin si Megan sa mabilis na paggaling nina Ms. Morley at Jonathan.

Ani Megan, "We just hope that Julia recovers from it as quickly as possibly and dear Jonathan.

“My thoughts are with them at this time.

“It was a real eye opener and just shows how much work needs to be done in Haiti.

“I want to go back and continue with the work that we have started, and make sure nothing like this can happen again.”

Narito ang video clip ng nasabing aksidente, na kuha mismo ng Miss World:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN