Paulo Avelino does not want to assume where he stands with KC Concepcion

Paulo Avelino on courting KC Concepcion: “Like what I’ve said in the interview, we’re dating. Dating with me is having dinner, talking… nothing more than that.”


Iniwasan ni Paulo Avelino na magbigay ng komento tungkol sa pahayag ni KC Concepcion na nagdi-date nga sila pero hindi pa malalim ang pagtingin nila sa isa’t isa.

Read: KC Concepcion confirms that she and Paulo Avelino are dating, but not exclusively

Alangan pa ang aktor na magpainterbyu, ngunit sa huli ay pumayag itong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, sa ginanap na premiere ng Status It’s Complicated kagabi, November 5.

Mailap ang sagot ni Paulo nang hingan siya ng reaksiyon kaugnay ng Twitter post ni KC, na nagsabing ini-enjoy muna nila ang bawat pagkakataong magkasama sila.

“Talaga? Hindi ko alam ‘yan. Hanapin ko muna. Saka ako magko-comment,” mailap na sagot ng Kapamilya actor, lalo pa’t iba-iba ang reaksiyon ng publiko tungkol sa pagkakamabutihan nila ni KC.

Matapos linawin ni KC na hindi pa sila eksklusibong nagdi-date ni Paulo, may ibang netizens ang nagsasabing nagmukhang “assuming” ang aktor sa ginawa niyang pag-amin sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, November 3.

Read: Paulo Avelino confirms dating KC Concepcion

Pero ayon kay Paulo, wala siyang intensiyon na palabasing malalim na ang pagkakamabutihan nila ni KC.

Sa ngayon, kinikilala pa raw nila ang isa’t isa.

Pahayag pa ng aktor, “Like what I’ve said in the interview, we’re dating.

"Dating with me is having dinner, talking… nothing more than that.”

Sa kabilang banda, marami rin ang natuwa na makitang mas nagiging open na si Paulo pagdating sa kanyang pribadong buhay.

Ngunit ayon sa aktor, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumportable na pinag-uusapan ang kanyang lovelife.

Sabi niya, “Well, sana last na yun [sa Buzz Ng Bayan].

“Siguro, yung mga sinabi ko lately contradicts what I’ve been saying.

“I really would want to keep a private life, a very quiet and peaceful life."



MEGASTAR’S APPROVAL. Ipinarating ng PEP kay Paulo na alam ng ina ni KC, si Megastar Sharon Cuneta, ang tungkol sa paglabas-labas nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At base sa panayam sa Megastar kamakailan, sinabi niyang susuportahan niya kung sino man ang mapupusuan ng kanyang anak.

Ano ang masasabi ni Paulo na mukhang pasado siya kay Sharon bilang manliligaw ni KC?

Ayon sa Honesto actor, masyado pang maaga para isipin niya ang bagay na ito dahil, kung tutuusin, hindi pa siya sigurado kung ano ang lagay niya sa puso ni KC.

“Of course, kung happy naman si KC, kahit naman siguro sinong nanay, kung nakikita sigurong masaya yung anak niya, siyempre magiging happy siya.

“But I am not really sure if it’s just me na nagpapasaya sa kanya.

“Pero, I’m sure there are a lot of things na nagpapasaya kay KC,” maingat na saad ni Paulo.



FIRST COMEDY FILM. Samantala, naiiba ang ginampanang karakter ni Paulo sa pelikulang Status: It’s Complicated.

Taliwas sa madalas na nakikitang heavy drama roles ni Paulo sa telebisyon, panay kulitan at pagdiskarte sa babae ang aatupagin niya sa kanyang pinakabagong pelikula.

“I started out as a geek. And it’s different playing a geek because it’s also the first time that I’m doing a comedy film.

“It’s also my first time working with Direk Chris Martinez and Ate Uge [Eugene Domingo]. It’s a different experience.

“Talking about my character, ibang-iba rin ang pag-transform ng character ko rito,” saad niya.

Mas nag-enjoy rin daw siya sa pag-arte bilang isang geek na may good-boy image, kaysa isang chickboy.

“Yung geek ang mas na-enjoy akong gawin, siguro dahil mas malapit sa personalidad ko.”

Love interest ni Paulo sina Solenn Heussaff at Eugene Domingo sa Status: It’s Complicated, na palabas na sa sinehan simula ngayong araw, November 6.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN