Lauren Young says sister Megan’s accident in Haiti is an "eye-opener"

Dahil nanalo bilang Miss World ang ate niyang si Megan Young (kaliwa), marami ang humihikayat kay Lauren Young (kanan) na sumali na rin sa isang beauty pageant. Pagtanggi ni Lauren, "Siguro that’s why Megan succeeded sa ginawa niya, kasi gusto niya talaga at saka nasa puso niya talaga, so she worked hard. E, ako, it’s not in my heart."


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Lauren Young sa kinasangkutang aksidente ng kapatid niyang si Miss World Megan Young, sa Haiti, noong October 31.

Matatandaang bumisita si Megan sa isang orphanage sa Port Au Prince, Haiti, kasama si Miss World Chairman Julia Morley, nang biglang bumagsak ang kinatatayuan nilang sahig.

Bukod kina Megan at Julia, may kasama pa silang 78 na bata mula sa bahay-ampunan nang mangyari ang aksidente.

Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat at galos si Megan, samantalang si Julia ay kinailangang sumailalim sa operasyon dahil may nabaling buto sa kanya.

(Read: Miss World Megan Young sustains minor injury in accident in Haiti)

Nakausap ng PEP si Lauren sa taping ng GMA weekly drama series na Dormitoryo kahapon, November 7, sa Divine Word Seminary, Tagaytay City.

Pahayag ng young actress sa kinasangkutang aksidente ng ate niya, “Kasi, nung nangyari yun, before lumabas sa news, she called me, she told the whole family what happened.

"Pero sabi niya naman na, at least, walang nangyari sa kanya.

"And kawawa lang, kasi I heard there was a kid, and also si Miss Julia, inoperahan.

"So, parang it’s just sad ’coz, like, parang it’s like an eye-opener na yung mga bagay na ganito, nangyayari.

"Like, alam mo yung, parang, since it’s not a stable place, tapos parang bigla na lang malalaglag.

“So, you’ll see what it’s like out there, na parang people really have it bad not just, maybe...

"I doubt it’s only in that place, siguro sa iba pang bansa, mas malala pa, di ba?

“So, parang, you know, we see na parang yung mga ganitong nangyayari. And sana, di ba, may matutunan yung mga tao na, you know, it’s really time na, not just si Megan, yung mag-reach out.

"But, for all of us to at least, alam mo yun, contribute something naman para hindi na mangyari yung mga ganitong bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISSING MEGAN. Nami-miss na ba ng kanilang pamilya si Megan?

Sa loob ng isang taong reign ni Megan bilang Miss World ay sa London at sa Amerika muna ito maninirahan.



Ayon naman kay Lauren, na nagdiriwang ng kanyang 20th birthday ngayong araw, November 8, “Pero pabalik-balik naman po siya, so I think pagka nasa Asia siya, may chance siyang umuwi.

"Christmas, we’ll be together. I think so, but nothing’s sure.

“We hope na uuwi siya, iyon yung plano.

"Pero hindi pa talaga namin alam kung ano’ng mangyayari, pero sana, di ba, makauwi naman siya.

“And I think my family and I are also planning to visit her, maybe in the States or in London.

"Ako, gusto ko, kasi gusto kong pumunta ng London!" natawang sabi ni Lauren.

Dagdag niya, “Pero, you know, parang just to see, parang what it’s like for Megan, kung ano naman yung nararanasan niya din out there.

"At saka siyempre, I know it’s very lonely for her.

"Kasi siyempre, even though may mga kasama siya, she’s still not with her family, she’s not with her friends.

"She’s still very alone there.

“And ano lang, okay lang naman siguro na, minsan, nami-miss ko siya.

"Pero medyo sanay na rin po ako, kasi one year na rin po ako na mag-isang nakatira sa bahay.

"Like, I live alone, so I’m used to not seeing my family naman all the time.

“Tsaka yung schedules din namin ni Megan [before], as in laging... kung siya M-W-F, ako T-Th-S.

"So, hindi talaga kami nagkikita a lot of times before, maybe once a week or once every few weeks.

"So, okay naman, medyo sanay naman po ako.”

NO TO BEAUTY PAGEANTS. Dahil Miss World na ang kapatid niya, mas lalong maraming humihikayat kay Lauren na sumali rin sa isang beauty pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapuso young actress tungkol dito, “Yung mga tao, nagtatanong, pero siyempre, ayun, hindi ko po talaga hilig.

"Siguro that’s why Megan succeeded sa ginawa niya, kasi gusto niya talaga at saka nasa puso niya talaga, so she worked hard.

“E, ako, it’s not in my heart.

"So, you know, parang kung hindi ako passionate about something, baka you know, I will let myself down. I will let the people around me down.

"Siyempre, people will expect, if you join, they want you to win, lalo na my sister won.

"So, parang I think it’s just hindi ko kaya i-handle yung ganung pressure.

“At saka, at the same time, mas focused po talaga ako sa acting ko.

"Iyon naman yung pinagkaiba namin ni Megan.

"Kung siya beauty pageants and, you know, going around the world and helping out...

"Ako naman, mas simple naman yung gusto ko.

"I just want to stay here. I like my life. I like what I do already.

"It’s just a matter of, parang, I don’t want to... ayokong magmu-move on ako sa isang bagay samantalang hindi ko pa siya... yung wala pa akong naa-achieve.

"So, gusto ko munang may marating muna ako bago ako mag-move on into something else.”

Kung si Megan ay may korona bilang Miss World, si Lauren ba ay gustong magkaroon ng acting award?

Tugon niya, “Siyempre, iyon naman po talaga yung goal.

"Pero kung wala rin... kahit naman po wala akong acting awards, as long as maa-appreciate ng mga tao yung ginagawa ko, manood sila, magustuhan nila yung mga story na ikinukuwento namin, ma-appreciate nila yung kung paano ako umarte, award is just a bonus naman po.”

Patuloy pa niya, "I’m trying to do my job. I’m trying to do it as well as I can.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m very open to learning and trying out new things, because I want to be like Cherie Gil.

"Yung mga ganung line, na parang sobrang hanggang ngayon, nandito pa rin siya.

“Yung mga ganung level, na yung hindi sila bumibitaw, and they’re not going down. All they go is higher and higher.

"So sana, one day, ganun din po ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN