Joyce Ching uncertain about status of relationship with Kristoffer Martin: “Basta gitna lang—magulo.”

Joyce Ching affirms her support for boyfriend Kristoffer Martin: “Happy ako kasi gusto niya yun, e... gusto niyang mag-primetime. Basta po support kami sa isa’t isa lang.”


Sa magkahiwalay na panayam sa magkasintahang Joyce Ching at Kristoffer Martin, iisa ang sagot nila tungkol sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon.

Ito ay: “Basta po magulo po kami ngayon.”

Kumpirma naman ni Joyce sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon lang, November 7:

“Magulo po. May mga hindi pinagkakaintindihan, pero okey naman kami.”

Ano ang mga hindi nila pagkakaintindihan?

“Personal po,” maingat na banggit ni Joyce.

Kanino ba nag-ugat ang gulo, kay Joyce o kay Kristoffer?

“Kami pong dalawa talaga,” natatawang sagot ni Joyce. “Medyo magulo po kaming parehas.”

Kailan ba sila huling nagkita?

“Noong Sunday po, reunion ng Tweens. Nag-hotel po kami para sa birthday ni Bea [Binene].

“Hindi po siya nag-stay nang matagal kasi may taping siya kinabukasan. Tapos yung iba, kami, overnight.”

Baka umiwas sa kanya si Kristoffer kaya hindi nag-stay?

“Hindi po, e, kung umiiwas po siya, e, di sana hindi na siya nagpunta, di ba?”

Nakapag-usap naman daw sila, pero walang personal kundi puro tungkol lang sa mga Tween stars.

“E, siyempre po, reunion yun ng Tweens, so wala kaming kiyeme at wala kaming karapatan na mag-usap ng tungkol sa…”

Ayon pa rin kay Joyce, tuloy naman ang komunikasyon nila ni Kristoffer sa pamamagitan ng text messages, bagamat hindi na ito kasing dalas nang dati.

Aniya, “Hindi po kami masyadong madalas magka-text ngayon, pero nagte-text naman po kami.”

Sinubukan ba nilang ayusin kung anuman ang gulo nila?

“Tina-try naman po, pero ayaw din naming pilitin yung mga bagay-bagay kasi baka mas lalo pang lumala.”

At sa tanong kung hindi pa sila break…

“Magulo po, basta po magulo,” at tumawa muli si Joyce.

COOL-OFF OR BREAK-UP? Sa consistent na sagot ni Joyce na “magulo,” hindi maiwasang tanungin ng PEP kung cool-off ba muna sila ni Kristoffer.

Tugon niya, “Hindi ko rin po alam, basta po magulo po kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan mas malapit ang sitwasyon nila, sa break-up o sa cool-off?

“Basta po gitna lang—magulo po.”

Wala na bang chance na magkaaayos sila?

“Hindi ko po alam, ayoko rin pong magsalita nang tapos kasi baka mamaya, kainin ko lang.”

Nagka-clash ba ang mga ideas at ugali nila ni Kristoffer?

“Baka ganoon na rin po siguro. Basta marami po kaming pinagdi-disagree-han na mga bagay-bagay.

Ulit na naman ni Joyce, “Basta po magulo po kami.”

Nagkakasawaan na ba sila?

“Hindi naman po siya sawa siguro, magulo lang talaga.”

Dalawang taon at walong buwan na ang relasyon nila Joyce at Kristoffer.

At sa loob ng panahong iyan ay ni minsan daw hindi sila umabot sa puntong nagsigawan sila o nagpalitan ng masasakit na mga salita.

Pagkumpirma ni Joyce, “Kalmado po kami.”



IN TEARS. Inamin din ni Joyce na may puntong iniyakan niya ang “gulo” nila ni Kristoffer.

Pero hindi raw niya ginawa iyon sa harap ni Kristoffer. Mag-isa lang daw siya.

Si Kristoffer ba ay umiyak na rin?

“Baka po,” at tumawa si Joyce. “Hindi ko po alam sa kanya.”

May mga bagay bang hindi niya nasasabi kay Kristoffer kapag kaharap niya ito?

“Wala naman po, nasasabi ko naman sa kanya lahat.

“Iyon din naman po yung maganda sa amin.

“Kasi kapag meron kaming saloobin, kapag meron kaming kung anuman na iniisip na ikinaba-bother namin, nasasabi talaga namin sa isa’t isa nang diretso.”

Hindi ba nag-aalala si Joyce na maaaring malungkot ang kanilang Pasko?

“Okay lang po, marami naman pong bagay na puwedeng ikasaya.”

Maaayos ba naman sila bago mag-Pasko?

“Sana po,” asam naman ni Joyce.

JULIE ANN SAN JOSE. Wala raw third party na sangkot sa kanilang “gulo,” at wala ring kinalaman si Julie Ann San Jose sa isyu nila.

Sina Kristoffer at Julie Anne ang magkapareha sa GMA drama series na Kahit Nasaan Ka Man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nag-iisip na baka nagseselos siya kay Julie Anne.

Giit ni Joyce, “Hindi po.”

Masaya nga raw si Joyce sa tambalan nina Kristoffer at Julie Anne.

“Happy ako kasi gusto niya yun, e... Gusto niyang mag-primetime.

“Tapos, gusto niya rin na kumakanta siya, ganyan. Tapos at the same time, madrama talaga yung mga eksena.

“Yung character niya, kumbaga, nalalabas niya talaga kung anong meron siya.

“Basta po support kami sa isa’t isa lang.”



KONTRABIDA SA DORMITORYO. Sa taping ng Dormitoryo kahapon ay nagkuwento si Joyce tungkol sa magandang ratings ng kaniyang serye.

Saad niya, “Masaya po, natutuwa po ako kasi yung script namin, naaalagaan talaga, nababantayan.

“Kumbaga, every week talagang pataas ng pataas yung mga revelation...

“Yung mga mystery, yung secrets ng mga tao, yung personality ng bawat character.

“Kumbaga pataas, hindi siya yung lumalaylay.”

Kontrabida si Joyce sa naturang Sunday afternoon show ng GMA Network. Pang-ilan na niya itong role na salbahe siya?

“Pang-marami na po,” ang natatawang sagot ni Joyce.

Hindi daw siya nagre-request pa sa GMA na pabaitin naman siya sa harap ng kamera kahit gusto sana niyang maranasan ang ganoong role.

“Minsan din po, napapaisip din ako na sana magkaroon naman ako ng character na mabait.

“Para naman makita din nila na hindi lang naman puro pagtataray yung kaya kong gawin.

“Pero at the same time, maganda rin naman din po yung ganito na kontrabida.

“Kasi feeling ko, mas matagal ang buhay kapag ganoon,” at natawa si Joyce.


Baka ma-typecast na siya sa kontrabida roles?

Pagsang-ayon niya, “Iyon lang po yung ayoko at yung wino-worry ko kasi iyon nga...

“Dahil puro sunud-sunod na kontrabida, baka ma-typecast na ako as kontrabida, pero sana po, huwag naman."

Asam niya, “Sana, soon, meron namang hindi masyadong masama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN