Cristine Reyes does not regret short-lived relationship with Derek Ramsay

“Hindi kami manghihinayang kasi forever kaming magkaibigan,” says Cristine Reyes about her short-lived relationship with Derek Ramsay. Despite their breakup, the former couple say they remain friends.


“Back to normal” ang pagiging magkaibigan nina Cristine Reyes at Derek Ramsay matapos ng kanilang one-month romantic relationship.

Pinatunayan ni Cristine na hindi nasira ang pagiging magkaibigan nila ni Derek, sa kabila ng paghihiwalay nila bilang magkasintahan, sa press conference ng pelikula niyang When The Love is Gone kagabi, November 6.

“Masaya ako na back to normal kami.

"Ganun naman talaga kami ni Derek e, ever since.

“After namin na magkatrabaho sa No Other Woman, naging magkaibigan kami, wala namang nabago,” sabi ng nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Sinegundahan niya rin ang naunang pahayag ni Derek na nagkaroon sila ng pagkakataong mag-bonding nang magpunta sila sa Hawaii kamakailan para sa ilang shows.

Kuwento ng 24-year-old actress, “Sa Hawaii, nagkaroon kami ng bonding time.

"Magkasama kami doon halos… hindi naman buong trip. After ng show, nag-bonding na kami.

(Read: Derek Ramsay denies reconciliation with Cristine Reyes; says they’re better off as friends)

REASON OF BREAKUP. Dahil naging mabilis ang kanilang relasyon, marami ang nagtataka kung ano ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Cristine at Derek.

Bago sagutin ito, tinanong muna ni Cristine ang press: “Ano ba ang sinabi niya?”

Nang sabihin sa kanya na walang direktang binanggit si Derek na dahilan ng kanilang hiwalayan, sumagot si Cristine: “Wala rin po akong sasabihin.”

Agad naman niyang paliwanag, “Kasi, wala rin naman po talagang dahilan na major.

“Walang third party, walang hulihan, na tulad ng nasusulat ng iba.

“Kasi, kung may ganung eksena, magiging magkaibigan ba kami?”

Nabanggit din ng aktres na napagdesisyunan nila ni Derek na ituon muna ang kanilang atensiyon sa kani-kanilang showbiz career.

“Siguro, ‘yon nga po, nandito kami o nandito ako sa point na parang kailangan ko muna i-grab yung opportunities kung ano ang meron kami ngayon.

“And siya rin, pareho naman kami na parang ayaw din naman namin masyadong magtagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, gaya ngayon, while the iron is hot, di ba, i-grab na muna namin.”



NO REGRETS. Bagamat panandalian lamang ang naging relasyon nila, sinabi ni Cristine na hindi sila nanghihinayang sa pangyayari.

“Wala kaming regrets, wala naman. Kasi, at least, di ba, trinay namin?

“Kasi, alam mo yung lahat na lang ng tao pine-pressure kami na, ‘O, ba’t di na lang kayo? Ba’t di na lang kayo?’

“Parang, ’Magkaibigan nga kami... magkaibigan nga kami.’

“Yung mga tao, parang ayaw nila maniwala na magkaibigan kami.

“Trinay namin, o tingnan ninyo kung ano ang nangyari?

"Magkaibigan talaga kasi kami.”

Gayunman, tiniyak ni Cristine na kahit sinubukan nila ni Derek ang magkaroon ng relasyon higit pa sa magkaibigan, “mayroon pa ring tension, mayroon pa ring attraction” nang mangyari ito.

Hindi rin umano nila pinanghihinayangan ang “forever” na inihayag nilang dalawa nang maging opisyal silang magkasintahan.

Katuwiran ni Cristine, “Hindi kami manghihinayang kasi forever kaming magkaibigan.”



CLEARING YNNA’S NAME. Nang lumabas ang balita tungkol sa breakup nina Derek at Cristine, iba’t ibang posibleng dahilan ang lumabas.

Kabilang na rito ang pagkaka-link ni Derek sa dalagang anak ni Nadia Montenegro na si Ynna Asistio, ex-girlfriend ng Kapuso star na si Mark Herras.

Agad namang nilinaw ni Cristine na walang kinalaman si Ynna sa paghihiwalay nila ni Derek.

Aniya, “Kaklaruhin ko, kasi si Ynna Asistio, malapit ako sa kanya, malapit ako sa family niya.

“Although hindi ko sila madalas makausap, masasabi ko na close ako sa kanila, kasi pumupunta sila sa bahay ko, pumupunta ako sa bahay nila.

“Malapit din si Derek sa pamilya nila at kay Ynna.

“Hindi po siya ang dahilan, hindi po siya third party.

“Kawawa naman po si Ynna.

"Ngayon ko lang siya klinaro kasi ngayon lang ako magpapa-interview.”

Tila hindi rin nagpapaapekto si Cristine kahit ano pa ang intrigang lumabas tungkol sa paghihiwalay ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sabi niya, "Ako, sobrang respeto ko kay Derek, na alam kong hindi niya ‘yon magagawa sa akin.



"Kahit ano man ang marinig ko, mabasa ko, hindi ako maniniwala kasi kilala ko si Derek."



HAPPY BEING SINGLE. Sa ngayon, sabi ni Cristine, nae-enjoy niya ang pagiging single.

Paliwanag niya, “Masarap kasi na sa ’yo ang lahat ng time mo, e.

“Dati, parang gusto ko ang may boyfriend.

“Pero ngayon kasi, nagagawa ko ang lahat ng gusto ko. Wala kang iniintindi, sarili mo lang, priorities mo in life."

Halos ganito rin ang naging sagot niya nang tanungin kung sino sa kanyang mga naging ex-boyfriend ang gusto niyang balikan.

Matatandaan na bukod kay Derek, naging boyfriend din ni Cristine sina Dennis Trillo at Rayver Cruz.

Nakangiting sabi ni Cristine, “Try muna natin yung single muna?

“Kung may babalikan man, mag-effort muna.

“Kung sino yung mag-effort, e, di tingnan natin, kung sino yung matira ang matibay.

“Napag-usapan nga namin ito ng sister ko [Ara Mina], alam niya rin na hindi ko pa talaga priority [ang relasyon].”

Nang tanungin naman kung may posibilidad na magkabalikan sila ni Derek, sabi ni Cristine, “As of now siguro, ayaw kong magsalita ng tapos, ayaw kong sabihin na wala na talaga o hindi na talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN