PEP EXCLUSIVE. Raymart Santiago slowly moving on after failed marriage

Raymart Santiago on entering into a new relationship: “Kung papasok ako sa panibagong relasyon, kailangan sigurado ako. Sa ngayon, hindi ko pa kaya. Ang focus ko ngayon, sa mga anak ko.”


Unti-unti na raw nakakapag-move on si Raymart Santiago sa mga kontrobersiya kaugnay ng marital problems nila ng kanyang estranged wife na si Claudine Barretto.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Raymart, sa lobby ng GMA Studios noong Linggo, November 3, sinabi ng aktor na unti-unti na niyang natatanggap ang sitwasyon nila ni Claudine.

“Slowly, slowly, yes.

“Siyempre, kahit paano, nami-miss ko pa rin ang mga anak ko.

“Pero moving forward na tayo,” sabi ng 37-year-old actor.

Sa kasalukuyan ay nasa poder ni Claudine ang dalawang anak nila ni Raymart—sina Sabina at Santino—matapos aprubahan ng korte ang Temporary Protection Order (TPO) na inihain ng aktres laban sa aktor.

Ngunit naghain na ng habeas corpus si Raymart upang makuha ang kustodiya ng kanilang mga anak.



POSITIVE ASPECT OF A NEGATIVE SITUATION. Sa kabila ng masalimuot na kinahinatnan ng pagsasama nila ni Claudine, ano ang mga positibong aspeto na natutunan ni Raymart sa pangyayaring ito?

Sagot niya, “Well, siyempre, ang disadvantage ay yung nami-miss ko ang mga anak ko.

“Pero, at the same time, yung mga hindi ko nagagawa dati, nagagawa ko ngayon.

“Sa free time ko, ibinubuhos ko sa mga kapatid ko, sa mommy ko.

“Unlike dati, medyo kasama ko ang pamilya ko.

“Ngayon, ang time ko, sa mommy ko... lalo na hindi na siya bata.

“As much as possible, nagkikita-kita kami.”

Ang ina ni Raymart ay si Cielito Legaspi Santiago.

Ang kanya namang ama ay ang direktor na si Pablo Santiago, na yumao noong 1998, sa edad na 67, dahil sa kidney ailment.

Si Raymart ang bunso sa apat na magkakapatid na puro lalaki. Ang iba pa ay sina Randy, Rowell, at Reily Santiago.



PUBLIC SCANDAL. Kilalang tahimik si Raymart, at hangga’t maaari ay gusto niyang pribado ang kanyang personal na buhay.

Ngunit nabago ito nang magkaroon ng gulo sa pagsasama nila ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang pagkakataon ay naging bukas siya, at isiniwalat sa publiko ang hindi magagandang pangyayari noong nagsasama pa sila ng aktres.

Paliwanag ni Raymart tungkol sa pagbasag niya ng kanyang katahimikan, “Hindi, noong una naman talaga, as much as possible, hindi rin naman talaga ako nagsasalita sa mga nangyayari.

“Ngayong nangyari yun, matagal na ring isyu sa amin…

“Pero kailangan ko ring magsalita dahil masyado na akong nadidiin sa maraming ibinibintang sa akin, na kailangan ko na ring sagutin, di ba?

“At ipaglaban siyempre yung naniniwala akong katotohanan.”

Nakatulong ba ang mga pinagdadaanan niya sa kanyang pagiging aktor?

Ayon kay Raymart, “Sa tingin ko, kahit paano, sa pinagdaanan ko, mas marami tayong natutunan.

“Nagagamit din natin sa trabaho natin. Gaya nga ng sinasabi na hinuhugot mo pag kailangan.

“Nakatulong kahit paano, kumbaga, experience.”



PRIVATE RAYMART. Nakatulong ba sa kanya bilang isang tao ang pagiging open niya sa mga nangyari sa kanyang buhay?

Pahayag ng Villa Quintana star, “Marami ang nagsasabi nga na mas naging open ako.

“I’m taking it as a positive, na ibubuhos ko yung nasa loob ko.

“Dati kasi, kinikimkim ko lahat.

“Pero mas gusto ko na rin kahit paano na meron pa ring konting privacy sa buhay.

“Kumbaga, medyo na-loosen up.”

Tuluy-tuloy na ba ang pagiging bukas niya tungkol sa kanyang personal life? O babalik siya uli sa pagiging masikreto o pribado?

Sabi ni Raymart, “Sa akin, kung kailangan lang naman, di ba?

“Yung mga kailangan lang malaman ng mga tao. Yun lang naman.

“Pero yung mga personal sa buhay ko, as much as possible, sana private rin.

“Kung kailangan, di lang naman sa trabaho, bakit hindi?

“Kung hindi rin naman makakatulong sa trabaho namin, bakit pa?

“Gusto ko ring pangalagaan ang privacy namin.”



FALLING IN LOVE AGAIN. Kailan naman kaya niya bubuksang muli ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, hindi ko pa alam!” napangiting sabi ni Raymart.

“Parang iniisip ko pa yung mga anak ko. Yun muna.

“Ayoko munang mag-isip-isip ng mga ganung bagay.”

Kung sakali ba, ayaw niya na ng taga-showbiz?

“Hindi ko rin masabi kung kanino ako mahuhulog or anuman.

“Pero sa ngayon, wala pa sa isip ko ‘yan.”

Nagkaroon ba siya ng trauma sa pakikipagrelasyon?

Sagot ni Raymart, “Hindi mo naman sasabihing… magiging ipokrito ako kung hindi.

“Oo, naapektuhan ako.

“At hindi mo naman matatanggal yun. Maiku-compare mo, di ba?

“Pero meron namang magandang kahihinatnan ito.”

Paano kung sa susunod niyang relasyon ay pilit pa ring bumabalik ang kanyang nakaraan, at posibleng maapektuhan ang sinumang mamahalin niya?

“E, kung ganun, hindi ka pa ready nun,” sabi ng aktor.

“So, kung pipilitin ko ang sarili ko, baka maging ganun.

“It’s very unfair para sa kung sinuman yun.

“Kung papasok ako sa panibagong relasyon, kailangan sigurado ako.

“Sa ngayon, hindi ko pa kaya.

“Ang focus ko ngayon, sa mga anak ko.”



CHRISTMAS WITH HIS FAMILY. Paano niya ipagdiriwang ang nalalapit na Kapaskuhan, lalo na’t hindi na sila magkasama ni Claudine at ng kanyang mga anak?

Ayon kay Raymart, “Sa ngayon talaga, ang masasabi ko, sigurado kong makakasama ang immediate family ko—yung mommy ko, si Rowell, si Randy, yung mga pamangkin ko…

“Pero hindi ko pa alam yung itatakbo ng kaso, kung saan ang schedules ng mga bata.”

Paano niya maibibigay ang regalo sa kanyang mga anak?

“Alam mo, I’ll cross the bridge when I get there.

“Medyo kahit paano, medyo matagal-tagal. Tuluy-tuloy pa rin ang hearing tungkol diyan.

“Sana mapagbigyan tayo,” asam ni Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN