Alex Gonzaga admits to entertaining showbiz and non-showbiz suitors

Alex Gonzaga on her traumatic earthquake experience: “Ako yung pinaka-calm noong panahon na yun… Parang may feeling ako na hindi ako doon mamamatay. Parang kalmado ako, although nakakalungkot.”


Kilalang mahigpit ang mga magulang ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga pagdating sa pagkakaroon nila ng karelasyon, kaya naitanong ng PEP kay Alex kung na-in love na siya sa lalaking malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Sabi ng 25-year-old actress-TV host, “So far, wala namang nanliligaw sa aking matanda.

“Kasi, tingin nila sa akin, mukhang bata—mga eighteen, seventeen years old—so natatakot din siguro sila.

“Wala, e. Gusto ko ngang magkaroon ng indecent proposal sa akin, pero wala, e. Wala talaga.

“Hindi nila nakikita sa akin ang ganoong pananaw... okey lang naman yun!" natatawang biro niya.

Patuloy ni Alex, “Pero sa akin naman, basta pabor sa nanay, tatay ko, okey sa akin…

"So far, wala.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa taping ng ABS-CBN gag show na Banana Split last week.


SUITORS. Sa huling panayam ng PEP kay Alex, nabanggit niyang may non-showbiz na umaaligid o nanliligaw sa kanya. Kumusta na sila nito?

“Okey lang naman.

“So far kasi, ayoko na muna ng relationship.

"Parang feeling ko, hindi pa ako ready.

“Sabi nga ng ate ko, immature ako.

"Pero sa akin, I’m entertaining a suitor, but there’s no commitment, yun.”

Kilala na ba ng parents niya ang kanyang non-showbiz suitor?

Sabi ni Alex, “May idea sila, pero hindi pa nila nakikita.

“Kilala na ng ate ko, pero hindi ko pa rin ano… kasi, iba rin kami ng ano…

“Iba kami ng mundo since non-showbiz siya.

"Pero as of now, okay naman.”

Ang Star Magic talent na si Arjo Atayde ay open din daw sa pagsasabing may crush sa kanya.

Reaksiyon ni Alex dito, “Okey naman si Arjo, pero hindi naman kasi nanliligaw si Arjo, like, pumunta sa bahay… wala namang ganoon.”

Paano kung umakyat ito ng ligaw sa kanya?

“Sasagutin ko na lang kapag nanligaw siya. Hindi pa naman siya nanliligaw talaga!” natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TRAUMATIC EXPERIENCE. Mas naging memorable ang pagdiriwang ng Banana Split ng kanilang 5th anniversary dahil sa Bohol dapat ang kanilang taping.

Pero ilang oras lamang pagdating ng cast at crew doon ay niyanig ng napakalakas na lindol ang lalawigan ng Bohol.

Kuwento ni Alex, “Ako yung pinaka-calm noong panahon na yun.

“Parang siguro, during those time na lahat ng natutunan ko, simula noong bata ako, sa faith natin sa Methodist, parang doon nag-sink in.

“Parang may feeling ako na hindi ako doon mamamatay, parang kalmado ako, although nakakalungkot.

“Maraming namatay, maraming nasaktan, pero parang alam mo yung nandoon pa rin ang presence of mind, calmness…

“At saka yung faith mo, na alam mo lahat ng ito ay may dahilan kung bakit nangyayari, at alam mo na may purpose kung bakit nangyayari yun.”

Bilang siya ang kalmado sa lahat, ano ang ginawa o sinabi niya sa mga kasamahan na nag-panic?

Saad ni Alex, “During that time, noong nagpa-panic na lahat, kung paano sila mag-calm na alam kong pupuwede…

“Sinasabi ko sa kanila na, ‘You are saved by the Grace of God. You are saved and protected by Jesus Christ.’ So, yun.

“Tapos, sinabi ni Mama Bear [Cynthia de Jesus] na mag-pray muna raw ako habang hindi pa namin nakikita lahat ng aming kasamahan.

“So, yun lang ang alam mo.

"Kasi, parang hindi mo naman puwedeng sabihin na ’okey lang ‘yan,’ dahil alam mong hindi okey, nagpa-panic sila.

“So, parang yun lang ang alam mo na effective way para mag-calm sila.”


MOST WELCOME. Samantala, masaya si Alex na nakasama siya sa grupo nina Angelica Panganiban, Pooh, John Prats, Jason Gainza, at Zanjoe Marudo.

Aniya, “Yun nga ang sinasabi ko, na sobrang saya ko, kasi from day one na pagpasok ko rito sa Banana, kinakabahan talaga ako.

“Pinagsabihan pa ako ng ate ko na, ‘Since ‘yang Banana, matagal na ‘yang show na ‘yan, five years, siyempre barkada na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Huwag kang pagpasok mo riyan, feeling close ka sa kanila.

"’Hayaan mo na sila yung magyaya sa ‘yo. Huwag kang mag-feeling close sa kanila.’

“Di ba, nakakainis naman talaga yun, na kapag sa isang barkada, may nagpi-feeling close na bago lang?

“So, noong unang day pa lang na pumasok ako sa taping, si Melai [Cantiveros], winelcome ako.

“Pinakilala niya ako kay Angelica. Si Angelica, very warm na agad sa akin, very welcoming.

“Although, kilala nila kasi ang kapatid ko, pero everyone talaga, hindi nila pinaramdam sa akin na, ‘O, bago ka. OP [out of place] ka sa amin, kasi may inside jokes kami.’

“Walang ganoon, wala talagang ganoon.

"Pati yung mga dati nilang ginawa, ikukuwento nila sa ‘yo na parang kasama ka na doon.

“Hindi mo naramdaman na hindi ka kasama sa five years ng journey ng Banana Split, feel na feel mo na kasama ako doon.

“Sobrang close na namin kahit ilang months pa lang kaming magkasama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN