PEPtalk. Ruru Madrid talks about his "ultra" Kapamilya crush

After a spooky #DormitoryoonPEPtalk part 1, the next PEPtalk episode has Enzo Pineda, Joyce Ching, and Ruru Madrid talking about their love life, showbiz crushes, and current relationship status.


Sa unang bahagi ng #DormitoryoonPEPtalk ay nagkuwento sina Enzo Pineda, Ruru Madrid, at Joyce Ching tungkol sa mga nakakatakot nilang karanasan sa set ng horror-drama series na Dormitoryo.

Ngayon, sa pangalawang bahagi ng PEPtalk, matinding bukingan naman ang nangyari sa mga Kapuso talents.

Matapos ang takutan ay nadako ang usapan ng tatlo sa kiligan, kasama pa rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) associate editor na si Rommel Llanes.

Unang na-hot seat ang nag-iisang babae sa grupo, si Joyce, na agad kinamusta ni Rommel tungkol sa kaniyang buhay pag-ibig.

Umiwas man sumagot si Joyce nang diretsahan ay hindi pa rin ito nakaiwas sa pang-aasar nina Ruru at Enzo.

Nagsimulang humirit ng ilang clues ang dalawa hanggang mabanggit ang sinasabing ex-boyfriend ni Joyce.

Kaninong pangalan kaya ang binanggit nina Enzo at Ruru?

Natanong din ni Rommel kay Joyce kung paano kung si Ruru ang magparamdam sa kanya. May pag-asa ba?

Wala mang malinaw na sagot ang aktres ay kitang-kita namang mataas ang pagtingin niya rito.

Aniya, “Ruru Madrid po ‘yan! Ang masasabi ko lang, Ruru Madrid ‘yan.”

Hindi naman nakatakas si Ruru sa bukingan dahil inilaglag siya nina Joyce at Enzo. Dahil nga sa bukingang naganap ay nabanggit ang showbiz crush ni Ruru—na isang Kapamilya!

Ang description ni Ruru sa kanyang crush, “Di naman super… ultra!”

Sino kaya itong ultra crush niya?

Ang mapang-asar na si Enzo ay wala ring kawala sa bukingan, lalo na’t diretsang kinumusta ni Rommel ang status ng relationship niya sa kapwa Kapuso na si Louise Delos Reyes.

Talaga nga bang love is sweeter the second time around para sa kanila ni Louise?

Sagot ni Enzo, “Ayos lang! Okay naman, alam naman nating special si Louise sa akin.”

Alamin ang lagay ng puso ni Joyce Ching, kilalanin ang kapamilya crush ni Ruru, at tunghayan ang latest updates sa relasyon nina Enzo at Louise sa #DormitoryoonPEPtalk!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN