Senator Juan Ponce Enrile hits Senator Miriam Santiago for turning investigation into "parody of justice"

Senator Juan Ponce Enrile makes a dig at Senator Miriam Defensor Santiago’s line of questioning of Janet Lim Napoles during the Senate Blue Ribbon Committee hearing earlier today: "But for some very members of the committee to use the blue ribbon hearing to make wild-eyed charges, baseless assumptions, and false accusations…converted the investigation into a parody of justice."


Pinanindigan ni Senator Juan Ponce Enrile na inosente siya, sa kabila ng pagkakasangkot niya sa diumano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Inudyokan din ng 89-taong-gulang na senador ang businesswoman na si Janet Napoles na sabihin kung anuman ang nalalaman nito hinggil sa isyu.

Si Napoles ang itinuturong utak sa pagbuo ng dalawampung bogus non-government organizations (NGO), na nakakuha ng P10 bilyong piso mula sa PDAF ng mga sangkot na mambabatas.

Naniniwala si Senator Enrile na tuluyan siyang makakawala sa pandidiin sa kanya sa pork-barrel scam dahil nasa panig raw siya ng katotohanan.

Saad ni Senator Enrile sa ulat ng GMA News ngayong araw, November 7: “To this end, I urge Mrs. Napoles to reveal the whole truth no matter who is hurt, as only the truth will set me free.”

Bagamat tumanggi siyang makilahok sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, muling iginiit ni Senator Enrile na sang-ayon siya sa ginawang pagdalo ni Napoles sa pagdinig ng kaso ukol sa pork-barrel scam.

Ayaw daw niyang manahimik lang sa gitna ng pambabatikos sa kanya, dahil baka magmistulang siya ay may sala.

Aniya, “I feel compelled to issue a statement on today’s Senate hearing lest my silence in the face of the most outrageous allegations will be construed against me.

“I support any investigation that seeks to uncover the truth about this PDAF scam.”


FALSE ACCUSATIONS. Kasabay nito ay pinatutsadahan din ni Senator Enrile ang ilang kapwa-senador na ginawang katatawanan daw ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee laban kay Napoles.

Imbis na mag-focus daw sa pagkuha ng facts ay napaghahalataang may kinikilangan umano ang ilan sa mga senador.

“But for some very members of the committee to use the blue ribbon hearing to make wild-eyed charges, baseless assumptions, and false accusations…converted the investigation into a parody of justice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They should lead the facts to a just conclusion instead of corralling their own predilections into a pre-ordained conclusion.”

Hindi pinangalanan ni Senator Enrile kung sino sa mga kasamahan niya sa Senado ang kanyang pinariringgan.


MOST GUILTY. Ngunit hindi kaila sa publiko ang ginawang direktang pagtatanong ni Senator Miriam Defensor kay Napoles, kung saan sinabi ng senadora na naniniwala siyang ang pinaka-maysala sa pork-barrel scam ay si Senator Enrile.

“Hindi ko alam,” ang maiksing sagot ni Napoles.

“Ows? Hindi mo alam? Ako, alam ko e. Dahil napakalawak ng sakop niya e, empire niya, e.”

Pilit na piniga ni Senator Santiago si Napoles habang matigas ang pagtanggi nitong magbigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa scam.

Dagdag pa ni Senator Miriam, mas mabuting ibunyag na ni Napoles ang lahat ng kanyang nalalaman, upang wala nang motibo ang mga sangkot na mambatatas na ipapatay siya.

Paliwanag ng senadora, “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para hindi ka nila ipapatay.

“Kung hindi ka pa nagsasalita, sinasabi mo, ‘I invoke my right to self-incrimination,’ baka bandang huli, down the road, magpalit ang isip mo at magdaldal ka lahat. O, e, di panganib sila.

“Pero kung sabihin mo na ngayon, wala na silang motibo para ipapatay [ka], kasi nandiyan na ang testimony mo.”

Bukod kay Enrile, nadadawit din sa diumano’y pork-barrel scam sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Ngunit tanging si Senator Enrile ang direktang pinuntirya ni Senator Miriam sa naturang imbestigasyon.

Sabi pa ni Senator Santiago, “Kung si Enrile ang most guilty, sabihin mo na para hindi ka ipapatay. Wag mo i-underestimate si Enrile. May asim pa si Tanda."

Sa kasalukuyan, ang tatlong nabanggit na mambabatas ay nahaharap sa kasong plunder, malversation, at graft, na isinampa ng Department of Justice at National Bureau of Investigation sa Office of The Ombudsman, noong September 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kadahilanang tumanggap diumano ng kickback sina Senator Revilla (P224,512,500), Senator Enrile (P172,834,500), at Senator Estrada (P183,793,750).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN