Kathryn Bernardo "super proud" of loveteam Daniel Padilla’s international music awards nominations

Kathryn Bernardo on creepy moments in Pagpag, Siyam Na Buhay: “Yung sa bahay ko, may ahas daw doon na malaki, tapos yung pang-finale namin na location, para siyang abandoned na malaking bahay. Basta parang sa haunted house din kami nag-spend ng November 1. Nakatakot siya talaga, and yung double ko, nakakita yata siya na pugot pa yung ulo.”


Sa sariling salita, "super proud" daw si Kathryn Bernardo sa tatlong nominasyong nakuha ni Daniel Padilla sa 2013 World Music Awards.

Nakapanayam kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actress, na sinasabing partner ni Daniel on- and offscreen, sa pictorial ng Pagpag, Siyam Na Buhay.

Sinabi nitong masayang-masaya siya sa mga nominasyon ni Daniel mula sa international music award-giving bodies.

Saad niya, “Nagulat nga ako noong ’pinakita niya… Okey, ang saya, kasi ang mga ka-level niya sila Justin Beiber, sila Usher!

“Noong nakita ko, sabi ko ’Ayos!’, pero sana naman pinalitan nila ang picture doon.

“Basta, masaya! Ma-nominate lang si DJ [Daniel], super proud na ako.”


HIGH RATINGS. Masaya rin si Kathryn sa consistent high ratings ng serye nila ni Daniel sa ABS-CBN na Got To Believe.

Aniya, “Masaya din naman, sino ba ang di sasaya?

Honesto ang number 1, pero masaya ako kasi kahit medyo late na yung mga bata, di pa sila natutulog.

“Or yung mga moms nila, pinapapanood muna sila before sleeping."

Pinuri rin ni Kathryn sina Shaina Magdayao at Paulo Avelino, na parehong kasama niya sa Pagpag.

“Okey naman, kasi first time ko lang makatrabaho si Kuya Paulo and Ate Sha. Masaya, kasi mababait sila saka very professional.”

Nagpasalamat din ang young actress sa popularidad na tinatamasa ng KathNiel, ang tambalan nilang dalawa ni Daniel.

“Pareho kami ng sasabihin ni DJ, ’Thank you, of course, sa mga sumusuporta.’”


THIRD MMFF MOVIE. Sa pelikulang Pagpag, Siyam na Buhay ng Star Cinema, masasabing sina Kathryn at Daniel talaga ang bida.

Ito rin ang pangatlong pelikula na makakasama si Kathryn sa Metro Manila Film Festival (MMFF), ang taunang Christmas season event kung saan panay pelikulang Pilipino ang ipinapalabas ng mga sinehan sa Kamaynilaan.

Paglalahad ni Kathryn sa role niya sa Pagpag, “Ako si Leni, isa akong probinsyana na ang trabaho ng family namin ay yung mga nag-aayos ng mga libing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lumaki ako na walang parents, so parang ako lang yung bumubuhay sa kapatid ko na si Clarence, sa Tiyong ko na si Kuya Janus…

“Hanggang sa nagkakilala kami ni DJ dahil sa isang aksidente.

“Of course, I’m very happy kasi makakasali kami sa MMFF, may float na naman!"

Tradisyon na ng MMFF ang parada ng floats sa unang araw nito. Ibinabandera ng bawat float ang pelikula ng mga artistang nakasakay dito, habang ang publiko ay nakalinya sa mga kalye upang kumaway at makawayan ng mga iniidolo nila.

“Masaya, kasi di ba last year, comedy yung ginawa namin with Tita Kris [Aquino], Vice [Ganda] and Ms. Ai-Ai [delas Alas]?

“And ngayon, horror kami, and good thing pa, wala na yung Shake ngayon, so yung Star Cinema, dito talaga sila nag-focus sa Pagpag."

Ang sinasabing Shake ni Kathryn ay ang successful horror franchise na Shake, Rattle & Roll ni Mother Lily Monteverde ng Regal, na umabot sa 13 serye bago ito ipinagpahinga.

Parating tatlong maiiksing kuwento ng kababalaghan at lagim ang nakapaloob sa bawat Shake, Rattle & Roll, na nitong mga huling taon ay namamayagpag tuwing MMFF.

Ang Star Cinema, na film arm ng ABS-CBN, ang prodyuser ng Pagpag.

Dagdag ng batang aktres tungkol sa Pagpag: “Exciting, kasi di siya puro horror lang, may pagka-comedy na about barkada, bagong tema.”


CREEPY. Tulad ni Daniel, sa kanyang hiwalay na panayam sa PEP, ay nagbahagi rin si Kathryn ng nakakatakot niyang karanasan sa shooting ng Pagpag.

“Mayroon lang sa mga tao sa paligid namin. Yung mga locations kasi namin, mga creepy talaga.

“Yung sa bahay ko, may ahas daw doon na malaki, tapos yung pang-finale namin na location, para siyang abandoned na malaking bahay.

“Basta parang sa haunted house din kami nag-spend ng November 1.

“Nakatakot siya talaga, and yung double ko, nakakita yata siya na pugot pa yung ulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga locations [nakakatakot], pero sa amin naman, wala naman [nagpakita].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN