Court dismisses grave threats case filed by Raymart Santiago and Claudine Barretto against Tulfo brothers

Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang kasong grave threats na isinampa ng estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto laban sa magkakapatid na Ben, Raffy, at Erwin Tulfo noong May 2012.


Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang kasong grave threats na isinampa ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto laban sa Tulfo brothers na sina Ben, Raffy, at Erwin.

Ayon sa ulat ng Aksyon Breaking ng TV5 ngayong araw, Nobyembre 5, ibinasura ng korte ang kaso dahil sa hindi pagsipot ng mag-asawa sa mga pagdinig simula nang maisampa nila ito noong May 2012.

Hindi tinukoy sa naturang ulat kung kailan lumabas ang desisyon ng QC RTC.

Nag-ugat ang pagsasampa nina Raymart at Claudine—na ngayon ay nagbabakbakan sa korte—ng kasong grave threats and serious oral defamation laban sa Tulfo brothers, nang diumano’y pagbantaan sila ng mga ito sa programang T3: Kapatid, Sagot Kita.

Matatandaang sa episode ng T3 noong May 7, 2012, nagpahayag ng saloobin sina Ben, Raffy, at Erwin tungkol sa napanood nilang video, kung saan pinagtulungan nina Claudine, Raymart, at ilan pang mga kasama, ang kuya nilang si Mon Tulfo, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, noong May 6, 2012.

(Read: Tulfo brothers Ben, Raffy and Erwin air their disgust over the beating of brother Mon by Raymart, Claudine and the latter’s friends)

Dahil dito, sinuspindi ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB), na pinamumunuan pa noon ni Grace Poe-Llamanzares, ang programang T3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN