Gabby Concepcion on daughters KC, Garrie, and Cloie: “For them, I’m the only man in their lives. To me, they’re the only girls in my life.”

Gabby Concepcion on celebrating his 50th birthday: “You never really learn a lesson at one time, but you learn to accept that there are mistakes, there are fumbles that, with my age and wisdom, I am able to handle it.”


“Golden boy” na ang aktor na si Gabby Concepcion dahil, nitong November 5, umabot na siya sa edad na limampung taon.

Ano ang kanyang pakiramdam na nasa "almost half of his life" na siya?

Tugon ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Wala naman... Parang feeling ko, twenty years old lang ako.

“Pakiramdam ko, mas marami ang nagmamahal. Nakikita mo ngayon ang tunay na mga nagmamahal... yung genuine.

“Makikita mo talaga kung sino yung mga kasama mo noong nag-uumpisa ka pa lang [sa showbiz], kung sino ang hindi kumalas.

“Ang ganda... basta! Mula nang dumating ako, wala akong nakikitang negative.

“Nakakaramdam ako ng sakit, pero wala akong pagsisisi.

"I have nothing to complain about.

“Parang second life ko na ito, di ba?

"Anything that may happen after now, parang bonus ko na.”

Nakausap ng PEP si Gabby sa presscon ng pelikulang When The Love Is Gone noong November 6, Miyerkules, sa Citybest Seafood Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.



LESSONS IN LIFE. Looking back, ano ang pinakamagandang leksiyon sa buhay ang natutunan niya sa nakaraang limampung taon?

Sabi ni Gabby, “I live and I learn.

“It’s neverending. You live, you learn.

"It’s always a lesson... every day is a lesson.

“You never really learn a lesson at one time, but you learn to accept that there are mistakes, there are fumbles that, with my age and wisdom, I am able to handle it.

“Mas marami akong dapat na ipagpasalamat ngayon. Iyon yung lessons sa buhay na natutunan.”



FIVE DAUGHTERS. Pagkatapos nito ay napag-usapan namin ang kanyang limang anak na babae.

Ito ay sina KC Concepcion, na anak niya kay Sharon Cuneta; si Garrie, na anak niya kay Grace Ibuna; si Cloie, na anak niya kay Jenny Syquia; at sina Samantha Alexis at Savannah, na mga anak niya sa asawang si Genevieve Gonzalez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw ko sanang magkaroon ng World War III, kasi kapag nagkagiyera, kawawa naman ang mga anak kong babae!” natatawang biro ni Gabby.

Dagdag niya, “Ang mga lalaki, kaya nila.

"Ang mga babae kasi, para sa akin, they are very fragile.

"I want to be there all the time for them.

“Ayoko na one minute ay wala ako sa kanila. Ganoon ako, very protective ako.

“Kaya nga dumurugo ang puso ko kapag hindi ko sila nakikita.

“Isang anak ko na lang ang hindi ko nakikita... anyway, darating tayo diyan.”



CLOSE-KNIT. Tuwang-tuwa si Gabby nang mabalitaan niyang nagkikita-kita sina KC, Garrie, at Cloie.

Pagmamalaking pahayag ng aktor, “Exactly!

"Ako, I believe... lalo na ang anak kong si KC, who is very responsible... I’m very, very happy.

“Ako, I also believe na merong seed lahat ‘yan.

“And I believe, dahil naranasan ko na rin, the memories of my past, of their pictures, ay malaking contribution kung bakit naniniwala akong magiging close ang mga anak ko sa isa’t isa.

“Like, yung picture na nakikita ko when I was growing up.

“And, I made it a point na kunan sila ng pictures na magkakasama sila even if they have different mothers, but I wanted them together.

“Kinunan ko sila because they have something in common.

"So, one arm here, one arm there...

“Kinunan ko sila, ‘coz I know, at one point, makikita nila and makikita nila ang seed nila, kahit hindi nila alam kung paano nangyari yun.

“Pictures bonded them together.

"That they have one thing in common, na kahit hindi sila nagkikita in many years.

“And, once makita nila yun, alam nila kung sino sila at kung kanino sila nagmula.

“Those pictures are already out, nasa Internet na, nasa IG [Instagram] na.”

Paraan rin ba ito para mawala sa isip ng mga anak na hindi nila nakasama ang ama sa kanilang paglaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gabby, “Actually, I don’t mind what they say.

“That’s how I feel, that they are existing in my life, na gusto ko silang magkakasama-sama.

“Bilang ama, ang sarap ng pakiramdam na nasa tabi mo silang lahat, kahit sa picture man lang.”


ELDEST DAUGHTER. Sa kanyang mga dalagang anak, ayon kay Gabby, si KC ang pinakamalapit sa kanya dahil pareho silang nasa showbiz.

Kapag nagkakausap sila, ano ang madalas nilang napag-uusapan?

“Anything under the sun,” sagot ni Gabby.

“Pero, most of the time, tungkol sa beach—diving, swimming, kayaking, boating.

“Hindi namin pinag-uusapan ang tungkol sa personal relationships, hindi namin pinag-uusapan.

“Sa tingin ko, ayaw nilang pag-usapan, kasi ang pakiramdam nila ay it would only hurt me.

“Kasi, for them, I’m the only man in their lives. To me, they’re the only girls in my life.

“Pero, kapag wala na yun, sasabihin sa akin na, ‘Dad...,’” sabay muwestra ni Gabby na parang maiiyak.

“Doon na ako pumapasok, yun na ang napag-uusapan namin.

“Pero hindi ko sila pinipiliit na, ‘Oy, what’s with you? And did you know that I know his parents? And somebody told me na...’

“Hindi ako ganoon, hindi ko pinangungunahan ang feelings nila.

“I’m just concerned kapag nasasaktan sila, pero wala naman silang sinasabi, kasi ayaw naman nila akong masaktan.

“Bakit ako makikialam kung hindi naman nila ako hinihingian ng tulong o advice?”


SHOULDER TO CRY ON. Pero bilang isang ama, siya pa rin daw ang tumatayong “knight in shining armour” ng kanyang mga dalagang anak.

Natatawang sabi niya, “Kaya kapag nasasaktan na sila, doon na sila bumibigay!

“Whether directly or indirectly, nakakausap ko sila, nabibigyan ko sila ng pointers kung ano ang dapat nilang gawin, kasi parang nagiging casual na lang.

“But before we go to the topic na dapat naming pag-usapan, iba’t ibang topics muna ang aming pinag-uusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And after that, sasabihin ko na, ‘What do you feel?’

"Gagapang na yun sa mga kuwentuhang gusto nilang marinig.

“Ako naman, bilang ama, protective ako sa kanila.

“Sabi nga nila noong araw, kahit kagat ng lamok ay ayaw mo silang makagat o madapuan man lang ng langaw.

“So, sasabihin ko na sa kanila ang best advice na puwedeng sabihin ng isang ama,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN